Si Raphael Narbaez, Jr., Ministro ng Saksi ni Jehovah, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Isang tagapangunang ministro at komedyante na nawalan ng gana sa kanyang pananampalataya.
- Ni Raphael Narbaez, Jr.
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 Mar 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,864 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Raphael ay isang apatnapu't dalawang taong gulang na Latino, na nakabase sa Los Angeles bilang komedyante at tagapagturo. Ipinanganak siya sa Texas kung saan kanyang unang nasaksihan ang pagpupulong ng Saksi ni Jehovah sa murang edad na anim na taong gulang. Nagbigay siya ng kanyang unang sermon sa bibliya [ng maaga sa edad na labing tatlo], sa edad na dalawampu ay pinamahalaan na ang kanyang sariling kongregasyon, at papunta na sa posisyon ng pagiging pinuno ng 904,000 na mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos. Ngunit ipinagpalit niya ang kanyang Bibliya para sa Quran matapos na maglakas-loob na bumisita sa isang lokal na moske.
Noong November 1, 1991, niyakap niya ang Islam, at dinala sa pamayanan ng mga Muslim ang mga kasanayan sa pag organisa at pagsasalita na napaghusay niya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Nagbigay siya ng pahayag bilang isang bagong balik loob, Isa na nakapagpatawa sa mga migranteng Muslim sa kanilang sarili.
Ikwenento niya ang kanyang mga kuwento na ginagaya ang papel ng mga tauhan (sa kwento).
Malinaw kong naaalala sa isang talakayan kung saan kaming lahat ay nakaupo sa sala ng aking mga magulang at may ilang mga Saksi ni Jehova doon. Pinag-uusapan nila ang: "Armageddon! Ang oras ng katapusan! At darating si Kristo! At alam mo ang mga tipak ng yelo ay magiging kasing laki ng mga sasakyan! Gagamitin ng Diyos ang lahat ng uri ng mga bagay upang sirain itong masamang sistema at alisin ang mga pamahalaan! At binanggit ng Bibliya ang pagbuka ng kalupaan! Lalamunin nito ang buong lungsod!"
Takot na takot ako! At pagkatapos ay lumingon ang aking ina: "Tingnan mo kung ano ang mangyayari sa iyo kung hindi ka magpapabinyag, at kung hindi mo gagawin ang kalooban ng Diyos? Lalamunin ka ng lupa, o tatamaan ka ng isa sa mga malalaking tipak ng yelo sa ulo [tunog ng tinamaan], patutumbahin ka, at mawawala kana ng tuluyan. Kakailanganin kong gumawa o magkaroon ng isa pang anak.
Hindi ako magbabaka sakali na matamaan ng isa sa mga malalaking tipak ng yelo. Kaya nagpabinyag ako. At syempre hindi naniniwala ang mga Saksi ni Jehova sa pagwiwisik lang ng tubig. Ilulubog ka nila nang lubusan, ilulublob ka sa loob ng isang segundo, at pagkatapos ay iaahon ka.
Ginawa ko ito noong ako ay labing tatlong taong gulang, September 7, 1963, sa Pasadena, California, sa Rose Bowl. Isa itong malaking internasyonal na pagpupulong. Mayroon kaming 100,000 katao. Bumiyahe kaming lahat mula sa Lubbock, Texas.
Kalaunan ay nagsimula akong magbigay ng mas malaking pagpapahayag - sampung minuto sa harap ng kongregasyon. Inirekomenda ng isang sirkitong lingkod na ibigay sa akin ang isang oras na pagpapahayag na ginagawa tuwing Linggo kapag inaanyayahan nila ang pangkalahatang publiko. Karaniwan nilang inilalaan ang mga ito [sermon] para sa mga matatanda sa kongregasyon.
[Sa isang boses na matikas:] “Tunay na bata lang siya. Ngunit kaya niya ito. Siya ay mabuting Kristiyanong bata. Wala siyang mga bisyo, at siya ay masunurin sa kanyang mga magulang at tila may malawak na kaalaman sa Bibliya.”
