Ang mga Pakinabang ng Pagpasok sa Islam (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Pagpapatuloy ng ating pagtalakay patungkol sa mga pakinabang ng pagbabalik-loob sa Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 10
- Tumingin: 11,624 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 117
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga pakinabang ng pagpasok sa Islam ay napakarami kung bibilangin, subalit napili lamang natin ang ilan na namumukod-tangi sa iba.
8. Ang pagpasok sa Islam ay sumasagot sa lahat ng MALALAKING tanong ng buhay.
Isa sa mga malaking pakinabang ng pagpasok sa Islam ay ang pag-angat nito sa makapal na ulap. Biglaan ang buhay, at ang lahat ng mga mabuti at masamang pangyayari nito ay nagiging mas malinaw, lahat ng ito ay mas nagkakaroon ng kabuluhan. Ang mga sagot sa mga malalaking katanungan na bumabagabag sa sangkatauhan nang libuntaon ay huwad na nailalahad. Sa anumang oras sa ating buhay, kapag tumayo tayo sa bangin, o sa sanga ng daan, itinatanong natin ang ating mga sarili – “Ito na ba, ito na ba talaga ang lahat na mayroon?” Bueno, hindi, hindi pa ito ang lahat. Sinasagot ng Islam ang mga katanungan at hinihiling sa atin na tumingin sa labas ng materyalismoat tingnan na ang buhay na ito ay maliit at pansamantalang pahingahan sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang Islam ay nagbibigay ng isang malinaw na hangarin at layunin sa buhay. Bilang isang Muslim, nagagawa nating makahanap ng mga kasagutan sa mga salita ng Diyos, ang Quran, at sa halimbawa ng Kanyang huling sugo na si Propeta Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha.
Ang pagiging Muslim ay nagpapahiwatig ng kumpletong pagpapasakop sa Lumikha at ang katotohanan na nilikha lamang tayo upang sumamba sa Diyos na Nag-iisa. Iyon ang dahilan na narito tayo, sa umiikot na planeta na ito sa tila walang hanggan na uniberso; upang sumamba sa Diyos at Diyos na Nag-iisa. Sa pagpasok sa Islam pinalalaya tayo mula sa nag-iisang potensyal na hindi mapapatawad na kasalanan, na kung saan ay ang magtambal sa Diyos sa pagsamba.
“At hindi Ko nilikha ang jinn at sangkatauhan maliban upang sila ay sumamba sa Akin.” (salin ng kahulugan ng Quran 51:56)
“O sangkatauhan, sambahin ninyo ang Allah; wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya.” (salin ng kahulugan ng Quran 7:59)
Gayunpaman, dapat sabihin, na ang Diyos ay hindi nangangailangan ng pagsamba ng tao. Kung wala ni isang tao ang sumamba sa Diyos, hindi ito makababawas sa Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan, at kung ang buong sangkatauhan ay sumamba sa Kanya, hindi nito madaragdagan ang Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan.[1] Tayo, na sangkatauhan, ay kailangan ang kapanatagan at seugridad ng pagsamba sa Diyos.
9. Ang pagpasok sa Islam ay nagbibigay-daan sa bawat aspeto ng buhay na maging gawaing pagsamba.
Ang relihiyon ng Islam ay ipinahayag para sa kapakinabangan ng buong sangkatauhan na iiral hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay isang kumpletong paraan ng pamamahala ng buhay, hindi isang bagay na isinasagawa lamang sa katapusan ng linggo o sa taunang mga kapistahan.Ang relasyon ng isang mananampalataya sa Diyos ay dalawampu't apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Hindi ito tumitigil at nagsisimula. Sa pamamagitan ng Kanyang walang katapusang habag, binigyan tayo ng Diyos ng isang malawak na pamamaraan sa buhay, isa na sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto, espirituwal, emosyonal at pisikal.Hindi Niya tayo iniwang mag-isa upang madapa sa kadiliman, sa halip ay binigay sa atin ng Diyos ang Quran, isang aklat ng patnubay. Binigay din Niya sa atin ang mga tunay na pamamaraan ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) na nagpapaliwanag at nagpapalawak sa patnubay ng Quran.
Kinukumpleto at binabalanse ng Islam ang ating pisikal at espirituwal na pangangailangan. Ang sistemang ito aydinisenyo ng Tagapaglikha para sa Kanyang nilikha, hindi lamang inaasahan ang isang mataas na pamantayan ng pag-uugali, moralidad at etikangunit pinapayagan din nito ang bawat gawain ng tao na maging pagsamba.Sa katunayan, ipinag-utos ng Diyos sa mga mananampalataya na ilaan ang kanilang buhay sa Kanya.
“Sabihin: 'Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking pag-aalay, ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.” (salin ng kahulugan ng Quran 6:162)
10. Ang pagpasok sa Islam ay nagsasaayos ng lahat ng mga relasyon.
Alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa Kanyang nilikha. Siya ay may kumpletong kaalaman sa pag-iisip ng tao.Dahil dito malinaw na tinukoy ng Islam ang mga karapatan at responsibilidad na mayroon tayo sa Diyos, sa ating mga magulang, asawa, mga anak, kamag-anak, kapitbahay, atbp.Nagdadala ito ng kaayusan mula sa kaguluhan, pagkakasundo mula sa pagkalito at pinapalitan ng kapayapaan ang alitan at away.Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa tao na harapin ang anuman at lahat ng sitwasyon nang may kumpiyansa.Ang Islam ay nakakapag-gabay sa atin sa lahat ng aspeto ng buhay, ispiritwal, politikal, pampamilya, pang-lipunan at pang-korporasyon.
Kapag natutupad natin ang ating obligasyon na parangalan at sundin ang Diyos, awtomatiko nating nakukuha ang lahat ng mga kaugalian at mataas na pamantayan ng moralidad na hinihingi ng Islam. Ang pagpasok sa Islam ay nangangahulugang pagsuko sa kalooban ng Diyos at nangangahulugan ito ng paggalang at pagrespeto sa mga karapatan ng tao, lahat ng may buhay na nilalang at maging ang kapaligiran. Dapat nating kilalanin ang Diyos at magsubmita sa Kanya upang makagawa ng mga pagpapasya na kalugod-lugod sa Kanya.
Bilang konklusyon, may isang pakinabang ng pagpasok sa Islam na ginagawang kasiya-siya bawat araw. Anumang kalagayan natatagpuan ng isang Muslim ang kanyang sarili, sila ay kampante sa kaalaman na walang nangyayari sa mundong ito nang walang pahintulot ng Diyos.Ang mga pagsubok, paglilitis at mga tagumpayay mabuting lahat at kung hinarap ito nang may kumpletong pagtitiwala sa Diyos, hahantong sila sa isang maligayang konklusyon at totoong kasiyahan. Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala), “Tunay na kamangha-mangha ang mga gawain ng isang mananampalataya! Lahat sila ay para sa kanyang pakinabang. Kung bibigyan siya ng kadalian ay nagpapasalamat siya, at ito ay mabuti para sa kanya. At kung siya ay pinagdudusa ng isang paghihirap, nagtitiyaga siya, at ito ay mabuti para sa kanya”.[2]
Mga Talababa:
[1] The Purpose of Creation by Dr Abu Ameena Bilal Phillips.
[2] Saheeh Muslim
Magdagdag ng komento