Si Kristin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Matapos makilala ang Islam sa isang chat room, natagpuan ni Kristin ang kanyang sarili na umiiyak habang binabasa ang Quran sa silid-aklatan habang nagsasasaliksik patungkol sa naturang relihiyon.

  • Ni Kristin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 02 Feb 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,005 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Sa puntong ito ako ay kasing-lito at bigo katulad noong nag-umpisa ako sa aking pagsasaliksik. Tila nais kong ihagis ang aking mga braso sa Diyos at sumigaw ng, “Ano na ngayon?” Ako ay hindi isang Hudyo, ako ay hindi isang Kristiyano, isa lamang akong tao na naniniwala sa nag-iisang Diyos. Inisip kong bumitaw sa lahat ng mga organisadong relihiyon. Ang nais ko lamang ay ang katotohanan, wala akong pakialam kung anong banal na aklat ito nagmula; sadyang nais ko lamang ito.

Isang araw, nagbabasa ako sa internet at nagpasya na huminto muna at maghanap ng chat room. Napansin ko ang isang “usapang pang-relihiyon”, na syempre ay interesado ako, kaya pinindot ko ‘yon. Nakita ko ang isang room na may pangalang “Muslim chat”. Dapat ba kong pumasok? Umaasa ako na walang terorista na magkakaroon ng kontrol sa aking e-mail at magpapadala ng mga virus sa kompyuter – o mas malala pa. Ang imahe ng mga malalaking lalaki na nakasuot ng itim na may malalagong balbas papunta sa pintuan at dudukot sa akin ang sumagi sa aking isipan. (Masasabi mo kung gaano kalaki ang nalalaman ko patungkol sa Islam – wala!). Pero naisip ko pagkatapos, sige na, ito nama'y isang inosenteng pag-iimbestiga lamang. Nagpasya akong pumasok at napansin na ang mga tao sa naturang room ay hindi naman nakakatakot kagaya ng naisaisip ko na magiging itsura nila. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay tinatawag ang isa’t-isa na “brother” o “sister” kahit na kakikilala pa lamang nila! Nagpaabot ako ng pagbati sa kanila at sinabihan sila na bigyan ako ng mga pangunahing kaalaman patungkol sa Islam – na hindi ko nalalaman. Ang mga sinabi nila ay interesante at umaayon sa aking mga pinaniniwalaan. Ang ilan sa mga tao ay nag-alok na magpadala sa akin ng mga aklat kaya ako ay pumayag. (Siya nga pala, wala akong nakuha na anumang virus at wala ring kalalakihan na sumulpot sa aking pintuan para ako ay kunin, maliban na lamang sa aking asawa na maluwag sa kalooban ang aking pagsama!)

Nang mag log-off ako mula sa chat, dumiretso ako sa silid-aklatan at tiningnan ang bawat aklat patungkol sa Islam, katulad ng ginawa ko sa Judaismo. Ako ay interesado na magbasa at mas matuto. Bago ko pa man madala pauwi ang malaking salansan ng mga aklat, gusto ko munang tingnan ng mabuti ang ilan sa mga ito. Ito ang nagsilbing punto ng pagbabago sa aking buhay.... Ang ilan sa mga unang tiningnan ko ay nagpapaliwanag sa mga pangunahing kaalaman patungkol sa Islam nang mas detalyado, ang ilan ay mula sa mga iskolar at ang ilan ay may mga larawan ng malalaki’t naggagandahang mga moske na may mga babaeng may takip sa ulo. Mabuti na lamang at tiningnan ko ang isang Quran… Binuklat ko ito sa walang particular na pahina at nag-umpisang magbasa. Ang lenggwahe ang unang nakakuha sa aking atensyon, nakaramdam ako na mayroong isang may awtoridad na kumakausap sa akin, hindi tao na nakikipag-usap katulad ng sa ibang “banal” na kasulatan na akin nang nakasalubong. Ang sipi na aking nabasa (at nakakalungkot na hindi ko alam kung ano iyon) ay nagsasaad patungkol sa kung ano ang inaasahan ng Diyos na gagawin mo sa buhay na ito at kung paano mamumuhay alinsunod sa Kanyang mga kautusan. Isinasaad nito na ang Diyos ang Pinaka Mapagbigay at ang Pinaka Mahabagin at ang Pinaka Nagpapatawad. At ang pinakamahalaga, sa Kanya, tayo ay katiyakang magbabalik. Bago ko pa man malaman, narinig ko na lamang ang bawat pagpatak ng aking mga luha sa pagtama ng mga ito sa mga pahina na aking binabasa. Ako ay umiiyak sa gitna ng silid-aklatan, dahil sa wakas, matapos ang lahat ng aking paghahanap at pagninilay-nilay, natagpuan ko na kung ano ang aking hinahanap – ang Islam. Batid ko na ang Quran ay isang bagay na kakaiba dahil nakapagbasa na ako ng maraming mga literaturang pangrelihiyon, at WALA sa mga ito ang ganito kalinaw o nagbigay sa akin ng ganitong uri ng pakiramdam. Ngayon ay nakikita ko ang karunungan ng Diyos…sa pagpapahintulot sa akin na saliksikin nang mabuti ang Judaismo at Kristiyanismo bago ko matagpuan ang Islam, nang sa gayon ay aking mapagkumpara at mapagtanto na WALANG maihahalintulad sa Islam.

Mula sa puntong iyon, nagpatuloy ako sa pagsasaliksik patungkol sa Islam. Ginawa ko ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pagkakasalungat katulad ng ginawa ko sa Judaismo at Kristiyanismo, ngunit wala akong natagpuan na kahit ano. Hinalughog ko ang Quran sa paghahanap ng anumang pagkakaiba; hanggang sa araw na ito hindi pa rin ako nakakahanap kahit ISA na pagkakasalungat dito! Isa sa malaking bagay na gusto ko patungkol sa Quran ay ang paghamon nito sa mga mambabasa na kwestyunin ito. Sinasabi mismo nito patungkol sa sarili nito na kung ito ay hindi mula sa Diyos katiyakan na makakakita ka ng maraming pagkakasalungat mula rito. Ang Islam ay hindi lamang malinis mula sa pagkakasalungat, mayroon itong kasagutan sa anumang tanong na maari kong maisip – isang kasagutan na mayroong kabuluhan.

Matapos ang tatlong buwan, nagpasya ako na ang Islam nga ang kasagutan at isinagawa ang aking opisyal na pagbabalik-loob sa pagbanggit ng Shahadah (panunumpa ng pagsaksi). Gayunpaman, kinailangan kong banggitin ang aking Shahadah (panunumpa ng pagsaksi) sa pamamagitan ng tawag sa isang Imam mula sa Pennsylvania dahil walang mga Muslim o moske na malapit sa akin (ang PINAKAMALAPIT ay halos 6 na oras ang byahe na layo). Hindi ko kailanman pinagsisihan ang aking kapasyahan na magbalik-loob. Yamang walang mga Muslim na naninirahan malapit sa akin, kinailangan kong magkusa at gawin ang higit na pag-aaral ng sarili ko lamang, ngunit hindi ako kailanman napagod dahil pinag-aaralan ko ang katotohanan. Ang pagtanggap ko sa Islam ay tila paggising sa aking espiritu, sa aking isip at maging sa kung paano ko titingnan ang mundo.

Maikukumpara ko ito sa isang tao na noon ay may malabong paningin; nagsikap na makasabay sa klase, hindi makapag-tuon ng atensyon at patuloy na hinahamon ng kaniyang kapansanan. Kung bibigyan mo sila ng pares ng salamin ang lahat ay magiging malinaw at nasa pagtuon. Ganito ang ang karanasan ko sa Islam: tulad sa pagkakaroon ng pares ng salamin, na nagpahintulot sa akin, para sa unang pagkakataon, na makakita ng malinaw.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat