Si Penomee (Dr. Kari Ann Owen), Dating Hudyo, Estados Unidos
Paglalarawanˇ: Dahil sa iba't-ibang karanasan sa buhay, nakaramdam ng kakulangan si Dr. Owens sa pagiging bahagi ng lipunang Amerikano at taga-Kanluran at naghanap sa iba ng patnubay.
- Ni Dr. Kari Ann Owen
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 07 May 2014
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,592 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
“Walang ibang diyos maliban sa Natatanging Diyos, at si Muhammad, mapasakanya ang Habag at Pagpapala ng Natatanging Diyos, ay Kanyang Sugo.”
Ito ang mga salita ng panunumpa o shahadah (pagsaksi), sa aking paniniwala.
Ang Tagapaglikha ay kilala sa maraming mga pangalan. Ang Kanyang Karunungan ay kapansin-pansin sa lahat ng oras, at ang Kanyang presensya ay makikita o mararamdaman sa pagmamahal, pagpapahintulot at habag na makikita sa ating komunidad.
Ang Kanyang masidhing abilidad sa pag patnubay sa atin mula sa tila isang digmaan ng pagkamakasariili na laganap sa lipunan ng mga Amerikano tungo sa paniniwala sa kaluwalhatian at dignidad ng Tagapaglikha sa Kanyang sangkatauhan, at ang ating mga pananagutan bilang miyembro ng pamilyang ito. Inilalarawan nito ang pagkahubog ng isang espiritwal na personalidad, at marahil ang pinaka kanais-nais na pagkahubog ng sikolohikal na sarili, rin.
Ang pagtahak ko sa landas patungo sa Shahadah (pagsaksi na walang ibang diyos maliban sa Allah at na si Muhammad ay Kanyang huling Sugo) ay nagsimula noong ang hinahangaan kong direktor na si Tony Richardson ay namatay sa sakit na AIDS. Si Ginoong Richardson ay isa nang maningning at kinikilalang propesyonal sa iba't-ibang panig ng mundo noong kami'y muntikang magkita sa likod ng entablado ng dulang Luther sa edad na 14.
Ang pagsusulat ng mga dula para sa akin ay isang paraan ng paghahanap ng antas ng pagkakasundong espiritwal at emosyonal, pareho sa aking sarili at sa pagitan ng aking sarili at sa mundong aking natagpuan na sa halip ay malupit bunga ng mga pangyayari sa aking kabataan. Sa halip na makipaglaban sa mundo, nilabanan ko ito sa pamamagitan ng aking mga dula. At kamangha-mangha, ang ilan ay nakasama ko pa sa paglaki!
Kaya, habang nagsisimula akong maka-ipon ng mga papuri sa entablado (produksyon at pabasang pagtatanghal), simula sa edad na 17, lagi kong pinapanatili ang pag-asa na balang-araw ay matutupad ko ang aking pangarap simula pagkabata na makapag-aral at makapagtrabaho kasama si Ginoong Richardson. Nang sundan niya ang kanyang pagiging homosekswal sa Amerika (mula Englatera) at ang isang imoral o walang delikadesang komunidad, pinatay siya ng sakit na AIDS, at kasama niyang umalis ang isa pang bahagi ng aking pakiramdam na pagiging kabilang at parte ng lipunang Amerikano.
Sinimulan kong maghanap sa labas ng lipunang Amerikano at taga-Kanluran tungo sa kulturang Islam para sa moral na patnubay.
Bakit sa Islam at hindi sa iba?
Ang mga ninuno ng aking ina ay mga Hudyong espanyol na nanirahan kasama ang mga Muslim hanggang sa paalisin ng Inkisisyon (Inquisition) ang komunidad ng mga Hudyo noong 1492. Sa aking mga alaala ng kasaysayan, na pakiramdam ko ay hindi matatawaran, ang pagtawag ng muezzin (tagapagtawag para sa pagdarasal) ay tulad sa lalim ng katahimikan ng karagatan, at ang pag-ugoy ng mga barko, ang pagbayo ng mga paa ng kabayo sa kalakhan ng disyerto, ang pagpapahayag ng katiyakan ng pagmamahal sa panahon ng pang-aapi.
Naramdaman ko sa aking sarili ang pagsibol ng isang kwento, at nabuo ang mga samut-saring pakiramdam nang simulan kong malaman ang pakikipagkapwa-tao ng Kalifa (lider) ng Ottoman sa mga pinalayas na Hudyo sa panahon ng pagpapatapon sa aking mga ninuno. Pinatnubayan ako ng Diyos sa aking pagsasaliksik, at tinuruan ako patungkol sa Islam ng iba't-ibang mga kilalang tao tulad ni Imam Siddiqi ng South Bay Islamic Association; Sister Hussein ng Rahima; at ang pinakamamahal kong hiram na kapatid, si Maria Abdin, na isang katutubong Amerikano, isang Muslim at manunulat sa SBIA Magazine, IQRA. Ang aking unang panayam ng pagsasaliksik ay sa isang halal [karneng itinuturing na pinahintulutang kainin sa batas ng Islam] na katayan sa San Francisco Mission District, kung saan ang pag-unawa ko sa pamumuhay ng naaayon sa Islam ay masidhing naapektuhan ng unang babaeng Muslim na nakilala ko: isang mamimili na nakasuot ng hijab, na may mabait na pag-uugali at magaang kalooban at nakakapagbasa, nakakapagsulat at nakakapagsalita ng apat na lengguwahe.
