Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 3 ng 3): Isang Maling Pangunahing Konsepto
Paglalarawanˇ: Isang maikling paghahambing sa mga paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Sep 2012
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,342 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga Saksi ni Jehova (JW's) ay isang denominasyong Kristiyano na may maraming paniniwala na namumukod-tangi mula sa kasalukuyang Kristiyanismo. Kilala sila sa kanilang malakas na ebanghelismo, ang kanilang pagiging abala sa pagtatapos ng mga araw at ang kanilang natatanging pagsasalin ng Bibliya na tinawag na "New World Translation of the Holy Scriptures". Sa konklusyon na ito ng ating pag-aaral sa di gaanong nauunawaang relihiyon na kilala bilang mga Saksi ni Jehova ay titingnan natin ang ilang paniniwala na waring kapareho ng Islam.
Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na si Hesus ay hindi Diyos. Ito ay isang pahayag na nagpapagalit ng karamihan sa mga Kristiyano at naghantong sa marami upang ipahayag na ang mga saksi ni Jehova ay mga huwad na Kristiyano. Sa mga Muslim, gaya ng alam natin ay ipinahayag na si Hesus ay hindi Diyos, samakatuwid ang pagbabasa lamang ng isang maliit na pahayag na ito ay maaaring humantong sa isang Muslim na sabihing, "Oh ito ay katulad din sa amin". Ngunit pareho nga ba? Magsaliksik tayo ng kaunti pa sa kanilang paniniwala tungkol sa tungkulin ni Hesus.
Hinatulan ng JW ang Trinidad na isang paganong idolatriya at alinsunod nito ay itinanggi ang pagka-Diyos ni Hesus. Gayunpaman naniniwala sila na kahit si Hesus ay anak ng Diyos ay mas mababa siya sa Diyos. Dito ang pagkakapareho sa Islam ay biglang nagtatapos. Sinasabi ng Diyos sa isa sa mga pinakadakilang talata ng Quran na hindi Siya nagka-anak!
Sabihin mo (O Muhammad): “Siya ang Diyos, (ang) Nag-iisa. Ang Ganap na Panginoon. Hindi Siya nagkaanak, at hindi Siya ipinanganak. At walang makakapantay o maihahalintulad sa Kanya.” (Quran 112)
Bilang karagdagan dito sa depektebong pangunahing pag-unawa sa likas na katangian ng Diyos, naniniwala rin ang JW sa iba pang mga kakatwang (para sa mga Muslim) na pag-angkin. Inaangkin nila na ang buhay ni Hesus, o sa tawag ng mga JW ay kanyang alay, naging "pantubos" na kabayaran upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Ang Diyos, ayon sa kanila, ay nilikha ang lahat ng nasa Langit at nasa Lupa sa pamamagitan ni Kristo, ang "bihasang manggagawa," tagapaglingkod ng Diyos.[1] Sa kanilang sariling panitikan, tinukoy ng JW si Hesus bilang "Kanyang (Diyos) unang nilikhang espiritu, ang punong manggagawa, si Hesus bago naging tao”[2]. Nagpatuloy sila sa pagsasabing pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng Diyos, ay "itinaas" sa isang antas na mas mataas kaysa sa isang anghel. Ang pagpapabulaan dito ay matatagpuan sa sariling mga salita ng Diyos sa Quran.
“Siya ang Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Paano Siya magkakaroon ng mga anak gayong wala Siyang asawa? Nilikha Niya ang lahat ng mga bagay at Siya ang may Alam ng lahat. Ganito ang Diyos, iyong Panginoon! Wala ng ibang dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Lumikha ng lahat ng mga bagay.” (Quran 6:101-102)
Ang ideya na si Hesus ang pantubos upang mailigtas ang ating mga kaluluwa o patawarin ang ating mga kasalanan ay isang konsepto ng ganap na kamangmangan sa paniniwala ng Islam.
“O mga tao ng Banal na Kasulatan! Huwag magmalabis sa mga hangganan ng iyong relihiyon, o magsabi ng anumang tungkol sa Diyos kundi ang katotohanan. Ang Messiah na si Hesus, anak ni Maria, ay isang Sugo ng Diyos at ang Kanyang Salita ('Maging!' - at naging siya), na ipinagkaloob Niya kay Maria at isang kaluluwa na nilikha Niya; kaya maniwala sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo. Huwag sabihing, 'Trinidad!' Manahimik; ito ay mas mainam para sa iyo! Sapagkat ang Diyos ay Iisang Diyos, malayo Siya sa bawat di-kasakdalan, Higit Siyang mataas kaysa sa pagkakaroon ng isang anak na lalaki. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa mundo. At ang Diyos ay Sapat bilang isang Tagapamagitan ng mga gawain.” (Quran 4:171)
Ang paniniwala na ang orihinal na kasalanan ay nagdulot sa mga tao na manahin ang kamatayan at kasalanan ay malayo din sa mga turo ng Islam. Itinuturo sa atin ng Islam na ang tao ay ipinanganak nang walang kasalanan at likas na mahilig sumamba sa Diyos lamang (nang walang anumang tagapamagitan). Upang mapanatili ang estado ng walang kasalanan ang tao ay kailangang sundin ang mga utos ng Diyos at magsikap na mamuhay sa isang matuwid na buhay. Kung ang isang tao ay nahulog sa kasalanan, ang kailangan lamang ay taimtim na pagsisisi. Kapag nagsisi ang isang tao, pinapawi ng Diyos ang kasalanan na para bang hindi ito nagawa.
Itinuturo ng mga saksi ni Jehova na walang kaluluwa na mananatili pagkatapos ng kamatayan at babalik si Hesus upang buhayin ang mga patay, ibabalik ang kaluluwa at katawan. Ang mga hinusgahan na matuwid ay bibigyan ng buhay na walang hanggan sa mundo (na magiging isang paraiso). Ang mga hinusgahan na di-matuwid ay hindi mahihirapan, ngunit mamamatay at titigil sa pag-iral. Ano ba talaga ang sinasabi ng Islam tungkol dito?
Ayon sa Islam, ang buhay ay magpapatuloy sa libingan pagkatapos malibing ang katawan. Ang kaluluwa ng isang matapat na tao, ay madaling natatanggal mula sa katawan, binibihisan ng isang makalangit at may masarap na amoy na damit at dinadala sa pitong kalangitan. Ang kaluluwa ay ganap na ibabalik sa libingan, at isang pintuan sa Paraiso ang bubuksan para sa tao, at ang simoy nito ay lalapit sa kanya, at maaamoy niya ang halimuyak nito. Bibigyan siya ng magagandang balita ng Paraiso at masasabik siyang magsimula ang Oras. Ang kaluluwa ng taong hindi naniniwala, sa kabilang banda, ay tinatanggal mula sa katawan nito na may matinding pakikibaka ngunit sa huli ay ganap na ibabalik din sa katawan. Ang tao ay pahihirapan sa libingan hanggang magsimula ang Oras.
“At ang pagtimbang sa araw na iyon (Araw ng Muling Pagkabuhay) ay magiging tunay na pagtimbang. Kaya para sa mga ang timbangan (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ay magiging matagumpay sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso. At tungkol sa mga magaan ang timbang, sila ay yaong mawawala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno.” (Quran 7:8-9)
Para sa kanilang karangalan ang JW ay iniiwasan ang mga pag-uugali na hindi gusto ng Diyos, kasama na ang pagdiriwang ng mga kaarawan at mga kapistahan na nagmula sa mga maling relihiyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi ipinagdiriwang ang kanilang sariling kaarawan, sapagkat ito ay itinuturing na isang pagluwalhati ng isang tao kaysa sa Lumikha. Ang mga pahayag na ito ay tiyak na sumasalamin sa paniniwala ng Islam. Gayunpaman, dahil sa ang pangunahing konsepto ng JW sa Kaisahan ng Diyos ay mali ang kanilang moral na pag-uugali at pagpapahalaga ay walang gaanong halaga. Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos ang tungkol sa mga pinakamalaking kawalan sa Araw ng Paghuhukom.
“Sasabihin ba namin sa iyo ang pinakatalunan tungkol sa (kanilang) gawa? (sila) na ang kanilang mga pagsisikap ay nasayang sa buhay na ito habang inaakala nila na nagkakamit sila ng mabuti sa kanilang mga gawa. Sila yaong mga tumatanggi sa mga patunay, katibayan, talata, aralin, palatandaan, paghahayag, atbp ng kanilang Panginoon at ang Pakikipagharap sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, hindi tayo magtatalaga ng timbangan para sa kanila.” (Quran 18: 103-105)
Ayon sa napag-alaman natin na kahit sa unang tingin ang mga Saksi ni Jehova ay tila may isang sistema ng paniniwala na tumutugma sa paniniwala ng Islam, ito ay malayo sa katotohanan. Ang maingat na pagsasaalang-alang ay nagpapakita ng mga kakulangan at pagkakamali sa kanilang pangunahing mga teyoriya. Lumilitaw na ang mga Saksi ni Jehova ay may kaunting pagkakatulad sa alinman sa Islam o Kristiyanismo. Ang kanilang mga teorya ng Langit at Impiyerno, ang Pagiging isa ng Diyos, ang Trinidad at paglikha ng Sanlibutan ay hindi katanggap-tanggap sa mga Muslim at lumilitaw na hindi rin sila katanggap-tanggap sa karamihan ng mga denominasyong Kristiyano.
Magdagdag ng komento