Kaya sa edad na labing-anim ay sinimulan ko nang magbigay ng isang oras na pagpapahayag sa harap ng buong kongregasyon. Una akong naatasan sa isang pangkat sa Sweetwater, Texas, at pagkatapos, sa kalaunan, nakuha ko ang aking unang kongregasyon sa Brownfield, Texas. At sa edad na dalawampung taong gulang, ako ay naging isang tagapangunang ministro (pioneer minister) sa katawagan nila.
Ang mga Saksi ni Jehova ay may napaka sopistikadong programa sa pagsasanay, at mayroon din silang takda o quota na sistema. Kailangan mong maglaan ng sampu hanggang labindalawang oras sa isang buwan sa pangangaral sa bahay-bahay. Ito ay tulad ng pamamahala sa pagbebenta. Walang sinabi ang taga IBM sa mga taong ito.
Kaya nang ako ay naging tagapangunang ministro, ginugol ko ang aking buong oras sa paggawa nito. Kailangan kong gumawa ng 100 oras sa isang buwan, at kailangan kong magkaroon ng pitong pag-aaral sa Bibliya. Nagsimula akong magbigay ng pagpapahayag sa ibang mga kongregasyon. Nagsimulang dumami ang aking responsibilidad, at natanggap ako sa isang paaralan sa Brooklyn, New York, isang pinakamahusay na paaralan na mayroon ang mga Saksi ni Jehova para sa pinakamahusay sa mahuhusay, ang nasa taas na isang porsyento. Ngunit hindi ako pumunta.
May ilang mga bagay na hindi na naging makabuluhan para sa akin. Halimbawa ay, ang sistema ng quota. Tila baga pag ninais kong lumiko o makarating sa ibang posisyon ng responsibilidad, kailangan kong gawin ang mga sekular na materyal na bagay na ito upang patunayan ang aking kabanalan. Para bagang kapag nakamit mo ang iyong mga quota sa buwang ito, mahal ka ng Diyos. At kung hindi mo matugunan ang iyong mga quota sa susunod na buwan, hindi ka mahal ng Diyos. Ito ay di gaanong makatuturan. Sa isang buwan mahal ako ng Diyos at sa susunod na buwan ay hindi na?
Binabatikos namin ang Simbahang Katoliko sapagkat mayroon silang isang tao, isang pari, na dapat nilang pangumpisalan. At sasabihin namin, "Hindi ka dapat pumunta sa isang tao upang ikumpisal ang iyong mga kasalanan! Ang iyong kasalanan ay laban sa Diyos!” Subalit pumupunta kami sa isang Grupo ng mga Matatanda. Ipagtatapat mo sa kanila ang iyong mga kasalanan, at patitigilin ka nila, at sasabihin [ng isang matandang tagahawak ng telepono:] "sandali lang... Ano sa palagay mo, Panginoon? Hindi? ... Okey, pasensya kana, ginawa namin ang lahat subalit hindi ka ganap na nagsisisi. Ang iyong kasalanan ay napakalaki, kaya maaring mawala ang iyong samahan sa simbahan o dadaan ka sa pagsubok.”
Kung ang kasalanan ay laban sa Diyos, hindi ba dapat na ako ay direktang lumapit sa Diyos at humingi ng awa?
Marahil ang huling pako sa ataul o nagtulak talaga sa akin ay noong napansin kong pakonti ng pakonti ang pagbabasa ng Bibliya. Ang mga Saksi ni Jehova ay may mga aklat para sa lahat na ipinamamahagi ng Watchtower Bible at Tract Society. Ang tanging mga tao sa buong planeta na nakakaalam kung paano ipakahulugan ng tama ang Banal na Kasulatan ay ang pangkat ng mga kalalakihang iyon, ang lupon na iyon sa Brooklyn, na nagsasabi sa mga Saksi ni Jehova sa buong mundo kung paano magbihis, kung paano makipag-usap, kung ano ang sasabihin, kung ano ang hindi sasabihin, kung paano isabuhay ang Banal na Kasulatan at kung ano ang magiging hinaharap. Sinabi sa kanila ng Diyos, kaya maaari nilang sabihin sa amin. Pinahahalagahan ko ang mga librong ito. Ngunit kung ang Bibliya ay aklat ng kaalaman, at kung ito ay mga tagubilin ng Diyos, kung gayon, hindi bat makukuha natin ang mga sagot mula sa Bibliya? Si Pablo mismo ang nagsabi na tuklasin mo mismo kung ano ang totoo at katanggap-tanggap na salita ng Diyos. Huwag hayaan ang mga lalaki na kilitiin ang iyong mga tainga.
