Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 1 ng 3): Mga Kristiyano o mga miyembro ng kulto?

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova.

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 11 Sep 2012
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 9,223
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Jehovahs-Witnesses.jpgNoong 2011 tinatayang mayroong higit sa 7.6 milyong mga Saksi ni Jehova sa higit sa 109 libong mga kongregasyon, sa higit sa 200 na mga bansa.[1] Tulad ng iminumungkahi ng pangalan, ito ay isang ebanghelikal na relihiyon. Ang mga miyembro, ng parehong kasarian at ng lahat ng edad, ay aktibong pumupunta sa bahay-bahay, sinusubukan na ibahagi ang kanilang salin ng Bibliya sa publiko sa kanilang mga komunidad. Maaaring napansin mo ang mga ito sa iyong sariling pamayanan; karaniwang mga maliliit na grupo ng pamilya, lahat ay bihis na bihis. Kumakatok sila sa mga pintuan at tumitimbre na nag-aabot ng panitikan at nag-aanyaya sa iyo na pag-isipan ang mga malalaking katanungan sa buhay, tulad ng, Paano mo nais na mabuhay sa isang mundo na walang sakit at kahirapan? Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi dapat mapagkamalang mga Mormon, pares ng mga binata na karaniwang nakasuot ng itim na amirekano (kasuutan). Noong 2012, ang mga Saksi ni Jehova ay gumugol ng 1.7 bilyong oras sa gayong mga gawaing pang-ebanghelista at namahagi ng 700 milyong mga pamplet at mga libro.[2]

Itinuturo ng mga Saksi ni Jehova ang hindi pakikipagtulungan sa tinuturing nilang kapangyarihan ni Satanas sa lupa, at ito, ay ipinapakita sa pagtanggi sa pagsaludo sa anumang watawat, o tumulong sa anumang pagsisikap sa digmaan na nagdulot ng hidwaan sa mga kapitbahay at gobyerno at naging dahilan upang sila ay hindi sumikat sa maraming mga bansa, lalo na sa Hilagang Amerika at sa buong Europa. Noong 1936 sa buong Estados Unidos ang mga batang Saksi ni Jehova ay pinalayas mula sa mga paaralan at madalas na inilalagay sa mga bahay ampunan. Noong pangalawang Digmaang Pandaigdig ang mga Saksi ni Jehova ay labis na inusig. Ang pag trato ng Nazi Germany ay partikular na malupit at libu-libo ang namatay sa mga kampo. Ang relihiyon ay ipinagbawal sa Canada noong 1940 at Australia noong 1941. Ang ilang mga miyembro ay nabilanggo at ang iba ay ipinadala sa mga kampo para sa sapilitang pagtatrabaho. Sinasabi ng mga katunggali ng relihiyon na pinili ng mga Saksi ang isang sadyang landas ng pagkamartir upang mapatunayan ang isang doktrina na nagsasabing ang mga nahihirapan para sa kaluguran ng Diyos ay inuusig.[3]

Bagaman sila ay hindi isang sarado o mapaglihim na relihiyon marami sa atin ang kaunti ang kaalaman tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Sa katunayan ang kanilang mga pinagmulan ay matutunton pabalik sa 1870 Pennsylvania USA, nang si Charles Taze Russell (1852-1916) ay nagtatag ng isang grupo ng pag-aaral sa Bibliya. Ang matinding mga aralin ng grupo ay humantong sa mga miyembro na tanggihan ang maraming tradisyunal na paniniwala ng Kristiyano. Pagsapit ng 1880, 30 mga kongregasyon ang nabuo sa pitong estado ng Amerika. Ang mga pangkat na ito ay nakilala bilang Watch Tower, at kalaunan ang Watchtower Bible at Tract Society. Noong 1908, inilipat ni Russell ang punong tanggapan nito sa Brooklyn, New York kung saan nananatili hanggang ngayon. Kinuha ng pangkat ang pangalang "Mga Saksi ni Jehova" noong 1931 habang sa pamumuno ni Joseph Franklin Rutherford.

Ang Jehova ay isang Ingles na salin ng pangalan para sa Diyos sa Mga Banal na Kasulatan at kinuha ni Rutherford ang pangalang ito mula sa isang sipi sa Bibliya, sa Isaiah 43:10. Ang Bibliya ng Saksi ni Jehova, na kilala bilang New World Translation ay isinalin ang talatang ito bilang, "'Kayo ang aking mga saksi,' ang sabi ni Jehova, 'maging ang aking lingkod na aking pinili. . . , '". Ang mga Saksi ni Jehova ay lumago mula sa mapagpakumbabang simulain noong ika-19 na siglo sa Pennsylvania hanggang sa ika-21 na siglo na pandaigdigang samahan na suportado ng multinasyonal na operasyon ng Watch Tower Society. Ang pagbibigay-diin ng Samahan sa paglalathala at pamamahagi ng mga magasin, libro, at pamplet na nauugnay sa kilusan ay pinakinabangan ng mga makabagong teknolohiya.[4]Sa kabila nito ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ay patuloy na sinisirang puri at inuusig.

Ang mga hindi Kristiyano ay may posibilidad na maniwala na ang mga saksi ni Jehova ay isang relihiyon na Kristiyano at tinawag ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang sarili bilang isang denominasyong Kristiyano, gayunpaman maraming mga Kristiyano sa buong mundo ang hindi sumasang-ayon. Ang ilan ay mariing tumututol, na sa ilang mga bansa ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova ay pinasimulan ng patakaran ng gobyerno. Ang samahan ng Canada na "Religious Tolerance" ay nakatanggap ng maraming elektronikong liham na tumututol sa paggamit ng terminong Kristiyano kapag tinutukoy ang isang Saksi ni Jehova, na ang kanilang website ay nagbigay ng babala. "Mangyaring huwag magpadala sa amin ng mga mapang-abusong elektonikong liham... Hindi ito opisyal na website ng Saksi ni Jehova." Ano ang tungkol sa pangkat na ito, denominasyon, sekta o kulto na ikinagagalit ng mga tao?

Sa kanilang sariling mga salita, nakikita ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga sarili bilang isang buong kapatiran sa buong mundo na lumampas sa mga pambansang hangganan at nasyonal at etnikong katapatan. Naniniwala sila na mula nang ipinahayag ni Kristo na ang kanyang kaharian ay hindi bahagi ng mundo at tumanggi na tanggapin ang isang makamundong korona, dapat din silang manatiling hiwalay sa mundo at umiwas sa pagkakasangkot sa politika.[5]

Ang isang napaka-ikling pagmamasid sa pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova ay waring nagpapakita ng isang larawan ng isang pangkat na may hawak ng paniniwala na tulad ng sa Islam. Naniniwala sila sa Isang Diyos at sa kategoryang tutol sa ideya ng isang Trinidad. Ang homoseksuwalidad ay isang malubhang kasalanan, ang mga tungkulin ng kasarian ay malinaw na tinukoy, iniiwasan nila ang mga pagdiriwang na nagmula sa paganong paniniwala, at sinasalungat nila ang katapatan sa anumang uri ng gobyerno na hindi batay sa mga batas ng Diyos. Iyon ba ang Islam? Sapagkat mula sa pananaw na ito ay tiyak na hindi Kristiyanismo gaya ng karaniwang naiintindihan.

Kung titingnan natin ng mas malalim ang sistema ng paniniwala ng JW ay mapag-aalaman natin na sa kabila ng mga unang pagpapakita ay napakakaunti ng pagkakapareho nito sa Islam maliban marahil na pareho silang mga relihiyon na umaasa ng isang malaking pangako mula sa kanilang mga miyembro. Ang isang pagsusuri sa mga pangangatuwiran sa likod ng kanilang mga paniniwala ay nagpapakita ng isang kamalian sa pag-unawa sa mga konsepto na kilala sa mga Muslim. Ang kanilang mga paniniwala ay nagsasama rin ng maraming impormasyon tungkol sa Pagtatapos ng mga Oras o Pagtatapos ng mga Araw. Sinabi nila sa ilang mga okasyon na ang katapusan ng mundo na alam natin ay malapit na, gayunpaman ang mga petsa na ito ay dumating at lumipas ng halos hindi napansin.

