Ang Bagong Tipan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagtingin sa sinasabi ng mga iskolar na Hudyo-Kristyano patungkol sa awtentisidad at pagkakapreserba ng Bagong Tipan.

  • Ni Laurence B. Brown, MD
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Jan 2020
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 3,742 (araw-araw na pamantayan: 2)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Parehong basahin ang Bibliya sa araw at gabi,

Ngunit binabasa mong itim kung saan binasa kong puti.

—William Blake, The Everlasting

Ang Ebanghelyo

The_New_Testament_001.jpgSyempre, ang damdamin ni Blake sa sipi ng tula sa itaas ay hindi bago. Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng sapat na mga pagkakasalungat upang magbunga ng nakalilitong uri ng mga interpretasyon, mga paniniwala at mga relihiyon, na lahat ay sinasabing naka-batay daw sa Bibliya. At sa gayon, may nakita tayong isang may-akda na nagbibigay ng nakatutuwang obserbasyon:

Maari at hindi maari,

Dapat at hindi mo dapat,

Gagawin at hindi mo gagawin,

At ikaw ay mapaparusahan kapag ginawa mo,

At ikaw ay mapaparusahan kapag hindi mo ginawa.[1]

Bakit may ganitong pagkakaiba-iba sa mga pananaw? Bilang panimula, ang iba't ibang mga kampo ng pag-aaral sa paniniwala ay hindi sumasang-ayon sa kung aling mga libro ang dapat isama sa Bibliya. Ang itinuturing ng isang kampo bilang 'apocrypha' (mga kasulatan na hindi tinanggap ng iba bilang bahagi ng bibliya) ay isang banal na kasulatan naman para sa isa. Pangalawa, kahit na sa mga librong tinanggap at opisyal na dineklara ng simbahan bilang banal, ang karamihan sa iba't ibang uri ng mapagkukunan ng teksto ay kinulang sa pagkakapareho. Ang kakulangan na ito sa pagkakapareho ay sobrang lala na ang The Interpreter's Dictionary of the Bible ay nagsasabing, "Maaari nating sabihin na walang ni isang pangungusap sa Bagong Tipan kung saan ang tradisyon ng MS [manuskrito] ay ganap na magkakapareho.[2]

Kahit ni isang pangungusap? Hindi natin mapagkakatiwalaan ang isang pangungusap ng Bibliya? Mahirap paniwalaan.

Baka Sakali

Ang katotohanan ay mayroong higit sa 5700 mga manuskrito ng Griyego sa pangkalahatan o bahagi ng Bagong Tipan.[3] Bukod dito, "walang kahit dalawa mula sa mga manuskrito na ito ang magkatulad sa lahat ng kanilang mga detalye .... At ang ilan sa mga pagkakaiba na ito ay mahalaga.”[4] Dagdagan mo pa ng humigit-kumulang sampung libong mga manuskrito ng Latin Vulgate, idagdag mo ang marami pang iba na sinaunang uri (hal. Syriac, Koptiko, Armenyo, tag-Georgia, Ethiopic, Nubiano, Gotika, wikang Eslabo), at ano ang mayroon tayo?

Maraming mga Manuskrito

Maraming mga manuskrito ang nabigo na tumugma sa mga lugar at hindi madalas na sinasalungat ang bawat isa. Tinantya ng mga iskolar ang bilang ng mga uri ng manuskrito na nasa daan-daang libo, na tinatayang ang ilan ay kasing dami ng 400,000.[5] Sa sikat na mga salita ngayon ni Bart D. Ehrman, "Marahil pinakamadali na ilagay ang usapin sa paghahambing: mas madami ang pagkakaiba sa mga manuskrito kaysa sa mga salita mayroon sa Bagong Tipan.”[6]

Paano ito nangyari?

Mahinang pag-iingat ng talaan. Hindi pagkamatapat. Pagkukulang. Ang pagkiling sa doktrina. Ikaw na ang mamili.

Wala sa mga orihinal na manuskrito ang nakaligtas mula sa unang panahon ng Kristiyanismo.[7]/[8] Ang pinaka sinaunang kumpletong mga manuskrito (Vatican MS. No. 1209 at ang Sinaitic Syriac Codex) ay nagmula sa ika-apat na siglo, tatlong daang taon pagkatapos ng paglilingkod ni Hesus. Ngunit ang mga orihinal? Nawala na. At ang mga kopya ng mga orihinal? Nawala na rin. Ang pinaka-sinaunang mga manuskrito, na sa madaling salita, ay mga kopya ng mga kopya ng mga kopya ng walang sinuman-nakakaalam-kung-gaano-karaming mga kopya ng mga orihinal.