Sinimulan kong sabihin, "Huwag niyong alalahanin masyado ang tungkol sa sinasabi ng taga Watchtower - basahin mismo ang Bibliya para sa iyong sarili." Nagsimula silang makinig ng may pananabik.
[Ang Matatandang taga timog ay nagsalita ng malumanay :] “Sa tingin ko mayroon tayong taong tumalikod dito, Husgahan. Oo. Sa palagay ko, itong batang ito ay kinulang ang kaisipan.”
Kahit ang aking ama ay nagsabi, “Pag-isipan mong mabuti yan, binata, iyan ay mga demonyo na bumubulong diyan. Iyan ang mga demonyong nagsisikap na makapasok at maging sanhi ng paghihiwa-hiwalay..”
Sinabi ko, “Ama, hindi ito ang mga demonyo. Hindi na kailangang basahin ng mga tao ang marami sa kanilang mga inilathala. Mahahanap nila ang mga kasagutan sa pamamagitan ng panalangin at sa Bibliya.”
Sa espiritwal na aspeto ay hindi na ako nakakaramdam ng kapanatagan. Kaya noong 1979, alam kong hindi ako makaka-usad kaya umalis akong, naiinis at masama ang loob baon ang di magandang mga alaala, sapagkat buong buhay ko ay inilaan ko ang aking kaluluwa, puso, at isipan sa simbahan. Iyon ang problema. Hindi ko ito inilaan sa Diyos. Inilaan ko ito sa isang organisasyong gawa ng tao.
Hindi ako makakalipat sa ibang mga relihiyon. Bilang Saksi ni Jehova, sinanay ako sa pamamagitan ng Kasulatan, na ipakita na silang lahat ay mali. Na ang pagtatambal ay masama. Na hindi umiiral ang Trinidad.
Ako ay tulad ng isang tao na walang relihiyon. Hindi ako isang tao na walang Diyos. Ngunit saan ako maaring pumunta?
Noong 1985, napagpasyahan kong magtungo sa Los Angeles at makasama sa palabas ni Johnny Carson upang makilala bilang isang mahusay na komedyante at artista. Palagi kong naramdaman na ipinanganak ako para sa isang bagay. Hindi ko alam kung ito ba ay ang pagtuklas ng gamot para sa sakit na kanser o ang pagiging artista. Patuloy akong nagdarasal at nainis sa kalaunan.
Kaya pumunta nalang ako sa Simbahang Katoliko na malapit sa aking bahay, at sinubukan ko ito. Naaalala ko noong Miyerkules Santo, mayroon akong krus na mula sa abo sa aking noo. Sinusubukan ko ang anumang makakaya ko. Nagpunta ako ng halos dalawa o tatlong buwan, at hindi ko na ito magagawa pa. Ganito yon:
Tayo. Upo.
Tayo. Upo.
Sige, ilabas ang iyong dila.
Makakakuha ka ng maraming ehersisyo. Sa palagay ko nga nawalan ako ng limang pounds. Ngunit ganon lamang iyon. Kaya ngayon ay mas naligaw pa ako kaysa dati
Ngunit hindi sumagi sa isip ko na walang Tagapaglikha. Mayroon akong numero ng Kanyang telepono, ngunit laging abala ang linya. Ginagawa ko ang maliliit na mga kuha para sa pelikula. Isang pelikulang may pamagat na Deadly Intent. Isang komersyal para sa telepono sa Chicago. Isang komersyal ng Exxon. Isang pares ng mga komersyal sa bangko. Sa kabilang banda ay nagtatrabaho ako sa konstruksyon pansamantala.
Magdagdag ng komento