Sa pangalawang bahagi titingnan natin ng mas malalim ang mga teorya at petsa ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa huling mga oras, ihahambing natin ito sa sinasabi ng Bibliya at Islam tungkol sa Araw ng pagtatapos. Atin ding susuriin ng may matalinong pag-unawa sa yaong mga paniniwala na pakiwaring sumasang-ayon sa Islam at tutuklasin ang mga konsepto na hindi katanggap-tanggap sa parehong pangunahing mga Kristiyano at mga at Muslim.


Mga talababa:

[1] (http://www.watchtower.org/e/statistics/worldwide_report.htm)

[2] (http://www.religioustolerance.org/witness.htm)

[3] Barbara Grizzuti Harrison, Visions of Glory, 1978, kabanata 6.

[4]http://www.patheos.com/Library/Jehovahs-Witnesses/Historical-Development.html

[5] Gene Owens; Nieman Reports, Fall 1997. (http://www.bbc.co.uk/religion/religions/witnesses/beliefs/beliefs.shtml)

Mahina Pinakamagaling

Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 2 ng 3): Ang Katapusan ng mga Araw

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Hinuhulaan ng mga Saksi ni Jehova ang isang pangyayaring ipinahayag lamang ng Diyos sa Kaniyang Sarili.

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 11 Sep 2012
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 7,633
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Jehovahs-Witnesses2.jpgAng mga Saksi ni Jehova (JW) ay isang pandaigdigang relihiyon na may mga miyembro sa higit sa 200 na mga bansa. Ito ay isang denominasyong Kristiyano, ngunit maraming mga pangunahing Kristiyano ang mariing tumututol sa paniniwala ng JW. Ayon sa Orthodox Presbyterian Church, "Ang mga Saksi ni Jehova ay may isang huwad na relihiyong Kristiyano. Nangangahulugan na nagpapanggap itong Kristiyanismo, ngunit sa katotohanan ay hindi. Ang kanilang mga turo at kasanayan ay hindi naaayon sa Banal na Kasulatan”.[1]

Sa unang bahagi natutunan natin nang kaunti ang tungkol sa kasaysayan ng relihiyong JW at natuklasan na sila ay medyo bagong relihiyon, na nabuo noong 1870. Nabanggit natin ng konti ang kanilang mga paniniwala at ang kanilang pagkahumaling sa mga teorya ng Katapusan ng mga Araw at ngayon sa pangalawang bahagi ay higit pa nating sasaliksikin ng mas malalim ang maraming mga hula sa pagtatapos ng mga araw na hindi naganap.

Ang pag-aaral ng Katapusan ng mga Araw, na mas tamang tawagin na eschatology, ay ang sentro ng paniniwala ng JW. Ang pinagmulan nito ay tila nagmula sa mga paniniwala na itinaguyod ni Nelson Horatio Barbour, isang maimpluwensyang Adbentistang manunulat at tagapaglathala, na mas kilala sa kanyang kauganayan kay Charles Taze Russel, na sa kalaunan ay naging kasalungat. Ang sumusunod ay isang pinaikling paliwanag tungkol sa mga orihinal na eskatolohikal na paniniwala ng JW tulad ng ipinaliwanag sa kanilang website.

Ang Ikalawang Adbentista na nauugnay kay Nelson H. Barbour ay umaasa sa isang nakikita at dramatikong pagbabalik ni Kristo noong 1873, at kalaunan noong 1874. Sumang-ayon sila sa iba pang mga grupo ng Adbentista na ang "oras ng katapusan" (tinatawag din na "mga huling araw") ay nagsimula na noong 1799. Hindi nagtagal matapos ang pagkabigo noong 1874, tinanggap ni Barbour ang ideya na si Kristo ay talagang bumalik sa lupa noong 1874, ngunit hindi nakikita. Ang 1874 ay itinuturing na pagtatapos ng 6,000 taon ng kasaysayan ng tao at ang simula ng paghatol ni Kristo. Si Charles Taze Russell at ang pangkat na kalaunan ay nakilala bilang mga Estudyante ng Bibliya ay tinanggap ang mga pananaw na ito mula kay Barbour."[2]

“Ang Armageddon ay magaganap noong 1914. Mula 1925–1933, lubhang binago ng Watchtower Society ang kanilang mga paniniwala matapos ang kabiguan ng mga inaasahan para sa Armageddon noong 1914, 1915, 1918, 1920, at 1925. Noong 1925, ipinaliwanag ng Watchtower ang isang malaking pagbabago na si Kristo ngayon ay iniluklok bilang Hari sa langit noong taong 1914 sa halip na 1878. Noong 1933, ito ay malinaw na itinuro na si Kristo ay bumalik nang hindi nakikita noong 1914 at ang "mga huling araw" ay nagsimula din noon.”[3]

Ang mga pananaw na ito ay lubhang naiiba mula sa kung ano ang itinataguyod ng JW ngayon at talagang nakapagtataka na tila wala silang problema sa mga pangunahin at makabuluhang pagbabago sa kanilang sistema ng paniniwala. Ang 1914 na marahil ang pinakamahalagang petsa sa eschatology ng JW. Ito ang unang petsa ng Armageddon na hula ni Russell[4], ngunit ng hindi ito naganap ito ay binago "na ang mga taong nabuhay noong 1914 ay buhay pa rin sa oras ng Armageddon"; subalit noong 1975 ang mga taong ito ay mga mamamayang may-edad na.

“Sa panahon ng 1960 at unang bahagi ng 1970, maraming mga Saksi ang pinasigla ng mga artikulo sa kanilang panitikan at higit pang hinikayat ng mga tagapagsalita sa kanilang mga pagtitipon bago ang 1975, upang maniwala na ang Armageddon at milenyong paghahari ni Kristo ay magsisimula ng 1975. Bagaman ang pananaw ng Armageddon at ang milenyong simula ni Kristo noong 1975 ay hindi ganap o malinaw na suportado ng Watch Tower Society, marami sa departamento ng pagsusulat ng mga organisasyon, pati na rin ang ilang nangungunang mga Saksi, mga Nakatatanda, at mga punong tagapangasiwa sa samahan, ay mabigat na iminungkahi na ang milenyong paghahari ni Kristo sa buong mundo ay magsisimula sa taong 1975.”

Humantong noong 1975 na ipinagbili ng JW ang kanilang mga tahanan, umalis sa kanilang mga trabaho, padalus-dalos na ginastos ang kanilang mga ipon, o naipon ang libu-libong dolyar na utang. Gayunpaman lumipas ang 1975 nang walang mahalagang pangyayari. Matapos na walang kaganapang ganito maraming tao ang umalis sa JW, ayon sa ilang mga JW mismo umabot hanggang 1979 bago nagsimulang makabawi at dumami muli ang kanilang mga bilang. Opisyal na pinananatili ng mga Saksi na darating ang Armageddon habang ang henerasyon na nakakita noong 1914 ay nananatiling buhay. Pagsapit ng 1995, dahil sa mabilis na pagbaba ng populasyon ng mga miyembro na buhay noong 1914, napilitang opisyal na alisin ng JW ang isa sa kanilang pinakakilalang katangian.

Ngayon ipinaglalaban ng mga Saksi na ang 1914 ay isang mahalagang taon, na minamarkahan ang pagsisimula ng "mga huling araw." Ngunit hindi na nila itinalaga ang anumang palatakdaan ng oras sa pagtatapos ng "mga huling araw," mas pinipiling sabihin ngayon na ang anumang henerasyon na nabuhay mula noong 1914 ay maaaring makita ang Armageddon. Ang Armagedon ay naiintindihan na ang pagkawasak ng lahat ng mga gobyernong nasa lupa sa pamamagitan ng Diyos, at pagkatapos ng Armageddon, palalawakin ng Diyos ang kanyang makalangit na kaharian at isasama ang lupa.[5]

Naniniwala ang JW na ang mga patay ay unti-unting mabubuhay sa "araw ng paghuhukom" na tatagal ng isang libong taon at ang paghatol na ito ay batay sa kanilang mga gawa pagkatapos ng muling pagkabuhay, hindi sa mga nakaraang gawa. Sa pagtatapos ng libong taon isang huling pagsubok ang magaganap kapag ibinalik na si Satanas upang mailigaw ang perpektong sangkatauhan at ang magiging resulta ay isang ganap na sinubok, niluwalhating sangkatauhan.[6]

Paano maihahambing sa Islam ang kahulugang ito ng "mga huling araw"? Ang pinakamahalaga at malinaw na pagkakaiba ay hindi hinuhulaan ng Islam ang petsa kung saan magsisimula ang mga huling araw o hindi rin nito hinuhulaan ang petsa para sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan ito magaganap.

Tatanungin ka ng mga tao tungkol sa oras, sabihin mo, 'ang kaalamanng ito ay sa Diyos lamang’. (Quran 33:63)

Katotohanan, ang Oras ay paparating na, at ito ay aking sinadyang ilingid upang bawat tao ay makatanggap ng kanyang gantimpala ayon sa kanyang pinagsumikapan. (Quran 20:15)

"Wala sa langit at lupa ang nakakaalam sa mga nakalingid maliban sa Diyos, at hindi nila malalaman kung kailan sila bubuhaying muli."(Quran 27:65)

Ang isa pang malinaw na pagkakaiba ay ang konsepto ng Huling Araw, habang ang mga Kristiyano at huwad na mga Kristiyano ay naniniwala sa isang pangwakas na labanan sa pagitan ng mabuti at masama, na kilala bilang Armageddon, walang ganoong bagay sa Islam. Itinuturo ng Islam na ang kasalukuyang daigdig na ito ay nilikha na may isang tiyak na pagsisimula at magkakaroon ng isang tiyak na pagtatapos na mamarkahan ng mga kaganapan sa eskatolohiko. Kasama sa mga kaganapang ito ang pagbabalik ni Hesus. Ang oras ng kasaysayan ay magwawakas at susundan ng isang muling pagkabuhay ng lahat ng mga tao at isang panghuling paghuhukom.

Sa pangatlong bahagi ay tatalakayin natin ang iba pang mga paniniwala na waring katulad ng sa Islam ngunit walang pangunahing konsepto na katanggap-tanggap sa mga Muslim. Susubukan din nating tingnan kung bakit ang ilan sa mga paniniwalang ito ay humantong sa pagtanggi ng maraming mga denominasyong Kristiyano sa mga Saksi ni Jehova na nag-aangking isang Kristiyanong pangkat.



Mga talababa:

[1] (http://www.opc.org/qa.html?question_id=176)

[2] (http://www.watchtowerinformationservice.org/doctrine-changes/jehovahs-witnesses/#8p1)

[3] Ibid.

[4] Ang pangwakas na labanan sa pagitan ng mabuti at kasamaan ay itinataguyod ng karamihan sa mga denominasyong Kristiyano.

[5]Ang Watchtower, iba't ibang mga edisyon, kabilang ang Mayo 2005, Mayo 2006 at Agosto 2006.

[6] Ibid.

Mahina Pinakamagaling

Sino ang mga Saksi ni Jehova? (bahagi 3 ng 3): Isang Maling Pangunahing Konsepto

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling paghahambing sa mga paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at Islam.

  • Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 11 Sep 2012
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 7,072
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang mga Saksi ni Jehova (JW's) ay isang denominasyong Kristiyano na may maraming paniniwala na namumukod-tangi mula sa kasalukuyang Kristiyanismo. Kilala sila sa kanilang malakas na ebanghelismo, ang kanilang pagiging abala sa pagtatapos ng mga araw at ang kanilang natatanging pagsasalin ng Bibliya na tinawag na "New World Translation of the Holy Scriptures". Sa konklusyon na ito ng ating pag-aaral sa di gaanong nauunawaang relihiyon na kilala bilang mga Saksi ni Jehova ay titingnan natin ang ilang paniniwala na waring kapareho ng Islam.

Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na si Hesus ay hindi Diyos. Ito ay isang pahayag na nagpapagalit ng karamihan sa mga Kristiyano at naghantong sa marami upang ipahayag na ang mga saksi ni Jehova ay mga huwad na Kristiyano. Sa mga Muslim, gaya ng alam natin ay ipinahayag na si Hesus ay hindi Diyos, samakatuwid ang pagbabasa lamang ng isang maliit na pahayag na ito ay maaaring humantong sa isang Muslim na sabihing, "Oh ito ay katulad din sa amin". Ngunit pareho nga ba? Magsaliksik tayo ng kaunti pa sa kanilang paniniwala tungkol sa tungkulin ni Hesus.

Hinatulan ng JW ang Trinidad na isang paganong idolatriya at alinsunod nito ay itinanggi ang pagka-Diyos ni Hesus. Gayunpaman naniniwala sila na kahit si Hesus ay anak ng Diyos ay mas mababa siya sa Diyos. Dito ang pagkakapareho sa Islam ay biglang nagtatapos. Sinasabi ng Diyos sa isa sa mga pinakadakilang talata ng Quran na hindi Siya nagka-anak!

Sabihin mo (O Muhammad): “Siya ang Diyos, (ang) Nag-iisa. Ang Ganap na Panginoon. Hindi Siya nagkaanak, at hindi Siya ipinanganak. At walang makakapantay o maihahalintulad sa Kanya.” (Quran 112)

Bilang karagdagan dito sa depektebong pangunahing pag-unawa sa likas na katangian ng Diyos, naniniwala rin ang JW sa iba pang mga kakatwang (para sa mga Muslim) na pag-angkin. Inaangkin nila na ang buhay ni Hesus, o sa tawag ng mga JW ay kanyang alay, naging "pantubos" na kabayaran upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Ang Diyos, ayon sa kanila, ay nilikha ang lahat ng nasa Langit at nasa Lupa sa pamamagitan ni Kristo, ang "bihasang manggagawa," tagapaglingkod ng Diyos.[1] Sa kanilang sariling panitikan, tinukoy ng JW si Hesus bilang "Kanyang (Diyos) unang nilikhang espiritu, ang punong manggagawa, si Hesus bago naging tao”[2]. Nagpatuloy sila sa pagsasabing pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus sa pamamagitan ng Diyos, ay "itinaas" sa isang antas na mas mataas kaysa sa isang anghel. Ang pagpapabulaan dito ay matatagpuan sa sariling mga salita ng Diyos sa Quran.

Siya ang Tagapagsimula ng mga kalangitan at ng kalupaan. Paano Siya magkakaroon ng mga anak gayong wala Siyang asawa? Nilikha Niya ang lahat ng mga bagay at Siya ang may Alam ng lahat. Ganito ang Diyos, iyong Panginoon! Wala ng ibang dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Lumikha ng lahat ng mga bagay.” (Quran 6:101-102)

Ang ideya na si Hesus ang pantubos upang mailigtas ang ating mga kaluluwa o patawarin ang ating mga kasalanan ay isang konsepto ng ganap na kamangmangan sa paniniwala ng Islam.

“O mga tao ng Banal na Kasulatan! Huwag magmalabis sa mga hangganan ng iyong relihiyon, o magsabi ng anumang tungkol sa Diyos kundi ang katotohanan. Ang Messiah na si Hesus, anak ni Maria, ay isang Sugo ng Diyos at ang Kanyang Salita ('Maging!' - at naging siya), na ipinagkaloob Niya kay Maria at isang kaluluwa na nilikha Niya; kaya maniwala sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo. Huwag sabihing, 'Trinidad!' Manahimik; ito ay mas mainam para sa iyo! Sapagkat ang Diyos ay Iisang Diyos, malayo Siya sa bawat di-kasakdalan, Higit Siyang mataas kaysa sa pagkakaroon ng isang anak na lalaki. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa mundo. At ang Diyos ay Sapat bilang isang Tagapamagitan ng mga gawain.” (Quran 4:171)

Ang paniniwala na ang orihinal na kasalanan ay nagdulot sa mga tao na manahin ang kamatayan at kasalanan ay malayo din sa mga turo ng Islam. Itinuturo sa atin ng Islam na ang tao ay ipinanganak nang walang kasalanan at likas na mahilig sumamba sa Diyos lamang (nang walang anumang tagapamagitan). Upang mapanatili ang estado ng walang kasalanan ang tao ay kailangang sundin ang mga utos ng Diyos at magsikap na mamuhay sa isang matuwid na buhay. Kung ang isang tao ay nahulog sa kasalanan, ang kailangan lamang ay taimtim na pagsisisi. Kapag nagsisi ang isang tao, pinapawi ng Diyos ang kasalanan na para bang hindi ito nagawa.

Itinuturo ng mga saksi ni Jehova na walang kaluluwa na mananatili pagkatapos ng kamatayan at babalik si Hesus upang buhayin ang mga patay, ibabalik ang kaluluwa at katawan. Ang mga hinusgahan na matuwid ay bibigyan ng buhay na walang hanggan sa mundo (na magiging isang paraiso). Ang mga hinusgahan na di-matuwid ay hindi mahihirapan, ngunit mamamatay at titigil sa pag-iral. Ano ba talaga ang sinasabi ng Islam tungkol dito?

Ayon sa Islam, ang buhay ay magpapatuloy sa libingan pagkatapos malibing ang katawan. Ang kaluluwa ng isang matapat na tao, ay madaling natatanggal mula sa katawan, binibihisan ng isang makalangit at may masarap na amoy na damit at dinadala sa pitong kalangitan. Ang kaluluwa ay ganap na ibabalik sa libingan, at isang pintuan sa Paraiso ang bubuksan para sa tao, at ang simoy nito ay lalapit sa kanya, at maaamoy niya ang halimuyak nito. Bibigyan siya ng magagandang balita ng Paraiso at masasabik siyang magsimula ang Oras. Ang kaluluwa ng taong hindi naniniwala, sa kabilang banda, ay tinatanggal mula sa katawan nito na may matinding pakikibaka ngunit sa huli ay ganap na ibabalik din sa katawan. Ang tao ay pahihirapan sa libingan hanggang magsimula ang Oras.

“At ang pagtimbang sa araw na iyon (Araw ng Muling Pagkabuhay) ay magiging tunay na pagtimbang. Kaya para sa mga ang timbangan (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ay magiging matagumpay sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso. At tungkol sa mga magaan ang timbang, sila ay yaong mawawala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno.” (Quran 7:8-9)

Para sa kanilang karangalan ang JW ay iniiwasan ang mga pag-uugali na hindi gusto ng Diyos, kasama na ang pagdiriwang ng mga kaarawan at mga kapistahan na nagmula sa mga maling relihiyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi ipinagdiriwang ang kanilang sariling kaarawan, sapagkat ito ay itinuturing na isang pagluwalhati ng isang tao kaysa sa Lumikha. Ang mga pahayag na ito ay tiyak na sumasalamin sa paniniwala ng Islam. Gayunpaman, dahil sa ang pangunahing konsepto ng JW sa Kaisahan ng Diyos ay mali ang kanilang moral na pag-uugali at pagpapahalaga ay walang gaanong halaga. Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos ang tungkol sa mga pinakamalaking kawalan sa Araw ng Paghuhukom.

“Sasabihin ba namin sa iyo ang pinakatalunan tungkol sa (kanilang) gawa? (sila) na ang kanilang mga pagsisikap ay nasayang sa buhay na ito habang inaakala nila na nagkakamit sila ng mabuti sa kanilang mga gawa. Sila yaong mga tumatanggi sa mga patunay, katibayan, talata, aralin, palatandaan, paghahayag, atbp ng kanilang Panginoon at ang Pakikipagharap sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, hindi tayo magtatalaga ng timbangan para sa kanila.” (Quran 18: 103-105)

Ayon sa napag-alaman natin na kahit sa unang tingin ang mga Saksi ni Jehova ay tila may isang sistema ng paniniwala na tumutugma sa paniniwala ng Islam, ito ay malayo sa katotohanan. Ang maingat na pagsasaalang-alang ay nagpapakita ng mga kakulangan at pagkakamali sa kanilang pangunahing mga teyoriya. Lumilitaw na ang mga Saksi ni Jehova ay may kaunting pagkakatulad sa alinman sa Islam o Kristiyanismo. Ang kanilang mga teorya ng Langit at Impiyerno, ang Pagiging isa ng Diyos, ang Trinidad at paglikha ng Sanlibutan ay hindi katanggap-tanggap sa mga Muslim at lumilitaw na hindi rin sila katanggap-tanggap sa karamihan ng mga denominasyong Kristiyano.



Mga talababa:

[1](http://www.beliefnet.com/Faiths/2001/06/What-Jehovahs-Witnesses-Believe.aspx)

[2] (http://www.watchtower.org/e/ti/article_05.htm)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat