Si Martin Guevarra Abella, Dating Katoliko, Pilipinas
Paglalarawanˇ: Ang aking walang tigil na paghahanap para sa katotohanan.
- Ni Martin Guevarra Abella
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 12 Nov 2013
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,418 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ako si Martin Guevarra Abella. Ako ay ipinanganak sa Maynila, Pilipinas noong 1966 sa mga magulang na Katoliko. Nabinyagan ako bilang isang Katoliko noong ako ay dalawang linggong gulang! Ang aking pamilya ay bihirang makaligtaan ang Lingguhang misa at hindi kami kailanman nabigong sumunod sa iba't ibang mga Kristiyano, o di kaya'y “Katolikong” mga aktibidad tulad ng Pasko, Lahat ng Araw ng mga Santo, Semana Santa/Mahal na Araw, atbp. Nang mag-12 taon na ako, ako ay isang relihiyosong Katoliko. Dumadalo rin ako sa mga misa na nakatuon kay “Birheng Maria” sa Miyerkules at dinadasal ko ang “rosaryo” araw-araw.
Labis akong interesado sa relihiyon at binasa ang buong Bibliya ngunit hindi nito kailanman pinalakas ang aking Katolikong pananampalataya sa halip ay winasak lamang nito ang aking pananampalataya. Sinimulan kong tanungin ang mga nagsasagawa sa Katoliko ng pagsamba/pagdarasal sa mga larawang inukit at pagkakaroon ng isang Diyos na may tatlong katauhan? Ibig kong sabihin, paano nangyari ang 1=3? Kinuwestiyon ko ang iba't ibang mga sakramento ng Simbahang Katoliko tulad ng bautismo, pagkasal at misa, sapagkat ang lahat ay nagiging ganap sa kanilang nararapat na “bayad” Kahit na ang mga pagdarasal para sa patay at mga pagpapala para sa patay na may kasamang pagwiwisik ng “banal na tubig” ay hindi libre.
Bumaling ako sa aking mga malalayong kamag-anak na mga pari at madre at tinatanong ko sila tungkol sa mga bagay na ito tuwing may pagkakataon ako. Hindi nila masagot ang aking mga katanungan at nakikita ko sa kanilang mga mata na binabale-wala lamang nila ako bilang isang “Katolikong umaawit ng ibang himig, isang tinik sa gilid ng isang naitatag na kautusan.”
Kinuwestiyon ko ang doktrina ng limbo patungkol sa katayuan ng mga hindi nabinyagang sanggol/indibidwal na namatay nang hindi napalaya mula sa “Orihinal na Kasalanan” (tulad ng paniniwala ng mga Katoliko). Ang mga tauhang Pangmedikal ay maaaring magbautismo sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon (malapit ng mamatay) at ito ay pinaniniwalaang sapat na kung ang pasyente/indibidwal ay namatay. Ngunit kapag ang pasyente ay nakaligtas, kailangan pa rin niyang pumunta sa isang pari upang magpabinyag! Ngayon ito ay hindi makabuluhan, paano ito naisasaalang-alang sa isang pagkakataon bilang, ‘sapat’ at sa iba ay hindi sapat?
Ang mga kamag-anak ng patay na mayayaman ay maaaring maghandog ng walang limitasyong misa upang maalis ang mga kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay sa “Purgatoryo” (isang imbensyon ng Simbahang Katoliko) siyempre para sa isang malaking bayad, muli, ibinabayad sa Simbahan. Ginagawa nitong posible para sa mayayaman na bumili ng kanyang daan patungo sa “Langit” habang ang mga “mahihirap” na kaluluwa na hindi kayang bayaran ng mga kamag-anak, ay siguradong mabubulok sa purgatoryo o mas masama pa, dumiretso sa Impiyerno. Kahit na ang pagpapatug-tog ng mga kampana ng simbahan upang ipahayag ang pagkamatay ng isang tao sa komunidad ay may kaugnayang bayad.
Nang magpakasal ako sa edad na 21 at may sariling pamilya na, tumigil ako sa pagiging isang katoliko. Huminto ako sa pagdalo ng mga misa. Sinimulan ko ang aking paghahanap para sa tunay na relihiyon dahil hindi na ako naniniwala sa paniniwala ng Katoliko. Ito ang nagtulak sa akin upang pag-aralan ang pananampalataya ng mga nagpapanggap na mga Protestanteng Kristiyano - yaong naniniwala na ang pagtanggap lamang kay Hesus bilang iyong personal na Tagapagligtas ay magdadala sa iyo sa kaligtasan. Naniniwala ang mga Protestante na ang “pananampalataya lamang” ang kinakailangan para sa kaligtasan. Para sa akin ito ay kakaiba. Paumanhin, ngunit naisip ko na ito ay maaaring relihiyon ng mga “tamad” na gumawa ng mabubuting gawain para sa ikalulugod ng Diyos!
Pagkatapos ay pinag-aralan ko ang Bibliya ng mga Saksi ni Jehova na iginigiit na ang pangalan ng Diyos ay Jehovah, sa kabila ng pag-amin sa kanilang sarili na Yahweh ang dapat na mas tamang pangalan ng Diyos sa kadahilanang walang mga patinig sa wikang Hebreo!
Naging miyembro din ako ng Iglesia Ni Kristo (INC).[1] Muli, marami akong mga katanungan tungkol sa kanilang mga ginagawa sa loob ng INC na naging dahilan upang ipagpatuloy ko pa ang aking paghahanap sa tunay na relihiyon.
Ito ay sa panahon ng aking pagtatrabaho sa isla ng Mindanao sa loob ng dalawang taon, partikular, sa Lungsod ng Cotabato noong huling bahagi ng 1980s nang una akong nakipag-ugnay sa Islam; bagaman, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong pag-aralan ang Islam, ang pagkakalantad na ito ang nagtulak sa akin sa Islam.
Nakikita ng mga Kristiyano ang ating mga kapatid na Muslim bilang mga manggugulo, teroristang maraming asawa, mga mamamatay tao, mangingidnap, mangangalakal ng droga, suicide bomber tulad nito mayroon talagang kilalang kasabihan na “Ang mabuting Muslim ay isang patay na Muslim” Ang pagiging isang Muslim sa yugtong ito ng aking buhay ay ang huling bagay sa aking isipan, sapagkat naniniwala ako na dapat mayroong tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at tao (dahil sa dalawang dekada kong pakikibaka sa Kristiyanismo) at ang relihiyon ay hindi dapat magsulong ng karahasan (kahit na alam ko rin ang kasaysayan ng Katolikong ingkisisyon).
Sa lahat lahat, tumagal ako ng higit sa dalawang dekada o 23 taon upang maging eksakto, nang tumigil ako sa paggamit ng Bibliya bilang pamantayang sukatan ng itinuturing kong dapat na tunay na relihiyon. Sinimulan kong basahin ang Banal Quran at gumawa ako ng hindi mabilang na mga paghahanap sa web upang mapawi ang aking pagkamausisa. Ang pinakamalalim na mga katanungan sa aking isipan ay sinagot nang paisa-isa nang malaman ko ang site na ito, IslamReligion.com. May maraming mga kapaki-pakinabang na mga artikulo na madaling marating para sa isang naghahanap ng katotohanan. Ang isang naghahanap ng katotohanan ay dapat na maging maingat kapag naghahanap sa online, may maraming mga site ang nagpapalaganap ng mga kasinungalingan, binabaliktad ang katotohanan o sinusubukang lumihis mula sa mga turo ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Sa awa ng Diyos, nabuksan ang aking mga mata. Ang aking sigasig na maghanap para sa katotohanan ay lalong nagising. Napagtanto ko ang isang napakahalagang aral, hindi lahat ng Muslim ay itinataguyod ang Islam nang tama; kaya hindi makatarungan na hatulan ang Islam batay sa ginagawa ng mga Muslim.
Natutunan ko na ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan at ang karahasan na iyan ay malayo mula sa isipan ng isang tunay na Muslim. Natutunan ko ang anim na haligi ng pananampalataya at ang pangunahing paniniwala at gawain sa Islam. Ako ay may lakas na ng loob na sabihin ang Shahada (Ang Deklarasyon ng Pananampalataya) at pumasok sa bakod ng Islam.
Ang buhay ay hindi lamang upang ipanganak, upang pag-aralan ang makamundong kaalaman sa ilang unibersidad, kumita ng pera upang gastusin para sa mga pangangailangan ng isang tao, at pagkatapos ay katandaan, sakit at kalaunan ay kamatayan. Sapagkat kung ito ang kahulugan ng buhay, kung gayon ang buhay ay tunay na magiging miserable dahil “kahit na manalo ka sa paramihan ng kayamanan, mananatili ka pa ring isang miserableng daga.”
Kung walang pagyakap sa Islam at paggugol ng buhay ng isang tao nang wagas para sa pagkalugod ng Diyos ang buhay ay mananatiling walang kabuluhan at puno ng mga kaguluhan.
Magdagdag ng komento