Ang mga Malaking Katanungan (bahagi 1 ng 3): Sino ang Lumikha sa Atin?
Paglalarawanˇ: Ang mga sagot ng Islam sa una sa ilan sa mga "Malalaking Tanong" sa Buhay, na ang lahat ng tao ay hindi maiiwasang itanong, Sino ang Naglikha sa Atin?
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 Jun 2021
- Nag-print: 4
- Tumingin: 8,826
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa ilang punto sa ating buhay, lahat ay nagtatanong ng mga malaking katanungan: “Sino ang lumikha sa atin?,” at “Bakit tayo naririto?”
Kaya sino ang gumawa sa atin? Karamihan sa atin ay pinalaki sa agham kaysa sa relihiyon, at para maniwala sa Big Bang at ebolusyon higit sa Diyos. Ngunit alin dito ang mas makahulugan? At mayroon bang anumang dahilan kung bakit ang mga teorya ng agham at paglikha ay hindi maaaring pagsamahin?
Maaaring ipaliwanag ng Big Bang ang pinagmulan ng daigdig, ngunit hindi nito ipinaliwanag ang pinagmulan ng sinaunang alikabok na ulap. Itong alikabok na ulap (na, ayon sa teorya, ay pinagsama, nabuo at pagkatapos ay sumabog) ay maaaring nagmula sa kung saan. Pagkatapos ng lahat, naglalaman ito ng sapat na bagay upang mabuo hindi lamang ang ating kalawakan, ngunit gayundin sa ilang bilyong kalawakan sa daigdig. Kaya saan nga ba ito nanggaling? Sino, o ano, ang lumikha sa alikabok na ulap noong unang panahon.
Katulad din, na maipapaliwanag ng ebolusyon ang talaan ng fossil, pero kinulang sa paliwanag sa pinakapangunhing diwa ng buhay ng tao - ang kaluluwa. Lahat tayo ay mayroon nito. Nararamdaman natin ang presensya nito, pinag-uusapan natin ang pagkakaroon nito at kung minsan ay nananalangin para sa kaligtasan nito. Ngunit ang relihiyoso lamang ang maaaring magpaliwanag kung saan ito nagmula. Ang teorya ng likas na pagpili ay maaaring ipaliwanag ang marami sa mga materyal na aspeto ng mga bagay na may buhay, ngunit nabigo itong ipaliwanag ang ukol sa kaluluwa ng tao.
Bukod dito, ang sinumang nag-aaral sa pagiging komplikado ng buhay at ng daigdig ay hindi makakatulong kundi saksihan ang lagda ng Lumikha.[1] Kinikilala man o hindi ng mga tao ang mga palatandaang ito ay isa pang bagay—kagaya ng sabi sa dating kasabihan, ang pagtanggi ay hindi lamang isang ilog sa Ehipto. (Nakuha? Denial, binabaybay na “de Nile” … ang ilong Ni … ah, hindi na bale.) Ang punto rito ay kung nakakita ka ng kuwadro, alam natin na may pintor. Kung nakakakita tayo ng isang iskultura, alam natin na mayroong isang eskultor; isang palayok, isang magpapalayok. Kaya kapag tiningnan natin ang paglikha, hindi ba natin alam na may Lumikha?
Ang konsepto ng pagsabog ng daigdig ay nabuo sa balanseng pagiging perpekto sa pamamagitan ng mga piling kaganapan at likas na pagpili ay hindi gaanong naiiba sa mungkahi na, sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bomba sa pinagtatapunan ng basura, sa lalong madaling panahon o sa bandang huli, sasabog ang isa sa kanila at lahat ay mabubuo na isang perpektong Mercedes.
Kung may isang bagay na alam nating tiyak, na pag walang kumukontrol na impluwensya, lahat ng mga sistema ay lumalala sa kaguluhan. Ang teorya ng Big Bang at ang ebolusyon ay nagmumungkahi ng tumpak na kasalungat, gayunpaman—pinagyaman ng kaguluhan ang pagiging perpekto. Hindi pa ba ito sapat na katwiran upang pagtibayin na ang teorya ng Big Bang at ebolusyon ay kontroladong mga kaganapan? Kinokontrol, iyon ay, ng Lumikha?
Sinabi ng Bedouin ng Arabia ang kuwento ng isang nomad na naghahanap ng isang katangi-tanging palasyo sa isang oasis sa gitna ng isang disyerto. Nang kanyang tinanong kung paano ito naipatayo, sinabi sa kanya ng may-ari na ito ay nabuo ng mga puwersa ng kalikasan. Ang hangin ang bumuo sa mga bato at inilipad ito sa gilid ng oasis, at pagkatapos ay bumagsak ang mga ito at naging hugis ng palasyo. Pagkatapos ay bumuga ito ng buhangin at ulan sa mga bitak para ito ay masemento. Sunod ay nagbuga ito ng hibla ng lana ng tupa para maging basahan at tapesirya, kalat na kahoy upang maging muwebles, pintuan, at pasimanu ng bintana, at inilagay ang mga ito sa palasyo sa tamang mga lokasyon. Ang mga kidlat na tumunaw sa mga buhangin na naging piraso ng mga salamin at sumabog na naging kuwadro ng mga bintana, at natunaw na itim na buhangin na naging bakal at hinubog ito sa bakod at tarangkahan na may perpektong pagkakahanay at simetrya. Ang proseso ay umabot ng bilyun-bilyong taon at naganap lamang sa isang lugar na ito sa mundo - sa pamamagitan ng purong pagkakataon.
Pagkatapos nating paikutin ang ating mga mata, makukuha natin ang punto. Malinaw, ang palasyo ay itinayo sa pamamagitan ng disenyo, hindi sa pangyayari. Sa kung ano (o higit pa sa punto, para sa Kanino), Kung gayon, dapat ba nating iugnay ang pinagmulan ng mga tala ng walang hanggang komplikasyon, tulad ng ating daigdig at ating sarili?
Ang isa pang pangangatwiran na tanggalin ang konsepto ng Paglikha ay nakatuon sa kung ano ang nakikita ng mga tao na mga depekto sa paglikha. Ito ay ang “Paano magkakaroon ng Diyos kung ganoon ang nangyari?” na mga argumento. Ang isyu tungkol sa diskusyong ito at ay maaring mula sa isang natural na kalamidad hanggang sa mga depekto sa kapanganakan, mula sa pagpatay sa mga lahi hanggang sa kanser ng lola. Hindi iyan ang punto. Ang punto ay ang pagtanggi sa Diyos batay sa napagtanto nating mga kawalang katarungan sa buhay ay ipinapalagay na ang isang banal na pagkatao ay hindi dinisenyo ang ating buhay upang maging anumang iba pa kaysa sa pagiging perpekto, at magtatag ng katarungan sa Lupa.
Hmm … wala bang ibang pagpipilian?
Maari nating madaling imungkahi na hindi ginawa ng Diyos ang ating buhay sa kalupaan gaya sa paraiso, ngunit sa halip isang pagsubok, ang parusa o gantimpala na kung saan ay dapat na sa susunod na buhay, na kung saan itinatag ng Diyos ang Kanyang tunay na katarungan. Bilang suporta sa konseptong ito maaari nating tanungin nang mabuti kung sino ang nagdusa ng labis dahil sa kawalan ng katarungan sa kanilang makamundong buhay kaysa sa mga paborito ng Diyos, diba ang mga propeta? At sino ang inaasahan nating mapupunta sa pinakamataas na estasyon sa Paraiso, kung hindi yaong nagpapanatili ng tunay na pananampalataya sa harap ng makamundong kahirapan? Kaya ang pagdurusa sa makamundong buhay na ito ay hindi kinakailangang ipakahulugang hindi pagpabor ng Diyos, at ang isang maligayang makamundong buhay ay hindi kinakailangang ipakahulugang kaligayahan sa kabilang buhay.