Hindi kataka-taka na sila'y nagkakaiba

Sa mga pinakamahusay na mga kamay, ang mga kamalian sa pagkopya ay hindi nakakagulat. Gayunpaman, ang mga manuskrito ng Bagong Tipan ay wala sa pinakamahusay na mga kamay. Sa panahon ng mga pinagmulan ng mga Kristiyano, ang mga eskriba ay hindi hasa, hindi mapagkakatiwalaan, walang kakayahan, at sa ilang mga kaso ay hindi nakapag-aral.[9] Ang mga may kapansanan sa paningin ay maaaring nagkamali sa magkakahawig na mga letra at salita, habang ang mga may kapansanan sa pandinig ay maaaring nagkamali sa pagtatala ng banal na kasulatan habang binabasa nang malakas. Karaniwan sa mga eskriba ay labis na pinagtatrabaho, at samakatuwid ay nagdulot ng mga pagkakamali na karinawan sa pagkapagod.

Sa mga salita nina Metzger at Ehrman, "Dahil karamihan, kung hindi man lahat; sa kanila [ang mga eskriba] ay mga baguhan sa sining ng pagkopya, kaya't napakaraming pagkakamali ang walang dudang pumasok sa kanilang mga teksto habang ginagawa nila ito.”[10] Ang mas masama pa, pinahintulutan ng ilang mga eskriba ang kanilang mga pananaw sa doktrina na maimpluwensyahan ang kanilang paghahatid ng kasulatan.[11] Tulad ng sinabi ni Ehrman, "Ang mga eskriba na kumopya ng mga teksto ay binago ito.”[12] Lalo na, "Ang bilang ng sinadyang mga pagbabago na ginawa sa kapakanan ng doktrina ay mahirap suriin.”[13] At higit na partikular, "Sa teknikal na paraan na pagsasalita ng panunuring tekstuwal—na pinanatili ko para sa mahahalagang kabalintunaan nito—‘sinira‘ ng mga eskribang ito ang kanilang mga teksto para sa mga teolohikal na dahilan.”[14]

Ang mga pagkakamali ay ipinakilala sa anyo ng mga pagdaragdag, pagtanggal, pagpapalit at pagbabago, kadalasan sa mga salita o linya, ngunit paminsan-minsan ay sa buong mga talata.[15] [16] Sa katunayan, "maraming mga pagbabago at pagrerebisa ang dumating sa teksto,”[17] na may resulta na "lahat ng kilalang mga saksi ng Bagong Tipan ay mayroong marami o kaunti na pinaghalo-halong mga teksto, at maging ang ilan sa mga naunang mga manuskrito ay hindi nakaligtas mula sa mga malubhang pagkakamali.”[18]

Sa aklat na Misqouting Jesus, si Ehrman ay naghahatid ng matinding ebidensya na ang kwento ng babaeng nangangalunya (Juan 7: 53-8: 12) at ang huling labindalawang mga talata sa Marcos ay wala sa mga orihinal na ebanghelyo, ngunit idinagdag ng mga huling eskriba.[19] Bukod dito, ang mga halimbawang ito ay "kumakatawan lamang sa dalawa sa libu-libong mga lugar kung saan ang mga manuskrito ng Bagong Tipan ay binago ng mga eskriba.”[20]

Sa katunayan, ang lahat ng mga libro sa Bibliya ay palsipikado.[21] Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng nilalaman nito ay talagang mali, ngunit tiyak na hindi ito nangangahulugan na tama ito. Kaya, aling mga libro ang palsipikado? Efeso, Colosas, 2 Tesalonica, 1 and 2 Timoteo, Titus, 1 and 2 Pedro, and Judas — siyam na napakalaki mula sa dalawampu't pitong libro na mga sulat ng Bagong Tipan — ay bahagyang pinagsususpetsahan.[22]

Palsipikadong mga aklat? Sa Bibliya?

Bakit hindi tayo nagugulat? Sa kadahilanang, kahit ang mga may-akda ng ebanghelyo ay walang nakakaalam. Sa katunayan, hindi sila kilala.[23] Ang mga iskolar sa bibliya ay bihira, kung sakali man, ay binabanggit ang pagka-akda ng ebanghelyo kay Mateo, Marcos, Lucas, o Juan. Tulad ng sinabi sa atin ni Ehrman, “Karamihan sa mga iskolar ngayon ay isinantabi ang mga pagkakakilanlan na ito, ngunit kinilala ang mga libro na isinulat ng mga hindi kilala ngunit edukado sa pagsasalita ng Griyego (at pagsulat) na mga Kristiyano sa ikalawang kalahati ng unang siglo.“”[24] Kinumpirma ni Graham Stanton na, “Ang mga ebanghelyo, hindi katulad ng karamihan sa mga sulat na Graeco-Roman, ay walang pangalan. Ang pamilyar na mga pamagat na nagbibigay ng pangalan ng isang may-akda ('Ang Ebanghelyo ayon kay...') ay hindi bahagi ng orihinal na mga manuskrito, sapagkat idinagdag lamang sila noong unang bahagi ng ikalawang siglo.“[25]

Kaya ano, kung mayroon man, anong kinalaman ng mga disipulo ni Hesus sa pag-aakda ng mga ebanghelyo? Maliit man o wala, ayon sa mga nalalaman natin. Ngunit wala tayong dahilan upang paniwalaan na isinulat nila ang alinman sa mga aklat ng Bibliya. Bilang panimula, alalahanin natin na si Marcos ay isang kalihim ni Pedro, at si Lucas ay kasamahan ni Pablo. Ang mga taludtod sa Lucas 6: 14-16 at Mateo 10: 2-4 ay nagtala sa labindalawang mga disipulo, at bagaman naiiba ang mga listahan na ito sa dalawang pangalan, hindi nagkaroon ng listahan sina Mark at Lucas. Kaya't si Mateo at Juan lamang ang tunay na mga disipulo. Ngunit pareho lahat, ang mga modernong iskolar ay lubos na itinatanggi sila bilang mga may-akda.

Bakit?

Magandang tanong. Si Juan bilang mas sikat sa dalawa, bakit natin siya itatanggi sa pagiging may-akda ng 'Ebanghelyo ni Juan'?

Umm … dahil siya ay patay na?

Maraming mga batayan ang tumatanggap na wala talagang katibayan, maliban sa mga kaduda-dudang salita ng mga may-akda ng ikalawang siglo, upang imungkahi na ang disipulo na si Juan ang may-akda ng Ebanghelyo ni Juan.[26] [27] Marahil ang pinaka-nakakukumbinsi na pagpapabula ay ang disipulo na si Juan ay pinaniniwalaang namatay noong mga 98 CE.[28] Gayunpaman, ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat humigit-kulang 110 CE. [29] Kaya't kung sinuman si Lucas (kasamahan ni Pablo), si Marcos (kalihim ni Pedro), at si Juan (ang hindi kilala, ngunit tiyak na hindi yaong matagal nang namatay), wala tayong dahilan upang paniwalaan na ang alinman sa mga ebanghelyo ay isinulat ng mga disipulo ni Hesus . . . .

Copyright © 2007 Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot.

Ang itaas na sipi ay kinuha mula sa paparating na libro ni Dr. Brown, MisGod’ed, na inaasahang mai-lalathala kasama ang karugtong nito, God’ed. Ang parehong libro ay maaaring makita sa website ni Dr. Brown, www.Leveltruth.com. Maaring makipag-ugnayan kay Dr.Brown sa: BrownL38@yahoo.com



Mga talababa:

[1] Dow, Lorenzo. Reflections on the Love of God.

[2] Buttrick, George Arthur (Ed.). 1962 (1996 Print). The Interpreter’s Dictionary of the Bible. Volume 4. Nashville: Abingdon Press. pp. 594-595 (Under Text, NT).

[3] Ehrman, Bart D. Misquoting Jesus. P. 88.

[4] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 78.

[5] Ehrman, Bart D. Misquoting Jesus. P. 89.

[6] Ehrman, Bart D. The New Testament: A Historical Introduction to the Early Christian Writings. P. 12.

[7] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 49.

[8] Metzger, Bruce M. A Textual Commentary on the Greek New Testament. Introduction, p. 1.

[9] Ehrman, Bart D. Lost Christianities and Misquoting Jesus.

[10] Metzger, Bruce M. and Ehrman, Bart D. The Text of the New Testament: Its Transmission, Corruption, and Restoration. P. 275.

[11] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. Pp. 49, 217, 219-220.

[12] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 219.

[13] Metzger, Bruce M. and Ehrman, Bart D. The Text of the New Testament: Its Transmission, Corruption, and Restoration. P. 265. See also Ehrman, Orthodox Corruption of Scripture.

[14] Ehrman, Bart D. 1993. The Orthodox Corruption of Scripture. Oxford University Press. P. xii.

[15] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 220.

[16] Metzger, Bruce M. A Textual Commentary on the Greek New Testament. Panimula, p. 3

[17] Metzger, Bruce M. A Textual Commentary on the Greek New Testament. Panimula, p. 10.

[18] Metzger, Bruce M. and Ehrman, Bart D. The Text of the New Testament: Its Transmission, Corruption, and Restoration. P. 343.

[19] Ehrman, Bart D. Misquoting Jesus. Pp. 62-69.

[20] Ehrman, Bart D. Misquoting Jesus. P. 68.

[21] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. Pp. 9-11, 30, 235-6.

[22] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 235.

[23] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 3, 235. Also, see Ehrman, Bart D. The New Testament: A Historical Introduction to the Early Christian Writings. P. 49.

[24] Ehrman, Bart D. Lost Christianities. P. 235.

[25] Stanton, Graham N. p. 19.

[26] Kee, Howard Clark (Mga Tala at Sanggunian ni). 1993. The Cambridge Annotated Study Bible, New Revised Standard Version. Cambridge University Press. Introduction to gospel of ‘John.’

[27] Butler, Trent C. (General Editor). Holman Bible Dictionary. Nashville: Holman Bible Publishers. Under ‘John, the Gospel of’

[28] Easton, M. G., M.A., D.D. Easton’s Bible Dictionary. Nashville: Thomas Nelson Publishers. Under ‘John the Apostle.’

[29] Goodspeed, Edgar J. 1946. How to Read the Bible. The John C. Winston Company. p. 227.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat