Islamikong mga Pinagkukunan: Quran at Sunnah (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang relihiyong Islam ay batay sa Quran (ang Salita ng Diyos) at sa Sunnah (mga turo at katangian ng Propeta Muhammad [sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala]). 1 bahagi: Quran: Ang Pangunahing Pinagkukunan ng Islam.

  • Ni islaam.net
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 23 Jun 2014
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 7,128
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Islamic-Sources-Part-1.jpg Ang sukdulang pagpapakita ng biyaya ng Diyos para sa tao, ang sukdulang karunungan, at ang sukdulang kagandahan ng pamamahayag: sa madaling salita, ang salita ng Diyos. Ganito inilarawan ng pantas na Aleman na si Muhammad Asad ang Quran. Kung may isang tatanungin sa sinumang Muslim na ilarawan ito, malamang na ilalahad niya ang katulad na mga salita. Ang Quran, para sa Muslim, ay hindi mapapabulaanan, hindi mapapantayang Salita ng Diyos. Inihayag ito ng Diyos na Makapangyarihan para sa lahat, sa pamamagitan ng kapamaraanan ng Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Ang Propeta mismo ay walang ginampanan sa pag-akda sa Quran, siya ay isang Sugo lamang, na inuulit ang idinidikta ng Banal na Tagapaglikha:

“Siya (Muhammad) ay hindi nagsasalita mula sa kanyang sariling pagnanasa (tungkol sa relihiyon). Ito ay walang iba kundi isang inspirasyon lamang na ibinaba sa kanya.” (Quran 53:3-4)

Ang Quran ay ipinahayag sa Arabe, kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Ito ay binuo sa isang istilong kakaiba, na hindi ito maaaring maituring alinman sa mga tula o prosa, ngunit paanuman ay paghahalo ng dalawa. Ang Quran ay walang kapantay; hindi ito maaaring gayahin o kopyahin, at ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay hinamon ang sangkatauhan na maglabas ng ganitong pagsisikap kung sa kanyang palagay ay makakaya niya:

“O sila ba ay nagsasabing kinatha niya (Muhammad) lamang ito? Sabihin: Magdala kung gayon, ng isang kabanata na katulad nito, at inyong tawagin (sa inyo ay tutulong) ang sinumang maaari, bukod sa Diyos, kung tunay nga na kayo ay makatotohanan.” (Quran 10:38)

Ang wika ng Quran ay tunay na kahanga-hanga, ang pagbigkas nitong nakakaantig, tulad ng sinabi ng isang di-Muslim na pantas, "ito ay tulad ng indayog ng tibok ng aking puso". Dahil sa natatanging estilo ng wika, ang Quran ay hindi lamang lubos na nababasa, kundi madali rin baga itong tandaan. Ang huli nitong aspeto ay gumanap ng mahalagang papel hindi lamang sa pag-iingat ng Quran, kundi sa espirituwal na buhay din ng mga Muslim. Ang Diyos mismo ang nagpahayag,

“At katiyakan, Aming ginawang madali ang Quran na maunawaan at matandaan; magkagayon ay mayroon bang sinumang makatatanggap ng babala?" (Quran 54:17)

Ang isa sa pinakamahalagang katangian ng Quran ay nananatili ito ngayon, na tanging banal na aklat na hindi nabago; nanatili itong malaya mula sa anumang uri ng mga pagdaragdag. Nabanggit ni Sir William Muir, "Marahil sa mundo ay walang ibang aklat na nanatili ng (labing-apat) na siglo na may napakawagas na teksto." Ang Quran ay isinulat habang nasa pag-iral at sa ilalim ng pangangasiwa ng Propeta, na siya mismo ay hindi nakapag-aral. Sa gayon ang pagiging tunay nito ay walang bahid, at ang pangangalaga nito ay nakikita bilang katuparan sa pangako ng Diyos:

“Katotohanan, Kami ang nagpahayag ng Mensahe at katotohanan, Kami ang magiging Tagapagbantay nito laban sa anumang katiwalian..” (Quran 15:9)

Ang Quran ay isang aklat na nagbibigay sa tao ng espirituwal at intelektuwal na pangangalaga na kanyang inaasam. Kabilang sa mga pangunahing tema nito ay kinabibilangan ng kaisahan ng Diyos, ang layunin ng pag-iral ng tao, pananampalataya at kamalayan sa Diyos, ang Kabilang-buhay at ang kabuluhan nito. Ang Quran ay nagbibigay din ng mabigat na diin sa kadahilanan at pang-unawa. Sa mga sulok na ito ng pang-unawa ng tao, ang Quran ay lampas pa sa pagiging kasiya-siya sa katalinuhan ng tao; ito ay nagdudulot sa isang taong magnilay-nilay. Hindi tulad ng ibang mga banal na kasulatan, mayroong mga Quranikong hamon at propesiya. Ito ay punong-puno din ng mga katotohanan na kamakailan lamang natuklasan; Ang isa sa mga pinaka kapana-panabik na larangan sa mga nagdaang taon ay ang pagkakatuklas ng makabuluhang bilang ng siyentipikong impormasyon sa Quran, kasama na ang kaganapan ng Big Bang, embriyolohikal na datos, at iba pang impormasyon tungkol sa astronomiya biyolohiya, atbp., wala ni isang pahayag na hindi napatunayan ng mga makabagong tuklas. Sa madaling sabi, ang Quran ay nagbibigay katuparan sa puso, kaluluwa, at sa isip. Marahil ang pinakamahusay na paglalarawan ng Quran ay ang ibinigay ni Ali, ang pinsan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) nang ipinaliwanag niya ito bilang,

“Ang Aklat ng Diyos. Nakapaloob dito ang talaan ng kung ano ang nauna sa iyo, ang paghuhukom kung ano ang nasa pagitan ninyo, at ang mga propesiya tungkol sa anumang darating pagkatapos mo. Ito ay mapagpasya, hindi isang bagay para sa pagbibiro. Ang sinumang mapang-api at bumale-wala sa Quran ay wawasakin ng Diyos. Ang sinumang humanap ng patnubay mula sa iba kaysa dito ay maliligaw. Ang Quran ay ang hindi mapapatid na bigkis ng ugnayan sa Diyos; ito ay ang paalalang puno ng karunungan at ang tuwid na landas. Ang Quran ay hindi magagawang maliin ng mga dila; ni maililihis sa mga pagbugso ng damdamin. Hindi ito kailanman magiging nakababagot mula sa paulit-ulit na pag-aaral; ang mga pantas ay palaging nagnanais ng higit pa rito. Ang mga kababalaghan ng Quran ay walang katapusan. Ang sinumang magsasalita mula dito ay magsasalita ng katotohanan, ang sinumang mamahala mula dito ay magiging makatarungan, at sinumang humawak ng mahigpit dito ay magagabayan sa tuwid na landas." (Al-Tirmidhi)

Mahina Pinakamagaling

Islamikong mga Pinagkukunan: Quran at Sunnah (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang relihiyong Islam ay batay sa Quran (ang Salita ng Diyos) at sa Sunnah (mga turo at katangian ni Propeta Muhammad [sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala0]). 2 bahagi: Sunnah: Ang Pangalawang Pinagkukunan ng Islam.

  • Ni islaam.net
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 19 Feb 2012
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 6,632
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Sunnah

Ang salitang Sunnah ay nagmula sa salitang ugat na sanna, na nangangahulugang magbigay daan o gumawa ng landas na madaling daanan, upang maging isang karaniwang sinusunod na paraan ng lahat pagkatapos. Kaya ang Sunnah ay maaaring magamit upang ilarawan ang isang daan o kalsada o landas kung saan naglalakbay ang mga tao, hayop, at mga sasakyan. Bilang karagdagan, maaari itong iugnay sa isang propetikong paraan, sa madaling sabi, ang batas na kanilang dinala at itinuro bilang paliwanag o karagdagang paglilinaw ng isang banal na ipinahayag na aklat. Karaniwan, ang propetikong paraan ay kinabibilangan ng mga sanggunian sa kanyang mga salawikain, kilos, pisikal na mga tampok at katangian ng pagkatao.

Mula sa Islamikong pinaninindigan, ang Sunnah ay tumutukoy sa anumang isinalaysay o may kaugnayan tungkol kay Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, na tunay na nasubaybayan sa kanya tungkol sa kanyang pananalita, mga kilos, ugali, at tahimik na pagpapahintulot.

Ang bawat pagsasalaysay ay binubuo ng dalawang bahagi: ang isnad at ang matn. Ang isnad ay tumutukoy sa isang kawin ng mga taong nagsalaysay ng isang partikular na salaysay. Ang matn ay ang mismong teksto ng salaysay. Ang isnad ay dapat na binubuo ng matutuwid at matatapat na mga indibidwal na ang integridad ay hindi mapag-aalinlangan.

Ang Pananalita ng Propeta Muhammad

Ang pananalita ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay tumutukoy sa kanyang mga sinabi. Halimbawa, kanyang sinabi:

“Ang mga gawain ay hinuhusgahan sa layunin nito; ang bawat isa ay gagantimpalaan ayon sa kani-kanilang layunin. Kaya't ang sinumang lumikas para sa kapakanan ng Diyos at sa Kanyang Propeta magkagayon ang kanyang paglikas ay ituturing bilang isang paglikas para sa kapakanan ng Diyos at Kanyang Propeta. Sa kabaligtaran, ang isang lumikas lamang upang makakuha ng isang bagay na makamundo o magpapakasal sa isang babae, magkayon ang kanyang paglikas ay magiging katumbas ng kanyang hinangad.” (Saheeh Al-Bukhari)

Ang Propeta din ay nagsabi:

“Sinumang maniwala sa Diyos at sa Huling Araw, ay dapat magsalita ng mabuti o manatiling tahimik.”

Ang dalawang ulat sa itaas ay malinaw na ipinakita na ang Propeta ay sinabi ang mga salitang ito. Dahil dito, ang mga ito ay kilala bilang kanyang pananalita.

Ang mga Gawain ng Propeta Muhammad

Ang kanyang mga kilos ay nauugnay sa anumang ginawa niya, tulad ng tunay na iniulat ng Sahabah (mga Kasamahan). Halimbawa, si Hudhayfah ay nag-ulat na tuwing ang Propeta ay bumabangon sa gabi, nililinis niya ang kanyang mga ngipin gamit ang sangang pang-ngipin (siwak). Gayundin si Aishah ay nag-ulat na ang Propeta ay nais gawin o simulan ang lahat na mula sa kanang bahagi - ang pagsusuot ng sapatos, paglalakad, paglilinis ng kanyang sarili, at sa lahat ng kanyang mga gawain sa pangkalahatan.

Ang Tahimik na Pagsang-ayon ng Propeta Muhammad

Ang kanyang tahimik na pagsang-ayon sa iba't ibang mga usapin ay nangangahulugang hindi siya tumutol o nag-alala kung ano ang kanyang nakita, narinig o nalaman sa mga ginawa o sinabi ng kanyang mga Kasamahan. Halimbawa, sa isang pagkakataon, ang Propeta ay nalaman ang ginawa ng ilan sa kanyang mga Kasamahan mula sa iba pang mga Kasamahan. Di nagtagal pagkatapos ng labanan ng Khandaq, ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagbigay ng utos sa mga Kasamahan na bilisan ang pagpunta sa tribu ng Banu Quraydah, hinikayat silang magmadali upang marahil ay makapagdasal sila ng Asr (ang dasal na pang-hapon) doon. Ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta ay tumugon kaagad at umalis nang hindi nagdasal ng Asr. Dumating sila pagkatapos ng paglubog ng araw, nagtayo ng kampo at nagdasal ng Asr pagkatapos ng paglubog ng araw. Kasabay nito, may isa pang pangkat ng mga Kasamahan ang bumuo ng kanilang naiibang paghatol. Inisip nila na ang Propeta ay naghihikayat lamang sa kanila na magmadali sa kanilang patutunguhan, sa halip na ipagpaliban ang Asr hanggang matapos ang paglubog ng araw. Dahil dito, nagpasya silang manatili sa Madinah hanggang sa sila ay nakapagdasal ng Asr. Kaagad pagkatapos, sila ay nagmadali patungo sa tribo ng Banu Quraydhah. Nang ang Propeta ay sinabihan kung paano tumugon nang magkaiba ang bawat pangkat sa kanyang anunsyo, sinang-ayunan niya ang parehong mga paghatol.

Ang Pisikal at Moral na mga Pag-uugali ng Propeta Muhammad

Lahat ng tunay na isinalaysay tungkol sa kutis ng Propeta at ang nalalabi sa kanyang mga pisikal na anyo ay kabilang rin sa kahulugan ng Sunnah. Si Umm Ma'bad ay inilarawan ang kanyang nakita tungkol sa dakilang Propeta. Kanyang sinabi:

“Nakita ko ang isang tao, ang kanyang mukha ay nagniningning na may maliwanag na kinang, hindi gaanong payat o gaanong mataba, matikas at makisig. Ang kanyang mga mata ay may matingkad na itim na kulay na may malalantik na mga pilik-mata. Ang kanyang tinig ay kaaya-aya at ang kanyang leeg ay mahaba. May makapal siyang balbas. Ang kanyang mahabang itim na kilay ay maganda ang pagkaka-arko at magkarugtong. Sa katahimikan, nananatili siyang marangal, na nag-uutos ng labis na pitagan at paggalang. Kapag siya ay nagsalita, ang kanyang pananalita ay mahusay. Sa lahat ng mga tao siya ang pinakamakisig at pinaka-kaaya-aya, kahit na papalapait mula sa malayo. Sa pagkatao, siya ay natatangi at pinaka-kahanga-hanga. Biniyayaan ng may matuwid na katwiran, ang kanyang pananalita ay mahinahon. Ang kanyang lohikal na mga pangangatwiran ay napaka-ayos na para bang ang mga ito ay isang kuwintas ng mga hiyas. Hindi siya gaanong matangkad o gaanong mababa, ngunit ganap na nasa pagitan. Sa tatlo, siya ang itinuturing na pinaka-maningning at pinaka-masigla. May mga kasamahan siyang magiliw na gumagalang sa kanya. Kapag siya ay nagsasalita, nakikinig sila sa kanyang mabuti. Kapag siya ay nag-uutos, mabilis nilang sinusunod ito. Nagtitipon sila sa paligid niya na nagbabantay sa kanya. Hindi siya kailanman sumimangot o nagsasalita nang walang saysay. " (Hakim)

Kasama sa kanyang mga pisikal na anyo, ang kanyang mga kasamahan ay inilarawan din ang kanyang mga gawi at pag-uugali sa mga tao. Minsan si Anas ay nag-ulat:

“Pinagsilbihan ko ang Propeta ni Allah, sumakanya ang kapayapaan, sa loob ng sampung taon. Sa mga panahong yaon, siya ay hndi kailanman o ni minsan nagsabi sa akin ng katumbas ng 'Oof' kung may nagagawa akong mali. Kailanman ay hindi nagtanong sa akin, kung hindi ko nagawa ang isang bagay, 'Bakit hindi mo nagawa?,' at hindi kailanman nagsabi sa akin, kung may nagawa akong bagay na mali, 'Bakit mo ito ginawa?’”

Mula sa itaas ay malinaw nating nakita na kapag ang salitang Sunnah ay lumilitaw sa isang pangkalahatang konteksto na tumutukoy sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ito ay binubuo ang anumang isinalaysay tungkol sa Propeta at tunay na nasubaybayan sa kanya. Kapag napag-alaman ng isang Muslim ang pagiging tunay ng anumang pagsasalaysay, siya ay obligadong sundin at tuparin ito nang naaayon. Ang ganitong pagsunod ay ipinag-uutos ng Diyos tulad ng Kanyang sinabi:

“...at sundin ang Diyos at ang Kanyang Propeta at huwag tumalikod kapag narinig mo (siyang nagsasalita).” (Quran 8:20)

May mga pagkakataon, na ang ilang mga Muslim ay naguguluhan kapag sinabi ng mga tao na ang Sunnah ay isang bagay lamang na iminumungkahi at hindi sapilitan. Kung kaya kanilang pinagtitibay na kinakailangan lamang nating sundin ang Quran at hindi ang Sunnah. Ang ganitong argumento ay nagbubunga ng isang malaking hindi pagkakaunawaan. Ang mga pantas ng Islamikong batas ay gumagamit ng salitang Sunnah upang ipahiwatig kung ano ang tunay na itinatag ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa mga gawa na hindi sapilitang ipinag-uutos ng Diyos.

Pinanghahawakan pa din nila na ito ay kinabibilangan ng anumang salawikain ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung saan kanyang hinihikayat ang mga Muslim na gumawa ng isang partikular na gawain at purihin silang naninindigan sa ganitong mga katangian. Kung kaya sa kanila, ang salitang Sunnah ay tumutukoy sa kung ano ang "iminumungkahi" at hindi sapilitan (fard o wajib).

Mula sa itaas, ay malinaw nating nakita na ang salitang Sunnah ay nagiging iba't iba ang mga kahulugan kapag ginagamit ng iba't ibang mga Islamikong pagdidisiplina.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat