Si Sue Watson, Propesor, Pastor, Tagapagtatag ng Simbahan at Misyonaryo, Ngayon ay nasa Saudi Arabia
Paglalarawanˇ: Ang isang walong taong mag-aaral ng pormal na pag-aaral ng teolohiko ay niyakap ang Islam dahil sa hindi nagbabagong mensahe nito.
- Ni Sue Watson
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Oct 2009
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,787 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
“Anong nangyari sa iyo?” Ito ang kadalasang unang reaksyon na nakakatagpo ko nang makita ako ng aking mga dating kamag-aral, kaibigan at kapwa ko pastor matapos na yakapin ang Islam.Sa palagay ko hindi ko sila masisisi, ako ay ang taong hindi mo aakalaing magbabago ng relihiyon.Dati, ako ay isang propesor, pastor, tagapagtatag ng simbahan at misyonero. Kung mayroon mang isang radikal na pundamentalista, iyon ay ako.
Nagtapos ako ng Master's Degree of Divinity mula sa isang elite na seminaryo bago ang limang buwan. Iyon ay pagkatapos kung makilala ang isang ginang na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at yumakap sa Islam. Siyempre, tinanong ko siya tungkol sa pagtrato ng mga kababaihan sa Islam. Nabigla ako sa kanyang sagot, hindi ito ang aking inaasahan, kaya't nagtanong ako ng ibang mga katanungan na may kaugnayan sa Diyos at Muhammad [sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala]. Ipinaalam niya sa akin na dadalhin niya ako sa Islamic Center kung saan mas mahusay na masasagot ang aking mga katanungan.
Ipinanalangin, na nangangahulugang-humihiling kay Hesus na protektahan laban sa mga espiritu ng demonyo, na siyang nakikitang itinuturo sa atin tungkol sa Islam na ito ay relihiyon ng Demonyo at Sataniko. Bilang naturuan ng Ebanghelismo, medyo nagulat ako sa kanilang pakikitungo, ito ay diretso at tuwid. Walang pananakot, walang panliligalig, walang sikolohikal na pagmamanipula, walang pang iimpluwensya sa mga walang malay! Wala rito, "Magkaroon tayo ng isang pag-aaral sa Quran sa iyong bahay," tulad ng isang ginagawa sa pag-aaral ng Bibliya. Hindi ako makapaniwala! Binigyan nila ako ng ilang mga libro at sinabi sa akin kung mayroon akong ilang mga katanungan na kanilang puwedeng sagutin sa opisina. Nang gabing iyon nabasa ko ang lahat ng mga librong ibinigay nila. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabasa ko ang isang libro tungkol sa Islam na isinulat ng isang Muslim, napag-aralan at nabasa namin ang mga libro tungkol sa Islam na isinulat lamang ng mga Kristiyano.Kinabukasan nanatili ako ng tatlong oras sa opisina upang magtanong. Nagpatuloy ito araw-araw ng isang linggo, kung saan nabasa ko ang labindalawang libro at aking nalaman kung bakit ang mga Muslim ang siyang pinakamahirap na taong magbalik-loob sa Kristiyanismo. Bakit? Dahil wala namang mai-aalok sa kanila!! (Sa Islam) May kaugnayan sa Diyos, kapatawaran ng mga kasalanan, kaligtasan at pangako ng Buhay na Walang Hanggan.
Likas na, ang aking unang katanungan ay ang pagkadiyos ng Diyos. Sino ang Diyos na sinasamba ng mga Muslim? Tinuruan kami bilang mga Kristiyano na ito ay ibang diyos, isang maling diyos, kung saan, ang katotohanan, Siya ang Marunong sa lahat ng bagay Pinakamaalam, Pinakamakapangyarihan sa Makapangyarihan, at Kasalukuyang Diyos- Ang Natatangi at Nag-iisa na walang katambal at kapantay. Ito ay nakakaganyak na dapat tandaan na may mga obispo sa unang tatlong daang taon ng Simbahan na nagtuturo ng gaya sa paniniwala ng mga Muslim, na si Jesus [sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala] ay isang propeta at guro!!Pagkatapos lamang ng pagbabalik-loob ni Emperor Constantine na siya ang mananawagan at magpapakilala sa doktrina ng Trinidad. Siya, na nagbalik-loob sa Kristiyanismo na walang alam sa relihiyong ito ay nagpakilala ng isang paganong konsepto sa panahon ng Babilonya. Gayunman, hindi ako pinahintulutan ng pagkakataon na talakayin ang detalye tungkol sa paksang ito, ngunit sa kalooban ng Diyos, tayo ay magkaroon ng ibang oras. Tanging, dapat kong idiin na ang salitang TRINITY ay hindi matatagpuan sa Bibliya sa alinman sa maraming pagsasalin nito o hindi rin ito matatagpuan sa orihinal na wikang Griyego o Hebreo!
