Si Yvonne Ridley, Mamamahayag, UK
Paglalarawanˇ: Isang dating mamamahayag na nakulong sa Taliban Afghanistan, ipinaliwanag ni Yvonne Ridley sa BBC ang kanyang karanasan sa Islam at kung ano ang nagpabago sa kanya (maging Muslim).
- Ni Hannah Bayman
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 11 Dec 2006
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,780 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kung ikaw ay iniimbestigahan ng Taliban bilang isang pinaghihinalaang espiya ng US, maaaring mahirap isipin ang isang maligayang pagtatapos.
Ngunit para sa mamamahayag na si Yvonne Ridley, ang mahigpit na pagsubok sa Afghanistan ang nagdala sa kanya na magbalilk-loob sa Islam sa isang relihiyon na sinasabi niya na "ang pinakamalaki at pinakamahusay na pamilya sa buong mundo”.
Ang dating malakas uminom na Guro tuwing Linggo sa paaralan ay naging isang Muslim matapos basahin ang Koran sa kanyang paglaya.
Inilalarawan niya ang radikal na Imam na si Abu Hamza al-Masri bilang "medyo kamahal-mahal" at sinabi na ang Taliban ay nagdusa sa hindi patas na press.
Nagtatrabaho bilang isang tagapagbalita para sa Sunday Express noong Setyembre 2001, si Ridley ay ipinuslit mula sa Pakistan patawid sa marhen ng Afghanistan.
Ngunit ang kanyang takip ay natanggal nang bumagsak siya sa kanyang asno sa harap ng isang sundalo ng Taliban na malapit sa Jalalabad, na naglantad ng isang ipinagbabawal na kamera sa ilalim ng kanyang mga kasuutan.
Ang una niyang naisip habang ang galit na galit na binata ay tumatakbo papalapit sa kanya?
"Wow - marikit ka," sabi niya.
“Mayroon siyang mga kamangha-manghang berdeng mata na kakaiba sa rehiyon ng Afghanistan at isang balbas na may sariling buhay.
“Ngunit mabilis na nagpangibabaw ang takot. Nakita ko siyang muli sa daan patungong Pakistan pagkatapos ng paglaya ko at kumaway siya sa akin mula sa kanyang sasakyan.”
Si Ridley ay inimbestigahan sa loob ng 10 araw nang hindi pinapayagan ng kahit isang tawag sa telepono, at hindi nakadalo sa ika-siyam na kaarawan ng kanyang anak na babae na si Daisy.
Sa Taleban, sinabi ni Ridley: "Hindi ko suportado ang kanilang ginawa o pinaniwalaan, ngunit sila ay pinasama ng sobra na higit sa pagkilala, dahil hindi ka maaaring maglaglag ng mga bomba sa mga mababait na tao."
Iminungkahi na ang 46-taong-gulang ay biktima ng Stockholm Syndrome, kung saan ang mga bihag ay nakikiramay sa mga mambibihag.
Ngunit sinabi niya: “Naging masama ako sa aking mga tagabihag. Dinuraan ko sila at binastos at tinanggihang kumain. Saka lang ako naging interesado sa Islam nang ako ay napalaya. "
‘Maluwag na Kasuutang Pang-ilalim’
Sa katunayan, ang representante ng dayuhang ministro ng Taleban ay tinawag nang tumanggi si Ridley na kunin ang kanyang damit na panloob mula sa linya ng pinaghuhugasan sa bilangguan, na kung saan ay nakikita ng mga sundalo.
“Sinabi niya, 'Tingnan mo, kung nakikita nila ang mga bagay na iyon ay magkakaroon sila ng mga masasamang kaisipan’.”
“Malapit nang bombahin ang Afghanistan ng pinakamayamang bansa sa buong mundo at ang lahat ay nababahala sa aking malaki, maluwag, at itim na damit panloob.
“Napagtanto ko na hindi kailangang bombahin ng US ang Taliban - magpadala lang ng isang iskuwadron ng mga kababaihan na winawagayway ang kanilang damit na panloob at lahat sila ay tatakbo.”
Nang siya ay makabalik sa UK, si Ridley ay binasa ang Koran bilang bahagi ng kanyang pagtatangka na maunawaan ang kanyang karanasan.
“Ako ay lubos na namamangha sa aking binabasa - wala ni isang tuldok o kulot na linya ay nabago sa 1,400 taon.
“Sumali ako sa itinuturing kong pinakamalaki at pinakamagandang pamilya sa buong mundo. Kapag tayo ay magkasama ay talagang walang talo.”
Ano ang tingin ng kanyang mga magulang sa Church of England sa County Durham sa kanyang bagong pamilya?
“Sa una ang reaksyon ng aking pamilya at mga kaibigan ay kakila-kilabot, ngunit ngayon makikita nilang lahat kung gaano ako kaligaya, kalusog at kuntento.
“At natutuwa ang aking ina na tumigil ako sa pag-inom.”
Ano ang nararamdaman ni Ridley tungkol sa lugar ng mga kababaihan sa Islam?
“May mga inaapi na kababaihan sa mga bansang Muslim, ngunit maaari kitang dalhin sa tabi ng mga kalye ng Tyneside at ipakita sa iyo ang mga inaapi na kababaihan doon.
“Ang pang-aapi ay kultura, hindi ito Maka-islamiko. Ang Koran ay ginagawang malinaw na ang mga kababaihan ay pantay (sa mga kalalakihan sa mga karapatan at tungkulin na may pagbubukod sa ilan).”
At ang kanyang bagong damit ng Muslim ay nagbibigay lakas, sabi niya.
“Gaano kalaya ito na hinuhusgahan para sa iyong isip at hindi ang laki ng iyong dibdib o haba ng iyong mga binti.”
Nag-iisang ina na tatlong beses na ikinasal, sinabi niya na pinalaya siya ng Islam mula sa pag-aalala sa kanyang buhay pag-ibig.
“Hindi na ako nakaupo at naghihintay sa tabi ng telepono para sa isang lalaki na tumawag at maraming buwan maraming buwan na akong hindi sinisipot.
“Wala akong stress sa kalalakihan. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang aking mga kabataan ay hindi ko napipiliting magkaroon ng kasintahan o asawa.”
Ngunit nagkaroon ng isang tawag sa telepono mula sa isang lalaking tagahanga - ang tagapangaral sa north London na si Abu Hamza al-Masri.
“Sinabi niya, 'Sister Yvonne, maligayang pagdating sa Islam, pagbati'.
“Ipinaliwanag ko na hindi pa ako kumukuha ng aking pangwakas na panata at sinabi niya, 'Huwag mong pilitin o itulak, nandiyan ang buong pamayanan kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lamang ang isa sa mga sisters.'
‘Diretso sa impiyerno’
“Naisip ko, hindi ako makapaniwala, ito ang apoy at asupre na kleriko na mula sa Finsbury Park mosque at medyo malambing siya talaga.
“Puputulin ko na sana ang linya nang sinabi niya, 'Ngunit may isang bagay lamang na nais kong alalahanin mo. Bukas, kung maaaksidente ka at mamatay, mapupunta ka agad sa Impiyerno '.
“Sobra akong natakot kaya dala-dala ko ang isang kopya ng mga panata sa aking pitaka hanggang sa huling pagbabagong-loob ko noong nakaraang Hunyo.”
At ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang bagong buhay?
“Ang pagdarasal ng limang beses sa isang araw. At nahihirapan pa rin akong isuko ang sigarilyo.”[1]
Talababa:
[1]Yvonne Ridley: Mula sa pagiging bihag hanggang sa pagbabalik-loob. BBC News Online. 2004/09/21 (http://news.bbc.co.uk/go/pr/fr/-/2/hi/uk_news/england/3673730.stm)
Magdagdag ng komento