Ang kanyang katalinuhan, kasama ng kanyang kahanga-hanga (para sa akin) na kalayaan mula sa pagiging arogante, ay nagkaroon ng napakalaking epekto sa pagsisimula ng aking kaalaman kung paano nakakaapekto ang Islam sa pag-uugali ng tao.
Lingid sa aking kaalaman na hindi lamang isang dula ang iisilang, kundi isang bagong Muslim.
Ang tinahak ng aking pagsasaliksik ay nagdala sa akin ng higit na mas marami patungkol sa Islam kaysa sa hanay ng mga katotohanan, dahil ang Islam ay isang isinasabuhay na relihiyon. Natutunan ko kung paanong dalhin ng mga Muslim ang kanilang mga sarili na may dignidad at kabutihan na nag-aangat sa kanila mula sa Amerikanong pang-aalipin sa sekswal na kompetisyon at karahasan. Natutunan ko na ang mga kalalakihan at kababaihang Muslim ay maaring magsama ng hindi pinipira-piraso o sinisira ang isa't-isa, sa paraang berbal at pisikal. Natutunan ko na ang mga disenteng kasuotan, na inunawa bilang estadong espiritwal, ay maaring makapag-paunlad (maging mas mainam) sa ugali ng tao at magbigay sa kalalakihan at kababaihan ng pakiramdam ng kanilang espiritwal na kahalagahan.
Bakit tila lubos itong nakakagulat, at lubos na bagong nakakagulat?
Tulad sa karamihan ng mga babaeng Amerikano, ako ay lumaki sa kalakalan ng mga alipin, binubuo hindi lamang ng mga karamdamang sekswal ng aking pamilya, kundi maging ang walang tigil na panlalait sa aking hitsura ng aking mga ka-edad simula sa edad na hindi bababa sa pito. Sa murang edad ay tinuruan ako ng lipunang Amerikano na ang halaga ko bilang tao ay binubuo lamang ng pagiging kaakit-akit (o, sa kaso ko, ay kulang ako) sa iba. Hindi man kailangang sabihin, na sa ganitong uri ng kapaligiran, ang mga batang lalaki at babae, kalalakihan at kababaihan, ay madalas lumalaki na may malalim na galit sa isa't-isa, nariyan ang masidhing pagnanais ng pagtanggap ng mga ka-edad, na tila halos, kung hindi man lahat, ay nakabase hindi sa kabaitan o pagiging maawain o katalinuhan ng isang tao, kundi sa pisikal na hitsura at sa pananaw sa mga hitsurang ito ng iba.
Bagama't hindi ako umaasa o naghahanap ng pagiging perkpeto ng tao sa mga Muslim, ang pagkakaiba sa lipunan ay tunay na napakalaki, at halos hindi kapani-paniwala para sa isang taong katulad ko.
Hindi ako nagkukunwari na ako'y may anumang sagot sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, liban na lamang sa kung ano ang inihayag ng mga Sugo, na siya'ng minamahal sa Islam. Ang aking mga kapansanan ay naging hadlang sa akin sa gawaing pag-aayuno at pagdarasal na katulad sa pustura ng pagdarasal ng karamihan [mga Muslim].
Ngunit mahal at ginagalang ko ang Islam na nakilala ko mula sa mga pag-uugali at mga salita ng mga kalalakihan at kababaihang nakilala ko sa AMILA (American Muslims Intent on Learning and Activism) at iba pang lugar, kung saan ko natagpuan ang kalayaan mula sa malupit na mga kaguluhang emosyonal at pag-unawa sa napipintong espiritwal na pagbabago.
Ano pa ang aking nararamdaman at pinaniniwalaan patungkol Islam?
Sinusuportahan ko at lubos na hinahangaan ang paggalang ng Islam sa pag-aaral ng parehong kasarian; sa mga karapatan ng kababaihan gayundin ng mga kalalakihan sa lipunan; sa disenteng pananamit; at higit sa lahat sa kawalan ng bisyo at ang pagpapakasal, dalawa sa pinakamalalim na pundasyon ng aking buhay, dahil ako ay 21 1/2 taon na walang bisyo at masayang kasal . Gaano kagandang damhin na ang isa't kalahating bilyong mga Muslim ay pareho ng aking pinaniniwala sa paghubog ng sarili na ipinapahintulot sa atin ng kasal, at gayundin sa aking desisyon na manatiling walang bisyo ng droga at alak.
Ano, kung gayun, ang pinakamalaking regalo ng Islam sa malawak na kahulugan?
Sa isang lipunan na nagpapakita sa atin ng matatag na pwersa para ihain ang ating mga sarili sa dambana ng hindi mapipigilang kalikasan nang walang pag-respeto sa mga maaring maging kapalit, Sa Islam ay hinihingi sa atin na ituring natin ang ating mga sarili bilang mga tao na nilikha ng Diyos na may kakayanan sa responsibilidad ng ating pakikipag-ugnayan sa iba. Sa pamamagitan ng pagdarasal, pagkakawang-gawa at pagtuon sa kawalan ng bisyo at sa edukasyon, kung tayo ay susunod sa landas ng Islam, mayroon tayong magandang pagkakataon sa pagpapalaki ng mga kabataan na maging malayo sa karahasan at pananamantala na nagnanakaw sa mga magulang at mga kabataan ng ligtas na mga paaralan at mga tirahan, at madalas ng kanilang buhay.
Magdagdag ng komento