Pagtanggap sa Islam (bahagi 1 ng 2): Isang relihiyon para sa lahat ng tao, sa lahat ng mga lugar
Paglalarawanˇ: Mapagtagumpayang lampasan ang mga hadlang.
- Ni Aisha Stacey (© 2010 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 02 Apr 2018
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,411
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Maraming tao sa buong mundo ngayon ang naghahanap ng katotohanan; naghahanap sila ng kahulugan sa kanilang buhay, at nagninilay kung ano ang layunin ng buhay. Ang mga lalaki at babae ay nagtatanong, bakit ako narito? Sa gitna ng pagdurusa at sakit, ang tao ay tahimik na tumatawag o malakas na humihingi ng ginhawa, o pag-unawa. Madalas, sa gitna ng kasiyahan, ang isang tao ay naghahangad na maunawaan ang pinagmulan ng naturang kasiyahan. Minsan pinag-iisipan ng mga tao ang pagtanggap sa Islam bilang kanilang tunay na relihiyon ngunit nakakatagpo ng ilang mga hadlang dito.
Sa pinaka masasayang sandali o pinakamadilim na oras ng buhay, ang pinaka likas na reaksyon ng isang tao ay makipag-ugnayan sa isang Pinaka Kataas-taasan, sa Diyos.Maging ang mga taong itinuturing ang kanilang mga sarili na mga ateyista o di-naniniwala sa diyos ay nakaranas rin sa ilang yugto ng kanilang buhay ng likas na pakiramdam na maging bahagi ng isang dakilang plano.
Ang relihiyon ng Islam ay batay sa isang pangunahing paniniwala, na may Nag-iisang Diyos. Siya lamang ang Nangangasiwa at Lumikha ng sansinukob.Siya ay walang katambal, mga anak, o mga kasosyo. Siya ang Pinaka Maawain, Siya ang Pinaka Maalam, at Siya ang Pinaka Makatarungan. Siya ang Pinaka Nakaririnig sa lahat, ang Pinaka Nakakakita sa lahat, at Pinaka Nakakaalam ng lahat . Siya ang Una at walang anumang nauna sa Kanya, Siya ang Huli na walang katapusan.
Nakakaginhawang isipin na ang ating mga pagsubok, pagdurusa, at mga tagumpay sa buhay na ito ay hindi nagkataon na mga gawa ng isang malupit at hindi organisadong sansinukob. Ang paniniwala sa Diyos, paniniwala sa Nag-iisang Diyos, ang Tagapaglikha, at Nangangasiwa sa lahat ng umiiral ay isang pangunahing karapatan.Ang kaalaman nang may katiyakan na ang ating pag-iral ay bahagi ng isang nasa mahusay na pagkakasaayos na daigdigat ang buhay ay lumalabas ayon sa nararapat ay isang konsepto na nagdudulot ng katahimikan at kapayapaan.
Ang Islam ay isang relihiyon na tumitingin sa buhay at nagsasabing ang mundong ito ay isang lumilipas na lugar lamang at ang layunin natin sa buhay ay ang sambahin ang Diyos. Napakadali kung iisipin, diba? Nag-iisa lang ang Diyos, tanggapin ito at sumamba sa Kanya at ang kapayapaan at katahimikan ay makakamit. Ito ay nasa pagkakaunawa ng sinumang tao at maaaring makamit sa pamamagitan ng sinserong paniniwala na walang ibang diyos kundi ang Natatanging Diyos.
Nakalulungkot na sa makabagong siglo na ito, patuloy nating itinutulak ang mga hangganan at tinutuklas muli ang mundo sa lahat ng kaluwalhatian nito ngunit nakalimutan natin ang Lumikha, at nakalimutan na ang buhay ay sinadya upang maging madali. Ang paghahanap ng ating koneksyon sa Diyos at pagtataguyod ng isang kaugnayan sa Kanya ay pinakamahalaga sa lahat kung tayo ay nagnanais mabuhay ng mapayapa at putulin ang mga kadena na nagbubuklod sa atin sa sakit, sikolohikal na kaguluhan at kalungkutan.
Ang Islam ay ipinahayag para sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga lugar at sa lahat ng oras. Hindi ito ipinahayag na para lamang sa mga kalalakihan o para sa isang partikular na lahi o etniko. Ito ay isang kumpletong pamamaraan ng pamamahala ng buhay batay sa mga turo na matatagpuan sa Quran at sa mga napatunayang sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala). Muli, napakadali kung iisipin, diba? Patnubay na ipinahayag ng Lumikha sa Kanyang nilikha. Ito ay isang hindi walang palya na plano upang makamit ang walang hanggang kaligayahan sa buhay na ito at sa susunod.
Ang Quran at ang awtentikong mga salaysay ay nagpapaliwanag sa konsepto ng Diyos at nagbibigay ng mga detalye sa kung ano ang pinapayagan at kung ano ang ipinagbabawal. Ipinaliwanag nito ang mga pangunahing kaalaman sa mabuting asal at moralidad, at nagbibigay ng mga panuntunan tungkol sa pagsamba.Inilalahad nito ang mga kwento tungkol sa mga Propeta at ating matutuwid na mga ninuno, at inilalarawan ang Paraiso at Impiyerno.Ang patnubay na ito ay ipinahayag para sa buong sangkatauhan, at ang Diyos mismo ay nagsasabi na ayaw Niyang ilagay ang mga tao sa kahirapan.
“Hindi nais ilagay ng Allah ang anumang kahirapan para sa inyo nguni't nais [lamang] Niyang kayo ay maging malinis, at lubusin ang Kanyang mga pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat.” (salin ng kahulugan ng Quran 5:6)
Kapag lumalapit tayo sa Diyos, Siya ay nakikinig at tumutugon at ang katotohanan na ang Islam, purong pagtatangi sa Diyos, ay ipinahayag. Ang lahat ng ito ay napakadali, at dapat na hindi komplikado, ngunit nakalulungkot, na tayo, ang sangkatauhan, ay mayroong paraan na gawing mahirap ang mga bagay. Tayo ay matigas ang ulo ngunit ang Diyos ay patuloy na iniiwan ang landas na malinaw para sa atin.
Ang pagtanggap sa Islam bilang isang tunay na relihiyon ay dapat maging madali. Walang Diyos kundi ang Natatanging Diyos. Ano ang maaaring maging mas malinaw kaysa sa pahayag na iyon?Walang hindi gaanong kumplikado, ngunit kung minsan sa pagsasaalang-alang ng pag-asam na muling tukuyin ang sistema ng paniniwala aymaaaring maging nakakatakot at puno ng mga hadlang.Kapag isinasaalang-alang ng isang tao ang Islam bilang kanilang piniling relihiyon madalas silang madaig ng mga kadahilanan para hindi tanggapin ang sinasabi ng kanilang mga puso na katotohanan.
Sa kasalukuyan, ang katotohanan ng Islam ay naging malabo sa lumalabas na ito'y isang hanay ng mga patakaran at regulasyon na tila imposibleng matupad.Ang mga Muslim ay hindi umiinom ng alak, ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy, ang mga babaeng Muslim ay dapat magsuot ng belo, ang mga Muslim ay dapat magdasal ng limang beses bawat araw.Ang mga kalalakihan at kababaihan ay natatagpuan ang kanilang mga sarili na nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “Posibleng hindi ko maitigil ang pag-inom”, o “Mahihirapan akong maghanap ng pagkakataon na magdasal araw-araw lalo na kung limang beses”.
Ang katotohanan gayunpaman, ay kapag tinanggap ng isang tao na walang Diyos kundi ang Natatanging Diyos at bumuo ng isang relasyon sa Kanya, ang mga patakaranat ang mga regulasyon ay naaanod sa kawalan ng halaga. Ito ay isang mabagal na proseso ng pagnanais na kalugdan ng Diyos. Para sa ilan na tumatanggap sa mga alituntunin para sa isang maligayang buhay ay maaring ilang araw, kahit na oras, para sa iba maaari itong mga linggo, mga buwan, o maging mga taon. Ang bawat paglalakbay ng bawat tao tungo sa Islam ay magkakaiba.Ang bawat tao ay magkakaiba at ang koneksyon ng bawat tao sa Diyos ay nagaganap sa pamamagitan ng isang natatanging hanay ng mga pangyayari.Ang isang paglalakbay ay hindi mas tama kaysa sa iba pa.
Maraming mga tao ang naniniwala na ang kanilang mga kasalanan ay napakalaki at napakalimit para hindi sila patawrin ng Diyos kailanman. Nag-aalangan silang tanggapinang alam nila na katotohanan dahil takot sila na hindi nila mapigilan ang kanilang sariliat isuko ang pag-gawa ng mga kasalanan o krimen.Gayunpaman ang Islam ay ang relihiyon ng kapatawaranat kamahal-mahal sa Diyos na magpatawad. Bagaman ang mga kasalanan ng tao ay maaaring umabot sa mga ulap sa kalangitan, magpapatawad ang Diyosat magpapatuloy sa pagpapatawad hanggang sa ang Huling Oras ay malapit na sa atin.
Kung ang isang tao ay tunay na naniniwala na walang Diyos kundi ang Natatanging Diyos, dapat niyang tanggapin ang Islam nang walang pag-aantala. Kahit na naniniwala sila na patuloy silang magkakasala, o kung may ilang aspeto ng Islam na hindi nila lubos na naiintindihan.Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos ang pinakamahalagang paniniwala sa Islamat sa sandaling ang isang tao ay nagtatatag ng isang koneksyon sa Diyos,ang mga pagbabago ay magaganap sa kanilang buhay;mga pagbabago na hindi nila pinaniwalaan na mangyayari.
Sa susunod na artikulo malalaman natin na may isang hindi napapatawad na kasalanan at ang Diyos ang Pinaka Maawain, paulit-ulit na Nagpapatawad.
Pagtanggap sa Islam (bahagi 2 ng 2): Ang Relihiyon ng Pagpapatawad
Paglalarawanˇ: Ang pagtanggap sa Islam ay nag-bubura sa mga nakaraang mga kasalanan.
- Ni Aisha Stacey (© 2010 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 30 Aug 2018
- Nag-print: 3
- Tumingin: 7,204
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Natapos natin ang unang bahagi ng artikulong ito sa pamamagitan ng pagmumungkahi na kung ang isang tao ay tunay na naniniwala na walang diyos maliban sa Diyos, dapat niyang tanggapin agad ang Islam. Natalakay din namin na ang Islam ay ang relihiyon ng kapatawaran. Kahit gaano karaming kasalanan ang nagawa ng tao, siya ay mapapatawad pa rin.Ang Diyos ay Mapagpatawad, Maawain,at binibigyang diin ng Quran ang mga katangiang ito nang higit sa 70 beses.
“At sa Allah ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang nais at Kanyang pinarurusahan ang sinumang Kanyang nais. At ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain.” (Quran 3:129)
Gayunpaman, mayroong isang kasalanan na hindi patatawarin ng Diyos at iyon ay ang kasalanan ng pagtatalaga ng mga kasosyo o pakikipag-ugnayan sa ibang diyos-diyosan.Naniniwala ang isang Muslim na ang Diyos ay iisa, walang mga kasosyo, supling, o mga kasama.Siya ang nag-iisang karapat-dapat na sambahin.
“Sabihin (O Muhammad): Siya ang Allah, ang Nag-iisa, Allah-us-Samad [may Kasapatan sa sarili, Siyang sandigan o inaasahan ng lahat, hindi Siya kumakain o umiinom]. SIya ay hindi nagkaanak at hindi Siya ipinanganak; At sa Kanya ay walang makapapantay [o makakatulad].” (Quran 112)
“Katotohanan, ang Allah ay hindi nagpapatawad [sa isang nagkasala] ng pagtatambal sa Kanya. Nguni't Kanyang pinatatawad ang anumang [kasalanang] mababa kaysa riyan sa sinumang Kanyang nais.” (Quran 4:48)
Ito ay tila kakatwa na sabihin na ang Diyos ang Pinaka-maawain, at igiit na ang Islam ang relihiyon ng kapatawaran habang sinasabi din na mayroong isang hindi mapapatawad na kasalanan.Hindi ito kakaibao hindi mapagkakatiwalaang konsepto,kung nauunawaan mo na itong malubhang kasalanan ay hindi lamang mapapatawadkung ang isang tao ay namatay nang hindi nakapagsisi o nakapagbalik loob sa Diyos.Kahit anong oras, ay maaaring mataimtim na bumaling sa Diyos at humingi ng kapatawaran hanggang sa oras na ang isang makasalanang tao ay humugot na ng kanyang huling hininga, sapagka't ang Diyos ay tunay na Pinaka-maawain at Mapagpatawad.Ang taimtim na pagsisisi ay nagtitiyak sa kapatawaran ng Diyos.
“Sabihin mo sa mga di-naniwala, [na] kung sila ay magsisitigil, ang anumang naunang nangyari noon ay patatawarin para sa kanila.” (Quran 8:38)
Si Propet Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay nagsabi: “Tatanggapin ng Diyos ang pagsisisi ng Kanyang alipin hangga'thindi pa umaabot ang kanyang hininga sa kanyang lalamunan.”[1] at kanya ding sinabi, “tinatanggal ng Islam ang mga kasalanan na dumating bago ito (ang Islam)”.[2]
Tulad ng tinalakay sa nakaraang artikulo, madalas kapag ang isang tao ay nagmumuni-muni na tanggapin ang Islamnalilito siya o nahihiya sa maraming mga kasalanan na maaaring nagawa niya sa kaniyang buhay.Ang ilan sa mga tao ay nagtataka kung papaano pa sila magiging mabuti, mga taong may mahuhusay na asal ngunit kapag nasa pag-iisa at walang nakatingin ay tinatago ang kanilang mga kasalanan at krimen.
Ang pagtanggap ng Islam at pagbigkas ng mga salitang kilala bilang Shahada o patotoo ng pananampalataya,(Ako ay sumasaksi na "La ilaha illa Allah, Muhammad rasoolu Allah.”[3]), Ay nagbubura sa lahat ng kasalanan ng taong nagsasabi nito. Siya ay nagiging tulad ng isang bagong panganak na sanggol, ganap na walang kasalanan.Ito ay isang bagong simula, kung saan ang mga nakaraang mga kasalanan ay hindi na makakapagbilanggo sa isang tao.Hindi na kailangang multuhin ng mga nakaraang mga kasalanan.Ang bawat bagong Muslim ay madadama ang ginhawa at malayang makakapamuhay ayon sa pangunahing paniniwala na ang Diyos ay Iisa.
Kapag ang isang tao ay hindi na pinipigilan ng takot na ang kanyang mga nakaraang kasalanan o pamumuhay ay pipigil sa kanya na mamuhay ng isang magandang buhay, ang landas sa pagtanggap ng Islam ay madalas na nagiging madali. Ang malaman na ang Diyos ay maaaring magpatawad sa kahit sino, ng kahit ano, ay tiyak na isang nakaka-aliw na pag-asa. Gayunpaman, ang pag-unawa sa kahalagahan ng hindi pagsamba sa anuman o sinumang iba pa kaysa sa Diyos ang pinakamahalaga sapagkat ito ang batayan ng Islam.
Hindi nilikha ng Diyos ang sangkatauhan maliban na lamang na sambahin Siya na nag-iisa (Quran 51:56) at ang alamin kung paano panatilihing dalisay ang pagsamba na iyon ay kinakailangan.Ngunit, ang mga detalye ay kadalasan natututunan matapos makilala ng isang tao ang kahanga-hangang katotohanan ng paraan ng pamumuhay sa Islam.
“ At inyong sundin ang pinakamahusay sa alinmang [kautusan o tagubiling] ipinahayag sa inyo mula sa inyong Panginoon bago sumapit ang parusa sa inyo nang biglaan habang hindi ninyo namamalayan. Upang hindi masabi ng isang kaluluwa: "Ahh, ang aking siphayo ay dahil sa ako ay naging mapaglabag sa Panginoon (i.e. hindi ko ginawa ang ipinag-uutos ng Panginoon sa akin), at ako ay naging kabilang sa mga mapanuya." (Quran 39:55-56)
Sa sandaling tinanggap ng isang tao ang katotohanan ng Islam, sa gayon kanyang tinatanggap na walang ibang diyos kundi ang Diyos (Allah) lamang, may oras para sa kanya na matutunan ang tungkol sa kanyang relihiyon.May oras para sa kanya upang maunawaan ang kagila-gilalas na kagandahan at kadakilaan ng Islam, at alamin ang tungkol sa lahat ng mga propeta at mensahero ng Islam kasama na ang huling propetang, si Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala).Kung ang Diyos ay magtakda na ang buhay ng isang tao ay magtatapos na sa lalong madaling panahon matapos tanggapin ang Islam, magsisilbi ito bilang tanda ng awa ng Diyos; sapagkat ang isang taong dalisay tulad ng isang bagong panganak na sanggolay nakatadhana para sa walang hanggang Paraiso;sa pamamagitan ng awa ng Diyos, at ng Kanyang walang hanggan na karunungan.
Kapag ang isang tao ay nagmumuni-muni na tanggapin ang Islam, marami sa mga hadlang na nakikita niya ay walang iba kundi mga ilusyon at panlilinlang mula kay Satanas.Malinaw na kapag ang isang tao ay pinili ng Diyos, gagawin ni Satanas ang kanyang buong makakaya upang mailigaw ang taong iyon at pinupuno siya ng mga maliliit na bulong at pag-aalinlangan.Ang relihiyon ng Islam ay isang regalo, at tulad ng anumang iba pang regalo ay dapat itong tanggapin, at buksan bago maipahayag ang totoong halaga ng mga nilalaman nito.Ang Islam ay isang pamamaraan ng pamumuhay na ginagawang madali ang pagtamo ng pangarap na walang hanggang kaligayahan sa kabilang buhay. Walang diyos kundi ang Diyos, ang namumukod tangi, ang una at huli. Ang Pagkilala sa Kanya ang susi sa tagumpay at ang pagtanggap ng Islam ay ang unang hakbang sa paglalakbay tungo sa Kabilang Buhay sa Paraiso.
Magdagdag ng komento