Ateismo (bahagi 1 ng 2): Pagtanggi sa Hindi Maitatangi

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Bagaman maaaring ikaila ng isang tao ang pag-iral ng Diyos, sa kailaliman ng kanilang mga puso, ito ay isang katotohanan na hindi nila maitatanggi.

  • Ni Laurence B. Brown, MD
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 31 Oct 2024
  • Nag-print: 6
  • Tumingin: 6,343 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

“Ang pinakamalaking trahedya sa buhay ay ang mawalan ng Diyos at hindi mangulila sa Kanya.”

--F.W. Norwood

Atheism_(part_1_of_2)_001.jpg Maaaring igiit ng mga Ateista na hindi nila kinikilala ang pag-iral ng Diyos, subalit ang pananaw ng ilang mga Kristiyano at lahat ng mga Muslim na kahit na ang mga kumpirmadong Ateista ay nagpapatotoo sa presensya ng Diyos. Ang likas ngunit napapabayaang kamalayan sa Diyos ay karaniwang lumilitaw lamang sa kamalayan ng Ateista sa mga oras ng matinding presyon, tulad ng ipinakitang-halimbawa sa sipi ng pangalawang Digmaang Pandaigdig “Walang mga Ateyista sa lungga ng soro.”[1]

Hindi maikakaila na may mga pagkakataon -- maging sa panahon ng mga araw ng paghihirap sa matagal ng karamdaman, ang tila walang hanggang mga sandali ng bayolente at mapanghamak na karahasan, o ang isang kisap-matang paghihintay sa kahihinatnan ng isang paparating na aksidente -- na nakikilala ng sangkatauhan ang katotohanan sa kahinaan ng tao at ang kawalan ng kontrol ng tao sa kapalaran. Sino ang hinihingan ng tulong ng tao sa mga gayong pangyayari maliban sa Tagapaglikha? Ang ganitong mga sandali ng kawalan ng pag-asa ay dapat na magpaalala sa bawat tao, mula sa relihiyosong iskolar hanggang sa nag-aangking Atiesta, na ang pag-asa ng sangkatauhan sa katotohanan ay mas higit kaysa sa ating maliliit na mga katawan. Isang katotohanang higit na dakila sa kaalaman, kapangyarihan, kalooban, kamahalan at kaluwalhatian.

Sa ganitong mga sandali ng kagipitan, kapag ang lahat ng mga pagsisikap ng tao ay nabigo at walang bakas ng materyal na pag-iral na nakikini-kinita upang magbigay ginhawa o tulong, Sino pa ang likas na tatawagin ng tao? Sa ganitong mga sandali ng pagsubok, gaano karaming namimighating panawagan ang dinudulog sa Diyos? na kumpleto sa mga pangako ng panghabang buhay na katapatan? Gayunpaman, iilan lamang ang tumutupad?

Walang pag-aalinlangan, ang araw ng pinakamatinding pagdurusa ay sa Araw ng Paghuhukom, at ang isang tao ay magiging misirable na malagay sa posisyon ng pagkilala sa pag-iral ng Diyos sa unang pagkakataon sa araw na iyon. Ang makatang Ingles, na si Elizabeth Barrett Browning, ay nagsalita tungkol sa kabalintunaan ng namimighating panawagan ng tao sa The Cry of the Human:

“At ang mga labi ay magsasabi "Diyos ko maawa ka,”

Yaong hindi kailan man nagsabi, “Purihin ang Diyos.”

Ang nag-iisip na Atiesta, na puno ng pag-aalinlangan subalit natatakot sa posibilidad ng pagkakaroon ng Diyos at Araw ng Paghuhukom, ay maaaring nais na isaalang-alang ang ‘panalangin ng mga nag-aalinlangan,’ tulad ng sumusunod:

“O Panginoon--kung mayroon mang isang Panginoon,

Iligtas mo ang aking kaluluwa--kung mayroon man akong kaluluwa.”[2]

Sa harap ng pag-aalinlangan na humahadlang sa paniniwala, paano magkakamali ang isang tao sa nabanggit na panalangin? Kung mananatili ang Ateista sa hindi paniniwala, sila ay mas magiging masahol pa kaysa sa dati; kung susundan ng isang taos-pusong paniniwala ang panawagan, si Thomas Jefferson ay may sumusunod na sinabi:

“Kung makakahanap ka ng dahilan upang maniwala na mayroong isang Diyos, isang kamalayan na ikaw ay kumikilos sa ilalim ng Kanyang paningin, at ikaw ay pinahihintulatan Niya, ito ay magiging isang labis na karagdagang pag-uudyok; na kung mayroong isang panghinaharap na estado, ang pag-asa sa isang masayang pag-iral ay nakadadagdag ng paghahangad na maging karapat-dapat dito…"[3]

Maaaring magbigay ng mungkahi na kung ang isang indibiduwal ay hindi nakikita ang katibayan ng Diyos sa kadakilaan ng Kanyang mga nilikha, sila ay pinapayuhan na muling magmasid. Tulad ng nabanggit sa komento ni Francis Bacon, “Mas pipiliin kong maniwala sa lahat ng mga pabula sa mga aIamat, at sa Talmud, at sa alcoran (ibig sabihin ang Quran), kaysa na itong pangkalahatang balangkas ng sansinukob ay walang nasa likod na utak na Tagapaglikha."[4] Siya ay patuloy na nagkomento, “Ang Diyos ay hindi kailanman gumawa ng himala upang kumbinsihin ang atiesmo, dahil ang Kanyang mga ordinaryong gawa ay kapani-paniwala.”[5] Karapat-dapat pag-isipan ang katotohanan na kahit ang pinakamababang elemento ng nilikha ng Diyos, bagaman marahil ay ordinaryong gawa sa Kanyang termino, ay mga himala para sa atin. Ipagpalagay ang halimbawa ng napakaliit na hayop tulad ng gagamba. May tunay bang naniniwala na ang ganoon kasalimuot na pambihirang nilalang ay nabuo mula sa primordial soup? (isang solusyong matatagpuan sa kailaliman ng sinaunang karagatan na sinasabing pinagmulan ng lahat ng buhay) Isa lamang mula sa maliit na milagrong ito ay maaaring makagawa ng hanggang sa pitong magkakaibang uri ng sutla, ang ilan ay manipis na kasing nipis ng alonghaba ng nakikitang liwanag, subalit mas matibay pa kaysa sa bakal. Ang mga sutla ay iba-iba mula sa nababanat, malagkit na mga hibla para sa panghuhuli hanggang sa mga hindi malagkit na mga panghila at ang binalangkas na mga hibla, ang sutla na para sa pambalot sa biktima, ang materyal sa paggawa ng egg sac (lagayan ng mga itlog ng gagamba), atbp. Ang gagamba ay maaaring makagawa, kung kinakailangan, hindi lamang ng pinili nito sa pitong mga sutla, kundi sa muling pagsipsip, pagsira at muling pagbuo -- sariling paggamit muli mula sa sangkap ng mga elemento. At ito ay isa lamang maliit na aspeto ng himala ng gagamba.

Gayunpaman, itinataas ng sangkatauhan ang kanyang sarili sa tugatog ng kayabangan. Ang pagninilay-nilay sandali ay nararapat na magtulak sa puso ng tao patungo sa pagpapakumbaba. Tumingin sa isang gusali at ang maiisip ng tao ay ang arkitekto, sa isang iskultura at agad na mauunawaan ng tao ang pintor. Subalit suriin ang mga elaganteng detalye ng paglikha, mula sa pagiging kumplikado at balanse ng nuclear particle physics hanggang sa hindi maitagong laki ng kalawakan, at ang tao ay walang…nauunawaan? Napapalibutan ng mundo ng komplikadong magkakaparehong mga pangyayari o umiiral, tayo bilang mga tao ay walang kakayahan kahit na sa pagbuo ng pakpak ng isang langaw o lamok. Subalit ang buong Mundo at ang lahat ng Sansinukob ay umiiral sa isang estado na perpektong pinangangasiwaan bilang produkto ng nagkataong mga aksidente na humubog sa magulong kosmiko patungo sa balanseng kasakdalan o kaperpektuhan? Ang ilan ay bumoto sa nagkataon, ang iba, paglikha.


Mga talababa:

[1] N.Y. Times. 13 Apr 1944. Cummings: Sermon on Bataan, The Philippines.

[2] Renan, Joseph E. Prayer of a Skeptic.

[3] Parke, David B. p. 67.

[4] Bacon, Francis. Atheism. p. 16.

[5] Bacon, Francis. Atheism. p. 16.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat