Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 1 ng 3): Ang Mundo ng Jinn (Espiritu)
Paglalarawanˇ: Ano ang mga Jinn?
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 5
- Tumingin: 6,860
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa buong kasaysayan ang sangkatauhan ay dati ng nahuhumaling sa mga kababalaghan. Ang mga espiritu, mga multo at iba pang mga kakaibang nilalang ay umukupa sa ating mga kaisipan at kinuha ang ating mga imahinasyon. Ang mga kakaiba at mapanlinlang na mga di nakikitang nilalang ay minsang umaakay sa mga tao upang makagawa ng mga malalaking kasalanan – gaya ng Shirk.[1] Ang mga espiritu ba ay totoo? Sila ba ay higit pa sa mga guni-guning imahinasyon, o mga hinulmang anino mula sa usok at ilusyon? Buweno, ayon sa Islam sila ay talagang totoo. Mga espiritu, multo, banshees (babaeng espiritu na sumisigaw na nagbabadya ng kamatayan), multo, at guniguni ay maaaring maipaliwanag ng sinumang nakakaunawa sa konpeto ng Islam patungkol sa mga espiritu – ang mundo ng mga Jinn.
Ang Jinn, ay isang salita na hindi gaanong bago sa pandinig ng mga nagsasalita ng Ingles. Pansinin ang pagkakahalintulad sa pagitan ng Jinn at Geni. Sa telebisyon at mga pelikula naitanghal nila ang kanilang parte na naglalarawan ng mga genie bilang mapaglarong mga nilalang na may kakayahang tuparin ang lahat ng kahilingan nang sangkatauhan. Ang geni sa palabas na seryeng “I Dream of Jeanie” ay isang dalagitang babae na palaging gumagawa ng kapilyahan, at sa Disney ang animadong palabas na “Aladdin”, ang genie ay inilarawan bilang isang rouge (pilyong puno ng kolorete) na mapagmahal. Sa kabila nito, lumalabas na ang jinn ay hindi kabahagi sa di mapanganib na mala engkatandang kwento; sila ay talagang tunay at kayang magdulot ng bantang panganib sa sangkatuhan.
Gayunpaman ang Diyos, ang Ganap na Marunong, ay hindi tayo pinabayaang walang kalaban-laban. Kanyang ipinaliwanag ng malinaw ang likas na katangian ng jinn. Alam natin ang kanilang pamamamaraan at ang kanilang mga layunin sapagka’t ang Diyos ay inihayag sa atin ang mga bagay na ito sa Quran at mga nakagawian ng Propeta Muhammad, sumakaniya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos. Kanya tayong binigyan ng “mga sandata” upang protektahan ang ating mga sarili at malabanan ang kanyang mga panghihimok. Gayunpaman ang una, ay nararapat na maging malinaw sa atin nang husto ang patungkol sa kung ano nga ba ang mga jinn.
Ang salitang Arabe na Jinn ay mula sa pandiwa na ‘Janna’ at ito’y nangangahulugan ng pagtago o pagkubli. Tinawag itong Jinn sapagka’t itinatago nila ang kanilang mga sarili mula sa paningin ng mga tao. Ang mga salitang janeen (bilig o foetus) at mijann (kalasag) ay nagmula din sa parehas na salitang-ugat.[2] Ang Jinn, gaya ng iminumungkahi ng kanilang pangalan, ay karaniwang nakatago sa mga tao. Ang Jinn ay bahagi ng nilalang ng Diyos. Sila ay nilikha mula sa apoy bago ang pagkalikha kay Adan at sa sangkatauhan.
"At katiyakan, Aming nilikha ang tao mula sa tuyong (tumutunog) na luwad ng nagbabagong anyo ng putik. At ang Jinn, sila ay Aming nilikha noong una bago likhain si Adan mula sa walang usok na Apoy." (Quran 15:26-27)
Ayon sa kagawian ng Propeta Muhammad ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag, ang jinn ay mula sa apoy at ang sangkatauhan ay mula sa “kung ano ang inilarawan sa inyo”. (ibig sabihin ay luwad).[3] Ang Diyos ay naglikha ng mga anghel, jinn at mga tao nang walang ibang layunin kundi ang sambahin Siya.
“Hindi ko nilikha ang Jinn at mga tao liban na lamang na Ako’y sambahin.” (Quran 51:56)
Ang jinn ay umiiral sa ating mundo nguni’t ang mga ito ay namumuhay sa kanilang sarili. Ang jinn ay mayroong kakaibang katangian at anyo at sila ay nananatiling nakatago sa sangkatauhan. Ang jinn at ang mga tao ay may ilang karaniwang kaugalian, at ang pinakamahalaga na kung saan ay may laya at may kakayahang pumili sa pagitan ng mabuti at masama, tama at mali. Ang jinn ay kumakain at umiinom, sila ay nag-aasawa, nagkakaroon ng mga anak at namamatay.
“At katiyakan, Aming nilikha para sa Impyerno ang karamihan mula sa mga jinn at mga tao. Sila ay mayroong mga puso na hindi marunong makaunawa, at sila ay mayroong mga mata nguni’t hindi nakakikita, at sila ay mayroong mga tainga nguni’t hindi nakaririnig [ng katotohanan]. Sila yaong katulad ng kawan ng mga hayupan subali’t sila ang higit na naliligaw. Sila yaong mga hindi nagbibigay-pahalaga sa mga mensahe ni Allah at ng Kaniyang Sugo.” (Quran 7:179)
Ang pantas ng Islam na si Ibn Abd al Barr ay nagsabi na ang jinn ay mayroong maraming pangalan at iba’t ibang uri. Sa pangkalahatan, sila ay tinatawag na jinn; ang jinn na naninirahang kasama ng mga tao (namamalagi o naninirahan) ay tinatawag na Aamir, at kung ito naman ay ang uri ng jinn na kumakapit sa isang bata ito ay tinatawag na Arwaah. Ang masamang jinn ay madalas tawagin na Shaytaan (demonyo), kung mas matindi pa ang kasaaman nila, malademonyo, sila ay tinatawag na Maarid, at ang pinaka masama at malakas na jinn ay tinatawag na Ifreet (ang pangmaramihan nito ay afareet).[4] Sa mga kagawian ng Propeta Muhammad ang jinn ay nahahati sa tatlong klase; yaong mayroong mga pakpak at nakalilipad sa hangin, yaong nagiging kawangis ang mga ahas at aso, at yaong mga naglalakbay ng walang katapusan.[5]
Kabilang sa jinn ay yaong naniniwala sa Diyos at sa mensahe ng lahat nang mga Propeta ng Diyos at mayroon ding yaong mga hindi naniniwala. Mayroon ding yaong mga iniwan ang kanilang masasamang gawain at naging tunay na mananampalataya, matapat at mapagtiis.
“Sabihin [O’ Muhammad]: “ Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat mula sa mga jinn ay nakinig, pagkaraan ay nagsabing; “Katotohanan, kami ay nakarinig ng isang kahanga-hangang pagbigkas [ng Quran]”. "Ito ay nagpapatnubay [tungo] sa matuwid, kaya kami ay naniwala rito at kailanman kami ay hindi magtatambal sa Aming Panginoon nang isa man [o ng anupaman].” (Quran 72: 1-2)
Ang jinn ay may pananagutan sa Diyos at sakop sila ng Kanyang mga kautusan at mga ipinagbabawal. Sila ay tatawagin upang papanagutin at maaaring makapasok sa alinman sa Paraiso o Impyerno. Ang mga jinn ay magiging lahad sa sangkatauhan sa Araw ng muling Pagkabuhay at ang Diyos ay kakausapin silang dalawa.
“O kayong mga lipon ng jinn at sangkatauhan, wala bang dumating sa inyong mga sugo mula sa inyong [sariling lahi] na binibigkas sa inyo ang Aking mga aayat [kapahayagan] at binabalaan kayo [tungkol] sa inyong pakikipagharap sa Araw na ito?” Sila ay magsasabi: “Kami ay sumasaksi laban sa aming mga sarili.” Ang buhay sa mundo ay luminlang sa kanila. At sila ay sasaksi laban sa kanilang mga sarili, na sila ay mga di-naniniwala.” (Quran 6:130)
Wari ay ating napag-alaman na ang mga kahima-himalang mga nilalang ay umiiral. Tayo ay hindi nag-iisa. Sila ay mga nilikha na namummuhay kasama natin, subali’t hiwalay sa atin. Ang kanilang pag-iral ay nagbigay kapaliwanagan sa maraming kataka-taka at nakababalisang mga pangyayari. Alam na natin na sa mga jinn ay mayroong mabuti at masama, kahit na ang mga gumagawa ng karalitaan at kasamaan ay mas higit ang bilang kaysa sa mga sumasampalataya.
Ang konsepto ng Shaytaan bilang isang nagkasalang anghel ay mula sa doktrina ng mga Kristyano, nguni’t ayon sa Islam ang Shaytaan ay isang jinn, hindi anghel. Ang Diyos ay nagsalita patungkol sa Shaytaan ng maraming beses na nakapaloob sa Quran. Sa ikalawang bahagi ating tatalakayin pa nang mas marami ang patungkol mismo kay Satanas at ano ang naging dahilan upang siya ay mawala sa habag ng Diyos.
Mga talababa:
[1] Shirk – ay ang kasalanang pagsamba sa diyus-diyosan o politiesmo. Itinuturo sa Islam na mayroon lamang nag-iisang Diyos, Mag-isa lamang, walang kasamahan, mga anak o mga tagapamagitan.
[2] Ibn Aqeel Aakaam al Mirjaan fi Ahkaam al Jaan. P7.
[3] Saheeh Muslim
[4] Aakaam al Jaan. 8.
[5] At Tabarani, Al Hakim & Al Bayhaqi.
Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 2 ng 3): Sino si Shaytan?
Paglalarawanˇ: Si Satanas (Shaytan) ang dahilan ng pinaka naunang kasalanang nagawa at hanggang ngayon ay nag-uudyok sa mga tao upang magtambal, mang-api at lumabag.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,117
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Satanas (Shaytan) ba ay isa sa mga jinn (espiritu)?[1] Si Satanas, Shaytan, ang diyablo, Iblees, na kumakatawan sa kasamaan, ay kilala sa maraming katawagan. Ang mga Kristiyano ay karaniwang tinatawag siyang Satanas; sa mga Muslim siya ay kilala bilang Shaytan. Siya ay unang ipinakilala sa atin sa mga kuwentong paglikha kina Adan at Eba at kahit na marami sa mga tradisyon ng Kristiyano at Islam ay magkatulad mayroong ilang kapuna-punang pagkakaiba.
Ang kuwento tungkol kina Adan at Eba ay kilalang kilala at sa malalim na salaysay ng bersyon ng Islam na matatagpuan sa website na ito.[2] Ang Quran at ang mga tradisyon ng Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, ay parehong hindi nagpapahiwatig na dumating si Satanas kina Adan at Eba sa anyo ng ahas o serpiyente. Ni hindi nila ipinahihiwatig na si Eba ang mahina sa kanilang dalawa na siyang tumukso kay Adan upang suwayin ang Diyos. Ang katotohanan ay wala pang karanasan sina Adan at Eba sa mga pagbubulong at mga taktika ni Satanas at ang pakikipag-ugnayan nila sa kanya ay isang mahalagang aral para sa buong sangkatauhan.
Si Satanas ay nakaramdam ng inggit kay Adan at tumangging sundin ang utos ng Diyos na siya ay magpatirapa sa kanya. Sinabi ito sa atin ng Diyos sa Quran:
“Ang mga Anghel ay nagsipagpatirapa - silang lahat. Maliban kay Satanas, siya ay tumangging makibilang sa mga nagsipagpatirapa. Ang Diyos ay nagsabi: ‘O Satanas! Ano ang dahilan ng hindi mo pagpapatirapa kasama ng mga nagsipagpatirapa? ‘Si Satanas ay nagsabi: ‘Hindi ako kailanman magpapatirapa sa isang tao na nilikha Mo lamang mula sa tumutunog na luwad na nagbabagong anyong itim na putik.’ Ang Diyos ay nagsabi: ‘Kung gayon ikaw ay lumayas mula Rito (Paraiso) sapagka't katotohanan ikaw ay isinumpa. Katiyakan sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagbangong muli.’” (Quran 15:30-35)
Si Satanas ay mapagmataas mula noon at siya ay mapagmataas hanggang ngayon. Ang kanyang pangako mula sa sandaling iyon ay ang maling gabay at linlangin si Adan, Eba at ang kanilang mga angkan. Nang siya ay pinaalis sa Paraiso, nangako si Satanas sa Diyos na kung siya ay pananatilihing buhay hanggang sa Araw ng Paghuhukom ay gagawin niya ang kanyang buong makakaya upang iligaw ang sangkatauhan. Si Satanas ay manlilinlang at tuso, subalit lubos niyang nauunawaan ang mga kahinaan ng mga tao; inaalam niya ang kanilang mga minamahal at mga hangarin at ginagamit ang lahat ng uri ng mga panglalansi at panlilinlang upang ilayo sila sa landas ng kabutihan. Sinimulan niyang gawing kaakit-akit ang kasalanan sa sangkatauhan at tinukso sila sa masasamang bagay at imoral na mga gawain.
“Ngayon, ay katiyakang napatunayan na ni Iblees (Satanas) ang kanyang inaakala laban sa kanila [nang anyayahan niya sila]; sila ay sumunod sa kanya maliban sa isang [matatag na] pangkat mula sa mga naniniwala.” (Quran 34:20)
Sa Arabe, ang salitang shaytan ay maaaring tumukoy sa anumang mapagmataas o walang galang na nilalang at ito ay iniaangkop sa partikular na nilalang dahil sa kanyang kawalang-hiyaan at paghihimagsik laban sa Diyos. Si Satanas (Shaytan) ay isang jinn, isang nilalang na kayang mag-isip, magdahilan at may kalayaang magpasiya. Siya ay puno ng kapighatian dahil nauunawaan niya ang buong kahulugan na pagkaitan sa awa ng Diyos. Si Satanas ay sumumpa hindi upang tumira sa kailaliman ng Impiyerno lamang; hangad niya na makasama ang maraming tao hanggang sa kanyang makakayanan.
“Si Satanas ay nagsabi: “Nakikita Mo ba ang isang ito na Iyong pinarangalan nang higit sa akin? Kung Iyong ipagpapaliban [ang aking kamatayan] hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, katiyakan na gagawin ko hanggang sa kanyang mga inapo-lahat liban sa ilan-na parang bulag na susunod sa akin." (Quran17:62)
Binalaan tayo ng Diyos laban sa poot ni Satanas sa buong Quran. Kaya niyang linlangin, iligaw at dayain ang mga tao nang may kagaanan. Kaya niyang gawin ang kasalanan na mukhang pintuang-daan patungo sa Paraiso at maliban na kung ang bawat tao ay hindi mag-iingat sila ay madaling malilinlang. Ang Diyos, na Makapangyarihan, ay nagsabi:
“O mga angkan ni Adan. Huwag ninyong hayaan na malinlang ni Satanas.” (Quran 7:27)
“Katiyakan, si Satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay inyong ituring bilang kaaway.” (Quran 35:6)
“At sinumang magturing kay Satanas bilang tagapangalaga o katulong sa halip na kay Allah, katiyakan na siya ay nakaranas ng hayag ng kawalan.” (Quran4:119)
Gaya ng tinalakay, ang pangunahing hangarin ni Satanas ay ang akayin ang mga tao palayo sa Paraiso, ngunit siya ay mayroon ding mga panandaliang mithiin. Sinisikap niyang akayin ang mga tao sa pagsamba sa diyus-diyosan at politeyismo. Hinihimok niya sila upang gumawa ng mga kasalanan at ng pagsuway. Tamang sabihin na ang bawat pagkilos nang pagsuway na kinamumuhian ng Diyos ay ikinalulugod ni Satanas, ikinalulugod niya ang imoralidad at kasalanan. Bumubulong siya sa mga tainga ng mga nagsisisampalataya, ginugulo niya ang panalangin at pag-alaala sa Diyos at pinupuno ang ating mga isipan sa mga bagay na walang halaga. Sinabi ni Ibn ul Qayyim, "Isa sa kaniyang mga pakana ay ang paggayuma sa isip ng mga tao hanggang sila ay malinlang, ginagawa niyang kaakit-akit sa isipan na kung saan ito ay makapipinsala".
Kung ginagamit ninyo ang inyong kayamanan sa pagkakawang-gawa, kaniyang sasambitin na kayo ay magiging mahirap, ang pangingibang-bayan alang-alang sa Diyos ay hahantong lamang sa kalumbayan, bulong niya. Naghahasik si Satanas ng kapootan sa pagitan ng mga tao, nagtatanim ng pagdududa sa isipan ng mga tao at nagiging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng mag-asawa. Mayroon siyang malawak na karanasan sa larangan ng panlilinlang. Siya ay may mga bitag at mga tukso, ang kaniyang mga salita ay mahusay at kaakit-akit at siya ay may mga kawal na tumutulong sa sangkatauhan at jinn. Bagama't, tulad ng ating tinalakay sa nagdaang artikulo, may mga mananampalataya mula sa mga jinn, ngunit ang nakararami ay mga gumagawa ng kalokohan o gumagawa ng masasamang gawain. Sila'y may kusang-loob at maligaya na makasama si Satanas sa pananakot, panlilinlang at higit sa lahat ay upang wasakin ang mga tunay na naniniwala sa Diyos.
Sa susunod na artikulo tatalakayin natin kung saan nagtitipun-tipon ang mga jinn, paano malalaman ang kanilang mga tanda at kung paano mapoprotektahan ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya mula sa kanilang kasamaan.
Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 3 ng 3 ): Ang Jinn ay umiiral kasama natin subalit nakabukod sa atin
Paglalarawanˇ: Kung saan naninirahan ang mga jinn at kung paano natin maprotektahan ang ating mga sarili mula sa kanila.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 5
- Tumingin: 6,112
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Hindi tayo nag-iisa! Ang pahayag na ito ay parang isang anunsyo sa isang pelikulang kathang-isip ng siyensya. Maaaring gayon lamang, subalit hindi. Tayo ay talagang hindi nag-iisa sa mundong ito. Tayo ay tiyak na mga nilalang ng Diyos subalit hindi lamang tayo ang nilalang Niya. Sa nakaraang dalawang artikulo natutunan natin ang napakalaking bagay na patungkol sa jinn. Ating natuklasan na sila ay nilikha ng Diyos, bago ang paglikha ng sangkatauhan, mula sa walang usok na ningas ng apoy. Atin ding natuklasan na ang jinn ay may lalaki at babae, mabuti at masama mananampalataya at di-mananampalataya.
Ang Jinn ay naninirahan sa ating mundo gayon pa man ay hiwalay sila rito. Ang Shaytan ay mula sa jinn at ang kanyang mga alagad ay kapwa mula sa mga jinn at sa sangkatauhan. Ngayon na nauunawaan natin na hindi tayo nag-iisa, kailangan nating alamin ang mga palatandaan na nagsasaad ng presensya ng mga jinn at malaman kung paano mapoprotektahan ang ating mga sarili mula sa kanilang panlilinlang at kasamaan.
“At katiyakan, Aming nilikha ang tao mula sa luwad na nagbabagong anyo na isang maitim na putik. At ang jinn, siya ay Aming nilikha noong una [bago pa likhain si Adan] mula sa walang usok na ningas ng Apoy.” (Quran 15:26-27)
“At hindi Ko nilikha ang jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin [tanging sa Akin lamang].” (Quran 51:56)
Dahil ang mga jinn ay kabahagi nitong ating mundong, dapat nating malaman ang kanilang mga tirahan. Ang mga jinn ay mahilig magtipon-tipon ng maramihan, sa mga guho at mga lugar na may pagkasira at walang nakatira. Sila ay mahilig na magtipon sa mga lugar na marumi, tapunan ng basura at mga libingan. Ang mga jinn kung minsan ay nagtitipon-tipon sa mga lugar kung saan ito ay madali para sa kanila upang mag sanhi ng kasamaan at labanan, gaya ng lugar pamilihan.
Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, nalaman natin na ang ilan sa mga kasamahan ng Propeta Muhammad ay pinayuhan ang mga tao na huwag maunang pumasok o huling umalis sa palengke dahil ito ang lugar ng labanan ng mga diyablo at mapaggawa ng kasamaan.[1]
Kung ang Shaytan ay pinili ang tirahan ng isang tao bilang sarili nitong lugar ng pananatilihan, ibinigay sa atin ang "mga sandata" kung saan maaari nating paalisin ang mga ito mula sa mga tahanan. Kabilang dito ang pagsasabi ng Bismillah (magsisimula ako sa pangalan ng Diyos), palagiang pag-alala sa Diyos at pagbigkas ng anumang salita mula sa Quran lalo na ang ikalawa at ikatlong kabanata. Ang jinn ay lumalayo din tuwing maririnig nila ang adan (panawagan sa pagdarasal).
Ipinaliwanag ng Propeta Muhammad na ang mga jinn ay maramihan kung magtipon-tipon at nagsisikalat sa tuwing pagpatak ng dilim. Iniutos niya sa atin na panatilihing nasa loob ng tahanan ang ating mga anak sa dapit-hapon para sa kadahilanang ito. [2] Sinabi rin niya sa atin na ang mga jinn ay may mga hayop at ang pagkain para sa kanilang mga hayop ay ang dumi ng ating mga hayop.
Kung minsan, ang mga hayop na kabilang sa sangkatauhan ay may kaugnayan sa jinn. Halimbawa, marami sa mga jinn ang kayang magpalit anyo na ahas at ang Propeta Muhammad ay tinawag ang mga itim na aso bilang mga demonyo. Sinabi rin niya, "Huwag kang manalangin sa kulungan ng mga kamelyo dahil ang mga demonyo na nananahan doon.”[3] Iniuugnay niya ang mga kamelyo sa jinn dahil sa kanilang agresibong likas na katangian.
Maraming paraan para maprotektahan natin ang ating sarili at ang ating pamilya mula sa pinsalang dulot ng mga jinn. Ang pinakamahalaga ay bumaling sa Diyos at hangarin ang Kanyang proteksyon; ginagawa natin ito sa pagsunod sa mga salita ng Quran at mga turo ng Propeta Muhammad. Ang paghahanap ng kanlungan sa Diyos ay poprotekta sa atin mula sa mga jinn at demonyo. Dapat tayong magpakupkop sa Kanyang proteksyon kapag pumasok tayo sa banyo[4], kapag tayo ay nagagalit[5], bago ang pagtatalik[6], at pagpapahinga sa isang paglalakbay o naglalakbay sa isang lambak[7]. Mahalaga ring magpakupkop sa Diyos kapag nagbabasa ng Quran.
“Kaya kung nais mong bigkasin ang anumang talata sa Quran, ay humingi ka ng paglingap sa Diyos laban sa Shaytan (Satanas), ang isinumpa (o pinagkaitan ng Kanyang habag). Katotohanan! Siya ay walang kapangyarihan laban sa mga naniniwala at nagtitiwala sa kanilang Panginoon.” (Quran 16:98-99)
Ang pag-unawa sa katangian ng jinn ay ginagawang posible na maunawaan ang ilan sa kakaibang kababalaghan na nagaganap sa ating mundo ngayon. Ang mga tao ay nagiging mga manghuhula at espiritista upang makita ang hinaharap o ang hindi nalalaman. Ang mga lalaki at babae sa telebisyon at internet ay nag-aangkin na sila'y may kakayahang makipag-usap sa mga patay na tao at mga lihim at mahiwagang impormasyon. Itinuturo sa atin ng Islam na hindi ito posible. Ang mga manghuhula at mga astrologo ay nagsabi na maaari nilang mahulaan ang hinaharap at basahin ang personalidad sa pamamagitan ng pagkakahanay ng mga bituin at iba pang mga nasa langit. Itinuturo sa atin ng Islam na ito man ay hindi posible.
Gayunman, noong unang panahon ang mga jinn ay nagagawang umakyat sa kalangitan. Nang panahong iyon ay may kakayahan silang makinig ng usapan at malaman ang tungkol sa mga kaganapan bago ito mangyari. Noong panahon ng Propeta Muhammad ang proteksyon sa langit ay nadagdagan at nananatiling ganoon pa rin. Ang jinn ay wala nang kakayahan upang makinig sa mga usapan sa kaharian ng kalangitan.
“At katiyakan, aming tinangka [na abutin] ang kalangitan; nguni't ito ay aming natagpuang napaliligiran ng mga mababagsik na tagapagbantay at ng nagliliyab na apoy. At katotohanan, kami [noon] ay lagi nangakaupo roon na handa para sa pakikinig, nguni't sinumang makikinig ngayon ay makakikita ng isang nagliliyab na apoy na naghihintay sa kanya [upang tugisin]. At katotohanan, hindi namin nauunawaan kung kasamaan ang nilalayon nito para sa mga nasa mundo [kalupaan] o ang kanilang Panginoon ay naglalayon para sa kanila ng isang matuwid na landasin.” (Quran 72:8-10)
Ipinaliwanag ng Propeta Muhammad ang kahulugan ng mga talatang ito. "Pag nagtatalaga ang Diyos ng ilang bagay sa Langit, ang mga anghel ay ipinapagaspas ang kanilang mga pakpak sa pagsunod sa Kanyang pahayag, na katunog ng isang kadena na hinihila sa ibabaw ng bato. Sila (mga anghel) ay nagsasabi, ' Ano ang sinabi ng inyong Panginoon? Sila ay magsasabi, ‘Ang Katotohanan, At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.’ (Quran 34.23) Pagkatapos yaong may narinig sa pamamagitan ng panakaw na pakikinig (i.e. ang mga diyablo o jinn) na magkakapatong ng kanyang mga kasamahan. Maaaring tamaan ng apoy at masunog ang nakarinig sa usapan bago niya maiparating ang balita sa sinumang nasa ibaba niya, o maaaring hindi siya abutan hanggang sa masabi niya ito sa isa na nasa ibaba niya, na babaling at magsasabi sa nasa baba niya, at magpapararating naman ito sa isang nasa ilalim niya, at magpapatuloy hanggang sa maiparating nila ang balita sa lupa.[8]
Ang mga jinn ay kayang kumuha ng isang butil ng katotohanan at haluan ito ng mga kasinungalingan upang guluhin at lituhin ang mga tao. Ang kakaibang kababalaghan bagama't nakakataranta at kung minsa'y nakakatakot ay hindi higit pa kaysa sa kasamaan na ginawa upang sirain ang mga tao palayo mula sa Diyos. Kung minsan ang mga jinn at may sademonyong tao ay nagtutulungan upang linlangin ang mga mananampalataya sa paggawa ng kasalanan ng shirk – pagtatambal sa Diyos.
Kung minsan dito sa kakaiba at kagila-gilalas na mundong ito tayo ay nahaharap sa mga pagsubok at paghihirap na kadalasan ay humihila sa atin pababa. Ang pagharap sa mga masasamang gawain at masamang hangarin ng jinn ay tila mas malaking pagsubok. Gayunpaman nakakapanatag na malaman na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng lahat ng lakas at kapangyarihan at walang mangyayari kung wala ang Kanyang kapahintulutan.
Sinabi sa atin ng Propeta Muhammad na ang pinakamagandang mga salita kung saan tayo ay magpapakupkop sa proteksyon ng Diyos mula sa kasamaan ng sangkatauhan at sa jinn ay ang huling tatlong kabanata ng Quran. Maaaring may mga panahon na ating haharapin ang kasamaang ginagawa ng jinn ngunit ang Diyos ang ating ligtas na kanlungan, na ang pagbaling sa Kanya ang ating kaligtasan. Walang proteksyon maliban sa proteksyon ng Diyos, Siya lamang ang ating sasambahin at sa Kanya lamang tayo humihingi ng tulong.
Magdagdag ng komento