Ako ay umaasa na, sa ganitong paraan ng pangangatwiran, maaari tayong sumang-ayon sa sagot sa unang "malaking katanungan." Sino ang lumikha sa atin? Maaari ba tayong sumang-ayon na kung tayo ay mga nilikha, ang Diyos ang siyang Tagapaglikha?
Kung hindi tayo sang-ayon sa puntong ito, wala na marahil maraming punto para atin itong ipagpatuloy. Gayunpaman, para sa mga sumasang-ayon, magpatuloy tayo sa pangalawang "malaking katanungan"—bakit tayo naririto? Ano, sa madaling salita, ang layunin ng buhay?
Copyright © 2007 Dr. Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot
Si Dr. Brown ang sumulat sa The Eighth Scroll, inilarawan ng North Carolina State Senator Larry Shaw bilang, “Indiana Jones meets The Da Vinci Code. Ang Eighth Scroll ay nakamamangha, nakakasabik, hindi maibababa ang kapanapanabik na mga hamon sa mga pananaw ng kanluran sa sangkatauhan, kasaysayan at relihiyon. Bar none, ang pinakamahusay na libro sa lahat ng uri!” Si Dr. Brown ay siya ding may-akda ng tatlong iskolastikong libro sa paghahambing ng mga relihiyon, MisGod’ed, God’ed, at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang kanyang mga libro at artikulo ay makikita sa kanyang websites,, www.EighthScroll.com and www.LevelTruth.com, at maaari itong mabili sawww.Amazon.com.
Talababa:
[1]Sa huli, at huwag munang alalahanin ang lahat ng mga hilig sa relihiyon ng may-akda, Taos-puso kong inirerekomenda ang pagbabasaA Short History of Nearly Everything, ni Bill Bryson.
Ang mga Malaking Katanungan (bahagi 2 ng 3): Ang Layunin ng Buhay
Paglalarawanˇ: Ang Islamikong mga kasagutan sa pangalawa ng ilan sa mga "Malalaking Katanungan" sa Buhay na hindi maiwasang itanong ng lahat ng tao, Bakit tayo Naririto?
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 22 Feb 2009
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,368
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang una sa dalawang malaking katanungan sa buhay ay, “Sino ang lumikha sa atin?” Natalakay natin ang tanong na ito sa nakaraang artikulo at (sana) sang-ayon tayo sa "Diyos" bilang kasagutan. Bilang tayo ay mga nilikha, ang Diyos ang Tagapaglikha.
Ngayon, pumunta tayo sa pangalawang “malaking katanungan,” na, “Bakit tayo naririto?”
Bakit nga ba tayo naririto? Sa isang malaking katanyagan at kapalaran ba? Para ba gumawa ng musika at mga sanggol? Upang maging pinakamayamang lalaki o babae ba sa libingan, tulad ng sinabi nating biro, “Siya na namatay na may pinakamaraming laruan ay siyang panalo?”
Hindi, may mas higit pa sa buhay bukod doon, kaya atin itong pag-isipan. Magsimula tayo sa, tumingin ka sa iyong kapaligiran. Maliban kung nakatira ka sa isang kuweba, napapaligiran ka ng mga bagay na ginawa ng tao sa pamamagitan ng ating sariling mga kamay. Ngayon, bakit ginawa ang mga bagay na iyon? Ang paniguradong kasagutan ay gumagawa tayo ng mga bagay na makakapagbigay ng tiyak na pakinabang sa atin. Sa madaling salita, gumagawa tayo ng mga bagay upang maglingkod sa atin. Kaya ating palawakin, bakit tayo ginawa ng Diyos, kung hindi para paglingkuran natin Siya.
Kung kikilalanin natin ang Tagapaglikha, at nilikha Niya ang sangkatauhan upang paglingkuran Siya, ang susunod na katanungan ay, “Paano? Paano natin Siya paglilingkuran?” Hindi maipagkakaila, ang katanungang ito ay masasagot lamang ng Nag-iisang lumikha sa atin. Kung nilikha Niya tayo upang paglingkuran Siya, inaasahan Niya tayo na kumilos sa isang partikular na pamamaraan, kung ating aabutin ang ating mga hangarin. Ngunit paano natin malalaman ang pamamaraan na ito? Paano natin malalaman kung ano ang inaasahan ng Diyos mula sa atin?
Kaya, isaalang-alang ito: binigyan tayo ng Diyos ng liwanag, kung saan maaari nating mahanap ang ating daan. Kahit sa gabi, mayroon tayong buwan para sa ilaw at ang mga bituin bilang gabay sa paglalakbay. Binigyan ng Diyos ang mga hayop ng sistema bilang gabay na angkop sa kanilang kondisyon at pangangailangan. Ang mga naglilipat na mga ibon ay may gabay sa paglalakbay, kahit sa maulap na araw, sa pamamagitan ng kung paano nagninigning ang liwanag habang dumadaan ito sa ulap. Lumilipat ang mga balyena sa pamamagitan ng "pagbabasa" ng magnetic fields ng daigdig. Bumabalik ang Salmon mula sa bukas na karagatan upang mangitlog sa eksaktong lugar ng kanilang kapanganakan sa pamamagitan ng amoy, kung ito ay maipagpapalagay. Napapakiramdaman ng isda ang mga malayong paggalaw sa pamamagitan ng pressure receptors na lumilinya sa kanilang katawan. Ang mga paniki at mga bulag na lumba-lumba ay nakakakita sa pamamagitan ng sonar. Ang ilang mga organismong pandagat (ang electric eel na may mataas na boltahe halimbawa) nagbibigay at "nagbabasa" ng magnetic fields, na pinapahintulutan silang makakita sa putikan, o sa kadiliman ng kailaliman ng karagatan. Nag-uusap ang mga insekto sa pamamagitan ng pheromones. Ang mga halaman ay nakakaramdam ng sikat ng araw at lumalaki patungo dito (phototrophism); ang kanilang mga ugat ay nakakaramdam ng gravity at lumalago sa lupa (geotrophism). Sa maikling salita, binigyan ng Diyos ang bawat elemento ng Kanyang nilikha ng patnubay. Maaari ba nating paniwalaan na hindi Niya tayo bibigyan ng gabay sa isang pinakaimportanteng aspeto ng ating pag-iral, na pinangalanang raison d'etre—ang rason ng ating pagkatao? Na hindi niya tayo bibigyan ng mga instrumento upang makamit ang kaligtasan?
At ang gabay na ito ay hindi kaya ang . . . paghahayag?
Isipin ito sa ganitong paraan: Ang bawat produkto ay may mga pagtutukoy at panuntunan. Para sa mas kumplikadong mga produkto, na ang mga pagtutukoy at mga patakaran ay hindi madaling maunawaan, gumagamit tayo ng manwal. Itong mga manwal ay isinulat ng nakakaalam sa produkto, na ang tagagawa nito. Ang tipikal na manwal ay nagsisimula sa mga babala tungkol sa hindi tamang paggamit at mapanganib na maidudulot nito, inilalarawan kung paano gamitin ng tama ang produkto at ano ang mga benepisyong makukuha, at nagbibigay ng mga pagtutukoy ng produkto at isang gabay sa pag-aayos kung saan maaari nating ayusin ang depekto ng produkto.
Ngayon, paano ito naiiba sa paghahayag?
Sinasabi sa atin ng rebelasyon kung ano ang dapat gawin, at hindi dapat gawin at bakit, sinasabi sa atin kung ano ang inaasahan ng Diyos sa atin, at ipinapakita sa atin kung paano iwasto ang ating mga kakulangan.Ang paghahayag ay ang tunay na manwal ng mga gumagamit nito, na ibinigay bilang gabay sa mga gagamit sa atin — ating mga sarili.
Sa mundong alam natin, ang mga produkto na nakakatugon o lumalagpas sa mga detalye ay itinuturing na tagumpay samantalang ang mga hindi … hmm … isipin natin ito. Ang anumang produkto na hindi papasa sa mga pagtutukoy sa pabrika ay aayusin o di kaya, at kung wala nang pag-asa, iresiklo. Sa madaling salita, nawasak. Naku! Biglang ang talakayang ito ay naging nakakatakot. Sapagkat sa talakayang ito, tayo ang produkto — ang produkto ng paglikha.
Ngunit huminto muna tayo sandali at isaalang-alang kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga bagay na pumupuno sa ating buhay. Hanggang sa ginagawa nila ang ating mga gusto, masaya tayo sa kanila. Pero kapag binigo nila tayo, hinahayaan na natin sila. Ang iba binabalik sa tindahan, ang ilan ay binibigay sa pagkakawanggawa, ngunit sa bandang huli nagiging basura din, na maaaring... ilibing o sinusunog. Katulad nito, ang mga hindi gaanong kagalingan na mga empleyado ay … inaalis. Ngayon, huminto ng isang minuto at mag-isip tungkol sa salitang iyon. Saan nagmula ang tila masakit na salita para sa kaparusahan dahil sa isang hindi gaanong kagalingan? Hmm … ang taong naniniwala na ang mga aralin sa buhay na ito ay isinalin sa mga aralin tungkol sa relihiyon ay maaaring magkaroon ng isang araw para sa kaalaman ukol dito.
Ngunit hindi nangangahulugang ito ay hindi wasto. Kasalungat lamang, dapat nating tandaan na ang Luma at Bagong Tipan ay napuno ng mga pagkakatulad, at nagturo si Hesu-kristo gamit ang mga talinghaga.
Kaya mainam na atin itong seryosohin.
Hindi, Ako ay nararapat itama. Marahil karamihan ay dapat nating gawin itong seryoso. Walang sinuman ang nagsaalang-alang sa pagkakaiba sa pagitan ng makalangit na kasiyahan at pagpapahirap sa apoy ng Impiyerno na isang bagay na katuwa-tuwa.
Copyright © 2007 Dr. Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot.
Dr. Brown ay may-akda ng The Eighth Scroll, inilarawan ng North Carolina State Senator Larry Shaw bilang, “Indiana Jones meets The Da Vinci Code. The Eighth Scroll ay kapana-panabik, nakakamangha, hindi maibsan ang pagkasabik sa hamon sa mga pananaw ng mga tao sa Kanluran, kasaysayan at relihiyon. Bar none, ang pinakamahusay na aklat sa lahat ng uri!” Sa Dr. Brown ay isa ding may-akda ng tatlong iskolatikong libro sa paghahambing sa mga relihiyon, MisGod’ed, God’ed, at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang kanyang mga libro at artikulo ay ay makikita kanyang website, www.EighthScroll.com at www.LevelTruth.com, at maari itong bilhin sa www.Amazon.com.
Ang mga Malaking Katanungan (bahagi 3 ng 3): Ang Pangangailangan para sa Paghahayag
Paglalarawanˇ: Ang mga sagot ng Islam sa pangatlo sa ilan sa mga "Malalaking Tanong" sa Buhay, na ang lahat ng tao ay hindi maiiwasang maitanong, Paano tayo maglilingkod sa Ating Tagapaglikha?
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 18 Mar 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 6,473
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa nakaraang dalawang bahagi ng seryeng ito, sinagot namin ang dalawang "malaking katanungan." Sino ang gumawa sa atin? Ang Diyos. Bakit tayo naririto? Upang maglingkod at sumamba sa Kanya. Isang pangatlong tanong na natural ang lumitaw: “Kung ginawa tayo ng ating Tagapaglikha upang maglingkod at sumamba sa Kanya, paano natin ito gagawin?” Sa nakaraang artikulo iminungkahi ko na ang tanging paraan upang makapaglingkod tayo sa ating Lumikha ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos, tulad ng ipinapahayag sa pamamagitan ng paghahayag.
