Ang Atmospera ng Mundo
Paglalarawanˇ: Ang makabagong siyensiya ay nakatuklas ng mga katotohanan tungkol sa atmospera na nabanggit sa Quran higit sa 1400 taon na ang nakalilipas.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 7
- Tumingin: 8,295 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 79
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
"At sumumpa ang Allah sa pamamagitan ng kalangitan na nagtatangan ng ulan nang paulit-ulit." (Quran 86:11)
"[Siya] na gumawa para sa inyo ng kalupaan bilang higaan [na nakalatag], at ng kalangitan bilang silungan…" (Quran 2:22)
Sa unang talata ang Diyos ay nanumpa sa kalangitan[1] at ang gawain nito ng ‘pagbabalik’ na hindi tinukoy kung ano itong ‘bumabalik.’ Sa Islamikong doktrina, ang banal na panunumpa ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng isang espesyal na kaugnayan sa Lumikha, at ipinapakita ang Kanyang kadakilaan at ang sukdulang Katotohanan sa isang espesyal na pamamaraan.
Ang ikalawang talata ay naglalarawan ng Banal na Paggawa na nilikha ang kalangitan bilang isang ‘silungan’ para sa mga naninirahan sa mundo.
Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng modernong pangkapaligirang siyensiya tungkol sa gawain at tungkulin ng kalangitan.
Ang atmospera ay isang salita na tumutukoy sa lahat ng hangin na nakapaligid sa mundo, mula sa lupa hanggang sa dulo kung saan nagsisimula ang kalawakan. Ang atmospera ay binubuo ng ilang mga bahagi, bawat isa ay inilarawan dahil sa iba't ibang mga kababalaghan na nangyayari sa loob ng bawat bahagi.
Ang ulan, halimbawa, ay ‘ibinabalik’ sa Mundo sa pamamagitan ng mga ulap sa atmospera. Sa pagpapaliwanag sa siklo ng tubig, ang Encyclopedia Britannica ay sumulat:
"Ang tubig ay sumisingaw mula sa karagatan at mga kapaligiran sa lupa habang pinapainit eto ng enerhiya ng Araw. Ang bilis ng pagsingaw ng tubig at pag-ulan nito ay nakasalalay sa enerhiya ng araw, at ganun din sa sirkulasyon ng kahalumigmigan sa hangin at mga alon sa karagatan. Mas marami ang ebaporasyon kesa sa ulan sa ibabaw ng mga karagatan, at ang singaw ng tubig na ito ay dinadala ng hangin sa ibabaw ng kalupaan, kung saan ito ay bumabalik sa lupa sa pamamagitan ng pag-ulan."[2]
Hindi lamang naibabalik ng atmospera kung ano ang nasa kapatagan, ibinabalik din nito sa kalawakan ang anumang maaaring makapinsala sa mga pananim at mga hayop na nagsusustine nito, gaya ng labis na init. Noong 1990’s, sa pagtutulungan ng NASA, ng European Space Agency (ESA), at ang Institute of Space and Astronautical Science (ISAS) ng Japan ay nag resulta sa International Solar-Terrestrial Physics (ISTP) na Inisyatibong pang Siyensiya. Ang Polar, Wind at Geotail ay mga bahagi ng inisyatibong ito, pagsasama-sama ng mga mapagkukunan at mga pang-agham na komunidad upang makakuha ng tugma, sabay-sabay na pagsisiyasat ng Araw-Mundong kapaligirang pang kalawakan sa isang pinalawig na panahon. Mayroon silang isang mahusay na paliwanag kung paano ibinabalik ng atmospera ang init ng araw sa kalawakan.[3]
Bukod sa ‘bumabalik’ na ulan, init at radio waves, pinoprotektahan tayo ng atmospera tulad ng isang silungan sa itaas ng ating mga ulo sa pamamagitan ng pagsala ng nakamamatay na kosmikong sinag, malakas na ultraviolet (UV) radiation mula sa Araw, at kahit na ang mga bulalakaw kapag bumangga sa Mundo.[4]
Sinasabi sa atin ng State Public Broadcasting ng Pennsylvania:
"Ang sikat ng araw na nakikita natin ay kumakatawan sa isang pangkat ng mga wavelengths, nakikitang ilaw. Ang iba pang mga wavelengths na inilalabas ng araw ay may kasamang x-ray at ultraviolet radiation. Ang X-rays at ilang ultraviolet light waves ay hinihigop ng malakas ng atmospera ng mundo. Pinapainit nila ang manipis na bahagi ng gas doon hanggang sa umabot sa napakataas na temperatura. Ang ultraviolet light waves ay ang mga sinag na maaring magsanhi ng pagkasunog ng ating balat dahil sa araw. Karamihan sa mga ultraviolet light waves ay hinihigop ng isang mas makapal na bahagi ng gas na mas malapit sa Mundo na tinatawag na ozone layer. Sa pagkasipsip ng nakamamatay na ultraviolet at x-rays, ang atmospera ay nagsisilbing isang proteksiyon sa paligid ng planeta. Tulad ng isang higanteng mainit na kumot, pinapanatili din ng atmospera ang temperatura mula sa sobrang init o sobrang lamig. Bilang karagdagan, pinoprotektahan din tayo ng atmospera mula sa palaging pagtampol ng mga bulalakaw, mga piraso ng bato at alikabok na naglalakbay ng sobrang bilis sa boung solar system. Ang mga nahuhulog na mga bituin na ating makikita sa gabi ay hindi talaga mga bituin; sila ay talagang mga bulalakaw na nasunog sa ating atmospera dahil sa matinding init na kanilang pinagdaanan."[5]
Ang Encyclopedia Britannica, na naglalarawan ng papel ng Stratosphere, ay nagsasabi sa atin tungkol sa pagganap nito bilang proteksiyon na humihigop sa mapanganib na ultraviolet radiation:
"Ang paghigop ng ultraviolet light mula sa Araw, sa itaas ng mga stratospheric na rehiyon ay nagbubuwag sa mga oxygen molecules; ang pagsasamang muli ng mga oxygen atom at ng O2 molecules papunta sa ozone (O3) ay naglilikha ng ozone layer, na tumatabing sa mas mababang ecosphere mula sa nakapipinsalang short-wavelength radiation…Gayunpaman, mas nakakabahala, ang pagkakatuklas sa patuloy na pagkaubos o pagnipis ng ozone sa ibabaw ng mga may katamtamang klima, kung saan naninirahan ang malaking porsyento ng populasyon sa mundo, yamang ang ozone layer ang siyang nagsisilbing isang panangga laban sa ultraviolet radiation, na napag-alamang nagiging sanhi ng kanser sa balat."[6]
Ang mesosphere ay ang layer kung saan nasusunog ang maraming bulalakaw habang pumapasok sa atmospera ng Mundo. Isipin ang isang baseball na humahagibis ng 30,000 milya bawat oras. Ganito kalalaki at kabibilis ang karamihan ng bulalakaw. Kapag sila'y papasok na sa atmospera, ang mga bulalakaw ay umiinit ng mahigit 3000 degrees Fahrenheit, at sila ay kumikinang. Ang bulalakaw ay nagsisiksik ng hangin sa harap nito. Umiinit ang hangin, na siya namang nagpapainit sa bulalakaw.[7]
Ang Mundo ay napapalibutan ng isang magnetikong pwersa sa paligid - isang bula sa kalawakan na tinatawag na "ang magnetosphere" na libu-libong milya ang lapad. Ang magnetosphere ay nagsisilbing panangga na nagpoprotekta sa atin mula sa mga solar storms. Gayunpaman, ayon sa mga bagong obserbasyon mula sa NASA’s IMAGE ng sasakyang panghimpapawid at ang magkasanib na satellite ng NASA/European Space Agency Cluster, ang malalaking bitak ay nabubuo sa magnetosphere ng Mundo at nananatiling bukas ng ilang oras. Nagbibigay daan ito para sa solar wind na makakawala at maging malakas na bagyo sa kalawakan. Sa kabutihang-palad, ang mga bitak na ito ay hindi nilalantad ang ibabaw ng Mundo sa solar wind. Pinoprotektahan tayo ng ating atmospera, kahit na ang ating magnetikong paligid ay hindi.[8]
Paano magiging posible para sa isang naninirahan sa disyerto sa ikapitong siglo na ilarawan ang kalangitan sa paraang tiyak na tanging ang mga makabagong natuklasang siyensiya lamang ang makakapag kumpirma nito? Ang tanging paraan o kadahilanan lamang ay kung nakatanggap siya ng paghahayag mula sa Lumikha ng kalangitan.
Mga talababa:
[1]Al-Samaa’, ang salitang Arabe na isinalin dito bilang ‘langit’ kasama na dito ang atmospera ng Mundo tulad ng ipinapahiwatig ng talata 2:164.
[2]"Biosphere." Encyclopedia Britannica from Encyclopedia
Britannica Premium Service.
(http://www.britannica.com/eb/article?tocId=70872)
[3](http://www-spof.gsfc.nasa.gov/stargaze/Sweather1.htm)
[4]Atmospheric, Climate & Environment Information Programme of the Manchester Metropolitan University at (http://www.ace.mmu.ac.uk/eae/Atmosphere/atmosphere.html)
[5](http://www.witn.psu.edu/articles/article.phtml?article_id=255&show_id=44)
[6]"Earth." Encyclopedia Britannica from Encyclopedia
Britannica Premium Service.
(http://www.britannica.com/eb/article?tocId=54196)
[7](http://www.space.com/scienceastronomy/solarsystem/meteors-ez.html)
[8](http://www.firstscience.com/SITE/ARTICLES/magnetosphere.asp)
Magdagdag ng komento