Ang aking iba pang mahalagang katanungan na nakasentro kay Muhammad [sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala]. Sino itong Muhammad? Nalaman ko na ang mga Muslim ay hindi nananalangin sa kanya tulad ng mga Kristiyano na nananalangin kay Hesus. Hindi siya isang tagapamagitan at sa katunayan ipinagbabawal na manalangin sa kanya. Humihingi kami ng pagpapala para sa kanya sa pagtatapos ng aming panalangin, ngunit humingi rin kami ng mga biyaya para kay Abraham. Siya ay isang Propeta at Sugo, ang panghuli at huling Propeta. Sa katunayan, hanggang ngayon, isang libo apat na daan at labing walong taon (1,418) kalaunan wala nang ibang propeta pagkatapos niya. Ang kanyang mensahe ay para sa lahat ng sangkatuhan, taliwas sa mensahe ni Hesus o Moises (sumakanila ang kapayapaan at pagpapala) na ipinadala sa mga Hudeo. “Makinig ka O Israel”Ngunit ang mensahe ay ang parehong mensahe ng Diyos.“Ang Panginoong Diyos ay Iisang Diyos at hindi ka magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko.” (Mark 12:29)
Dahil ang pagdarasal ay isang napakahalagang bahagi ng aking buhay Kristiyano ay kapwa ako interesado at mausisa na malaman kung ano ang ipinagdarasal ng mga Muslim. Bilang mga Kristiyano kami ay walang alam sa aspetong ito ng paniniwala ng mga Muslim tulad ng sa iba pang mga aspeto. Akala namin at itinuro, na ang mga Muslim ay nakayuko sa Kaaba (sa Mecca), na mayroong diyos at sentro ng huwad na diyos na ito.Muli, nagulat ako nang malaman na ang paraan ng panalangin ay iniutos ng Diyos, Mismo. Ang mga salita ng panalangin ay isa sa papuri at kadakilaan. Ang paraan sa pagdarasal (pag-alis o paghuhugas) sa kalinisan ay nasa ilalim ng direksyon ng Diyos.Siya ay isang Banal na Diyos at hindi para sa atin na makalapit sa Kanya sa isang di-makatwirang paraan, ngunit makatuwiran lamang na dapat Niyang sabihin sa atin kung paano tayo lalapit sa Kanya.
Sa pagtatapos ng linggong iyon matapos ang walong (8) taon ng pormal na pag-aaral ng teolohiko, alam ko, sa aking kamalayan (at sa aking utak) na ang Islam ay totoo. Ngunit hindi ko niyakap ang Islam sa oras na iyon dahil hindi ko ito pinaniwalaan sa aking puso. Ipinagpatuloy ko ang pagdarasal, ang pagbabasa ng Bbibliya, dumadalo sa mga lektura sa Islamic Center. Taimtim akong humihiling at naghahanap ng direksyon ng Diyos. Hindi madaling baguhin ang iyong relihiyon. Hindi ko nais na mawala ang aking kaligtasan kung may kaligtasan mang mawawala.Patuloy akong nagulat at namangha sa aking natutunan sapagkat hindi ito ang itinuro sa akin na pinaniniwalaan ng Islam.Sa aking antas na Master, ang propesor na iginagalang bilang isang awtoridad pa sa Islam subalit ang kanyang turo at ang Kristiyanismo sa pangkalahatan ay puno ng Hindi pagkakaunawaan. Siya at maraming mga Kristiyano na tulad niya ay taos-puso ngunit sila ay taos-pusong na mali.
Pagkalipas ng dalawang buwan pagkatapos na muling manalangin na matagpuan ang patnubay ng Diyos, naramdaman kong may bumagsak sa aking pagkatao! Naupo ako at ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamitin ko ang pangalan ng Diyos, at sinabi ko, "Diyos, naniniwala ako na ikaw ang Isa at Isang Tunay na Diyos." Nagkaroon ng kapayapaan sa akin at mula sa araw na iyon apat na taon na ang nakalilipas hanggang ngayon ay hindi pa ako nagsisisi sa pagyakap sa Islam. Ang desisyon na ito ay hindi dumating nang walang pagsubok. Ako ay naalis mula sa aking trabaho habang nagtuturo ako sa dalawang Mga Kolehiyo sa Bibliya sa oras na iyon, tinakwil ng aking mga dating kamag-aral, propesor at katrabaho, na itinakwil ng pamilya ng aking asawa, hindi maintidihan ng aking mga anak na may sapat na gulang na at pinaghinalaan ng aking sariling pamahalaan. Kung walang pananampalataya na nagpapahintulot sa tao na tumayo sa mga puwersa ni Satanas ay hindi ko matitiis ang lahat ng ito. Lubhang nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay isang Muslim at nawa ay mabuhay ako at mamatay na isang Muslim.
“Katotohanan, ang aking panalangin, ang aking ritwal ng pag-aalay ng aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Na Siya ay walang katambal, at iyan ang ipinag-utos sa akin. At ako ang una sa [hanay ng] mga Muslim na yuyuko sa Allah.” (Quran 6:162-163)
Si Sister Khadijah Watson ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang guro para sa mga kababaihan sa isa sa mga Sentro ng Da'wah (Imbitasyon sa Islam) sa Jeddah, Saudi Arabia.
Magdagdag ng komento