Ngunit maraming tao ang nagtatanong sa aking pananaw: Bakit nangangailangan ng paghahayag ang sangkatauhan? Hindi ba sapat na maging mabuti? Hindi ba sapat para sa bawat isa sa atin na sambahin ang Diyos sa ating sariling pamamaraan?
Hinggil sa pangangailangan ng paghahayag, ako ay gagawa ng mga punto: Sa unang artikulo ng seryeng ito ay itinuro ko na ang buhay ay puno ng kawalang-katarungan, pero ang ating Tagapaglikha ay patas at makatarungan at itinatag Niya ang hustisya hindi sa buhay na ito, ngunit sa kabilang buhay. Gayunpaman, ang katarungan ay hindi maitatatag nang wala ang apat na bagay—isang korte (i.e., ang Araw ng Paghuhukom); isang hukom (i.e., ang Tagapaglikha); mga saksi (i.e., mga kalalakihan at kababaihan, mga anghel, mga elemento ng nilikha); at ang libro ng mga batas na dapat hatulan (i.e., paghahayag). Ngayon, paano maitataguyod ng ating Tagapaglikha ang hustisya kung hindi Niya pipigilan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng ilang mga batas sa kanilang buhay? Hindi ito posible. Sa sitwasyong iyon, sa halip na katarungan, ang Diyos ay magiging di-katarungan, sapagkat parurusahan Niya ang mga tao sa paglabag sa mga hindi nila alam na mga krimen.
Bakit pa kailangan natin ng paghahayag? Sa simula kung walang patnubay ang sangkatauhan ay ni hindi maaring sumang-ayon sa mga isyu sa lipunan at pang-ekonomiya, politika, batas, atbp. Kaya paano tayo sasang-ayon sa Diyos? Pangalawa, walang ibang makakapagsulat ng isang manwal kundi ang gumawa sa produkto. Ang Diyos ang Tagapaglikha, tayo ang nilikha, at walang nakakaalam sa pangkalahatang pamamaraan ng paglikha ng mas mahusay kaysa sa Lumikha.Pinahihintulutan ba ang mga empleyado na magdisenyo ng kanilang sariling mga patakaran sa trabaho, tungkulin at ng kabayaran na angkop para sa kanila? Pinapayagan ba tayong mga mamamayan na magsulat ng sarili nating mga batas? Hindi? Kung gayon, Bakit tayo pahihintulutan na magsulat ng ating sariling mga relihiyon.Kung ang kasaysayan ay nagturo sa atin ng anuman, ito ay ang mga trahedya na nagreresulta kapag sinusunod ng sangkatauhan ang kamangmangan nito. Gaano karami ang sumang-ayon sa bandila ng libreng pag-iisip ang nagdisenyo ng mga relihiyon na nakatuon sa kanilang sarili at sa kanilang mga tagasunod na nagdulot ng bangungot sa mundo at kaparusahan sa hinaharap?
Kaya bakit tila hindi pa sapat ang maging mabuti? At bakit hindi sapat para sa bawat isa sa atin na sambahin ang Diyos sa ating sariling pamamaraan? Simula sa, pagkakaiba sa kahulugan ng "mabuti" para sa mga tao. Para sa ilan ito ay mataas na moral at malinis na pamumuhay, para sa iba ito ay kabaliwan at labanan. Katulad nito, naiiba rin ang mga konsepto kung paano maglingkod at sumamba sa ating Tagapaglikha. Ang pinaka-importanteng punto, walang sinuman ang maaaring makapasok sa isang tindahan o isang restawran at magbayad na may ibang uri ng pera kaysa sa tinatanggap ng mangangalakal. Kaya gayundin sa relihiyon. Kung nais ng mga tao na tanggapin ng Diyos ang kanilang paglilingkod at pagsamba, kailangan magbayad sa naaayon at hinihiling ng Diyos. At ang bayad na iyon ay ang pagsunod sa Kanyang paghahayag.
Isipin ang pagpapalaki ng mga bata sa isang bahay kung saan nagtatag ka ng "mga panuntunan sa bahay." Pagkatapos, isang araw, sinabi sa iyo ng isa sa iyong mga anak na pinalitan niya ang mga patakaran, at gagawin niya ang mga bagay sa ibang paraan. Paano ka tutugon? Malamang, sa mga salitang “Maaari mong gawin ang iyong mga bagong patakaran at pumunta sa Impiyerno!” Kaya, isipin mo. Tayo ay mga nilikha ng Diyos, na naninirahan sa Kanyang mundo sa ilalim ng Kanyang mga patakaran, at "pumunta ka sa Impiyerno" ang malamang na sasabihin ng Diyos sa sinumang mangahas na magpawalang halaga sa Kaniyang mga batas.
Ang katapatan ay nagiging isang isyu sa puntong ito. Dapat nating kilalanin na ang lahat ng kasiyahan ay isang regalo para sa atin ng Lumikha, at karapat-dapat na magpasalamat. Kung mabibigyan ng isang regalo, sino ang gumagamit ng regalo bago magpasalamat? Gayunpaman, marami sa atin ang nagtatamasa ng mga regalo ng Diyos sa buong buhay at hindi nagpapasalamat. O binibigay sa huli na. Ang makatang Ingles, na si Elizabeth Barrett Browning, ay nagsalita tungkol sa kabalintunaan ng pagdurusa ng tao sa The Cry of the Human:
At ang mga labi ay nagsasabi na "Diyos maging maawain ka",
Na hindi man lang nagsasabi, "Purihin ang Diyos."
Hindi ba tayo dapat magpakita ng mabuting asal at magpasalamat sa ating Lumikha para sa Kanyang mga regalo ngayon, at kasunod para sa natitirang bahagi ng ating buhay? Hindi ba natin utang sa Kanya iyon?
Sumagot ka ng "Oo." At iyon ay nararapat. Walang sinuman ang nagbasa hanggang sa puntong ito nang hindi sumasang-ayon ngunit ito ang problema; Marami sa inyo ang sumagot ng “Oo,” sa pagkaka-alam nang lubos na ang iyong puso at isipan ay hindi lubos na sumasang-ayon sa mga relihiyong iyong kinabibilangan. Sumasang-ayon ka na tayo ay nilikha ng Tagapaglikha. Nagsusumikap kang intindihan Siya. At nais mong maglingkod at sumamba sa Kanya sa paraang iniutos Niya. Ngunit hindi mo alam kung paano, at hindi mo alam kung saan hahanapin ang mga sagot. At iyon, sa kasamaang palad, ay hindi isang paksa na masasagot sa isang artikulo. Sa kasamaang palad, dapat itong matugunan sa isang libro, o marahil kahit sa isang serye ng mga libro.
Ang magandang balita ay na isinulat ko ang mga librong ito. Inaanyayahan kita na magsimula sa The Eighth Scroll. Kung nagustuhan mo ang naisulat ko rito, magugustuhan mo ang naisulat ko doon.
Copyright © 2007 Dr. Laurence B. Brown; ginamit nang may pahintulot.
Dr. Brown ay may-akda sa The Eighth Scroll, inilarawan ng North Carolina State Senator Larry Shaw bilang, “Indiana Jones meets The Da Vinci Code. The Eighth Scroll ay isang nakamamangha, nakakasabik, hindi maiiwasan ang kapanapanabik na mga hamon sa mga pananaw ng mga taga-Kanluran, kasaysayan at relihiyon. Bar none, ang pinakamahusay na libro sa lahat ng uri!” Si Dr. Brown ay may-akda din sa tatlong iskolatikong libro sa paghahambing sa mga relihiyon , MisGod’ed, God’ed, at Bearing True Witness (Dar-us-Salam). Ang kanyang mga libro at artikulo ay makikita sa kanyang websites, www.EighthScroll.com at www.LevelTruth.com, at maaari itong mabili sa www.Amazon.com.
Magdagdag ng komento