Si Raphael Narbaez, Jr., Ministro ng Saksi ni Jehovah, Estados Unidos (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kanyang unang pakikisalamuha sa mga Muslim at sa pananampalataya, at sa wakas ang kanyang pagyakap sa Islam.
- Ni Raphael Narbaez, Jr.
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 02 Feb 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,759 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Nagtrabaho kami sa isang pamilihan. Panahon ng kapaskuhan, at naglagay sila ng mas madami pang puwesto. May isang babae sa isang puwesto, at kailangan naming dumaan sa harapan niya. Aking sinasabi sa kanya, “Magandang Umaga, kumusta ka?” Kung may sasabihin man siya, ito ay “Hi.” At iyon lamang.
Sa wakas, aking sinabi, “Binibini, hindi ka man lang nagsalita ng kahit ano. Nais ko lang humingi ng kapatawaran kung may nasabi man akong masama.”
Sabi niya, “Wala naman, kung mapapansin mo ako ay isang Muslim.”
“Ano ka?”
“Ako ay Muslim at ang mga babaeng Muslim ay hindi nakikipag-usap sa mga lalaki maliban kung mayroon kaming isang bagay na tiyak na pag-uusapan; kung hindi ay wala kaming pakialam sa mga kalalakihan."
“Ohhhhh. Muslim.”
Sabi niya, “Oo, ang relihiyong Islam ang aming isinasabuhay.”
“Islam - Paano mo ibaybay iyan?”
“I-s-l-a-m.”
Sa oras na iyon, ang pagkaka-alam ko sa mga Muslim ay mga terorista. Wala rin siyang balbas. Paano siya magiging Muslim?
“Paano nagsimula ang relihiyong ito?”
“May isang propeta.”
“Propeta?”
“Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Nag-iisang Diyos.”
Nagsimula akong magsaliksik. Ngunit kagagaling ko lang sa isang relihiyon. Wala akong intensyon na maging Muslim.
Tapos na ang panahon ng pagdiriwang. Inalis na ang mga puwesto. Wala na rin siya.
Ipinagpatuloy kong magdasal, at tinanong ko kung bakit hindi nasasagot ang aking mga dalangin. Noong Nobyembre ng 1991, iuuwi ko sa bahay ang tiyuhin kong si Rockie mula sa ospital. Sinimulan kong alisan ang laman ng kanyang mga kabinet upang i-empake ang kanyang mga gamit at mayroon doong isang Bibliya na Gideon. Sanabi ko sa aking sarili, sinagot na ng Diyos ang aking mga panalangin. Ang Bibliya na Gideon. (Siyempre, inilalagay nila ito sa bawat silid ng hotel.) Ito ay isang senyales mula sa Diyos na handa siyang gabayan ako. Kaya't ninakaw ko ang Bibliya.
Umuwi ako at nagsimulang manalangin: O Panginoon, turuan mo ako na maging Kristiyano. Huwag sa pamamaraan ng Saksi ni Jehovah. Huwag mo akong turuan sa Katolikong pamamaraan. Turuan mo ako sa Iyong pamamaraan! Hindi Niyo sana ginawang mahirap ang Bibliya na ito na ang mga ordinaryong tao na taimtim sa pagdarasal ay hindi makainitindi nito.
Natapos ko ang Bagong Tipan. Sinimulan ko ang Lumang Tipan. Sa wakas, narating ko ang bahagi sa Bibliya patungkol sa mga propeta.
Bing!
Sinabi ko, teka lang, sinabi ng babaeng Muslim na mayroon silang isang propeta. Bakit wala siya dito?
Nagsimula akong mag-isip, mga Muslim - isang bilyon sila sa mundo. Isa sa limang tao sa kalsada ang posibleng Muslim. At naisip ko: Isang bilyong tao! Ngayon, magaling si Satanas. Ngunit hindi siya ganoon kagaling.
Kaya't sinabi ko, babasahin ko ang kanilang libro, ang Quran, at makikita ko kung anong uri ng mga kasinungalingan ang nilalaman ng bagay na ito. Marahil ay mayroon ditong paglalarawan kung paano paghiwalayin ang mga parte ng AK-47. Kaya nagpunta ako sa isang tindahan ng libro ng Arabe.
Tinanong nila, "Ano ang maitutulong ko sa iyo?”
“Naghahanap ako ng Quran.”
“Sige, mayroon kaming ilan dito.”
Mayroon silang ilang magaganda - tatlumpung dolyar, apatnapung dolyar.”
“Nais ko lamang basahin ito, ayaw kong maging isa sa inyo, okay?”
“Walang problema, mayroon kaming maliit na limang dolyar na paperback edition.”
Umuwi ako sa bahay, at nagsimulang basahin ang aking Quran mula sa simula, ang Al-Fatihah. At hindi ko maalis ang aking mga mata.
At tingnan mo ito. Pinag-uusapan dito ang patungkol kay Noah. Mayroon din si Noah sa aming Bibliya. Isa pa, lubos na pinag-uusapan dito sina Lot at Abraham. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na ang pangalan ni Satanas ay Iblees.
Kapag nilagay mo ang larawang iyon sa TV at mayroon itong kaunting static at pinindot mo ang pindutan na iyon [klop] - angkop. Iyon mismo ang nangyari sa Quran.
Inaral ko lahat. Kaya sinabi ko, Sige, nagawa ko na ito, ngayon ano ang susunod na dapat mong gawin? Kailangan mong pumunta sa kanilang lugar ng pagpupulong. Tumingin ako sa direktoryo, at sa wakas natagpuan ko ito: Tanggapan ng Islamiko ng Southern California, sa Vermont. Tumawag ako at sinabi nila, "Pumunta ka sa Biyernes."
Ngayon nagsisimula na akong kabahan, 'dahil alam ko ngayon na kailangan kong harapin si Habib at ang kanyang AK-47.
Nais kong maunawaan kung paano para sa isang Amerikanong Kristiyano na pumapasok sa paksa Islam. Nagbibiro lamang ako sa AK-47, ngunit hindi ko alam kung ang mga taong ito ay may mga patalim sa ilalim ng kanilang mga roba, alam mo na. Pumunta ako sa harapan, at sa katunayan nga, tumambad sa akin ang anim na talampakan at tatlong pulgada, 240-pounds na lalaki, may balbas at lahat, at ako naman ay manghang-mangha.
Lumapit ako at sinabi, "Mawalang galang na po."
[sa Arabikong punto:] “Magpunta ka sa likuran!”
Akala niya ako ay isa sa kanila.
Sinabi ko, sige po, sige po [nang banayad].
Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa likuran, ngunit nagpatuloy ako. Mayroon silang silong at nakalatag ang mga karpet. Nakatayo ako doon, medyo nahihiya, at nakaupo ang mga tao at nakikinig ng panayam. At sinasabi ng mga tao, kapatid, maupo ka. Aalis na ako, salamat na lang, bumibisita lang ako.
Kaya sa wakas natapos ang panayam. Lahat sila ay luminya para sa dasal at nagpatirapa. Talagang nagulat ako.
Nagsimula itong magkaroon ng kabuluhan sa aking isipan, sa aking mga kalamnan, sa aking mga buto, sa aking puso at kaluluwa.
Natapos ang pagdarasal. Sinabi ko, sinong makakakilala sa akin? Kaya nagsimula akong makihalubilo sa kanila na parang isa ako sa kanila, at naglalakad ako papunta sa moske at sabi ng isang lalaki, “Assalaamu alaikum.” At akala ko, Sinabi ba niya na "asin at bacon"?
“Assalaamu alaikum.”
May isa pang lalaki na nagsabi ng "asin at bacon" sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nila, ngunit ngumingiti silang lahat.
Bago pa mapansin ng isa sa kanila na hindi ako dapat naroroon at dalhin ako sa isang silid para pahirapan, o pugutan ako ng ulo, nais kong maraming makita hangga't maaari. Kaya't sa huli ay nagtungo ako sa silid-aklatan, at mayroong isang batang lalaki na Ehipsiyano; ang kanyang pangalan ay Omar. Ipinadala siya ng Diyos sa akin.
Lumapit sa akin si Omar, at sinabi niya, "Paumanhin po. Ito po ba ang iyong unang pagkakataon dito? "Siya ay may malakas na accent.
At sinabi ko, Oo.
“Oh, mabuti. Ikaw ba ay isang muslim?”
“Hindi. Nagbabasa lamang ako ng kaunti”
“Oh, nag-aaral ka? Ito ang unang pagkakaton mong bumisita sa moske?”
“Oo.”
“Halika, hayaan mong iikot kita. "At hinawakan niya ako sa kamay, at naglalakad ako kasama ang isang lalaki na nakahawak-kamay. Sabi ko, palakaibigan pala ang mga Muslim na ito.
Inikot niya ako sa paligid.
“Una sa lahat, dito kami nagdarasal, at tinatanggal namin ang mga sapatos namin dito.”
“Ano ang mga ito?”
“Ito ay maliit na cubicle. Doon mo ilalagay ang iyong sapatos.”
“Bakit?”
“Dahil papasok ka sa lugar ng pagdarasalan, at ito ay napaka banal. Hindi tayo pumapasok doon gamit ang ating sapatos; pinananatili itong malinis.”
At dinala niya ako sa silid na para sa mga kalalakihan.
“At dito, dito namin ginagawa ang wudoo.”
“Voodoo! Wala akong kahit na anong nabasang voodoo!”
“Hindi, hindi voodoo. Wudoo!”
“Okay, dahil nakita ko iyon gamit ang mga manika at mga pin, at hindi pa ako handa para sa ganoong uri ng gawain.”
Sinabi niya, "Hindi, wudoo, iyon ay paglilinis natin sa ating sarili.”
“Bakit niyo ginagawa iyon?”
“Dahil kapag nananalangin ka sa Diyos, kailangan mong maging malinis, kaya hinuhugasan namin ang aming mga kamay at paa.”
Kaya't natutunan ko ang lahat ng mga bagay na ito. Nagpaalam na ako at sinabi niya, "Bumalik ka ulit."
Bumalik ako at tinanong ang librarian para sa isang libro ng pagdarasal, at umuwi ako at nagsasanay. Pakiramdam ko na kung susubukan kong gawin ito ng tama ay tatanggapin ito ng Diyos. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at pagbabasa at pagbisita sa moske.
Mayroon akong pangako na pumunta sa isang tour sa Midwest sa isang circuit ng komedya. Nagdala ako ng prayer mat. Alam kong dapat akong magdasal sa tiyak na mga oras, ngunit may ilang mga lugar na hindi puwedeng magdasal, isa na dito ay sa banyo. Pumasok ako sa isang silid para sa mga kalalakihan nang kami ay huminto at inilatag ko ang aking karpet at sinimulan kong gawin ang aking pagdarasal.
Bumalik ako, at matapos ang Ramadan, nakatanggap ako ng mga tawag mula sa iba't ibang bahagi ng bansa upang pumunta at mangaral bilang isang ministro ng Saksi ni Jehova na yumakap sa Islam. Nakikita ako ng mga tao bilang inspirasyon.
Magdagdag ng komento