Paniniwala sa mga Propeta

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang hangarin at tungkulin ng mga Propeta, ang katangian ng mensahe na kanilang dinala sa sangkatauhan, at pagbibigay diin na sila'y isang hamak na tao lamang na walang banal na mga katangian.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 6,452 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Belief_in_Prophets_001.jpg Ang paniniwala sa ilang mga propeta na kung saan sila’y pinili ng Diyos upang iparating ang Kanyang mensahe sa mga tao ay kinakailangan sa artikulo ng pananampalatayang Islam.

“Ang Sugo (si Muhammad) ay naniniwala sa anumang ibinaba (o ipinahayag) sa kanya mula sa kanyang Panginoon at gayundin ang mga naniniwala. Bawat isa ay naniniwala sa Diyos, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, at sa Kanyang mga propeta. (Sila ay nagsasabing): 'Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng sinuman sa Kanyang mga Propeta...’" (Quran 2:285)

Ipinararating ng Diyos ang Kanyang mensahe at ipinaaabot ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng mga taong propeta. Sila ay bumubuo ng isang kawing sa pagitan ng mga nilalang sa mundo at ng kalangitan, nangangahulugan na sila’y pinili ng Diyos upang maihatid ang Kanyang mensahe sa mga tao. Walang ibang aliping inatasan upang tumanggap ng mga sagradong kapahayagan. Ito ay sistema ng pakikipag-usap sa pagitan ng Lumikha at nilikha. Ang Diyos ay hindi nagpapadala ng mga anghel sa bawat indibidwal, ni hindi Niya ginagawang buksan ang kalangitan nang sa gayon ang mga tao ay aakyat upang makatanggap ng mensahe. Ang Kanyang pamamaraan sa pakikipag-usap ay sa pamamagitan ng mga taong propeta na siyang tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng mga anghel.

Ang paniniwala sa mga propeta (o mga sugo) ay matibay na paniniwala na ang Diyos ay pumili ng matuwid na tao upang dalhin ang Kanyang mensahe at ipasa ito sa sangkatauhan. Pinagpala ang sinumang sumunod sa kanila, at kaawa-awa ang sinumang tumanggi sa pagsunod. Tapat nilang ipinamamahagi ang mensahe, nang walang itinatago, binabago, o dinudungisan. Ang tumatanggi sa propeta ay tumatanggi sa kung Sino ang nagpadala sa kanya, at ang sumusuway sa propeta ay sumusuway sa Sinumang nag-utos sa kaniya na Siya’y sundin.

Ang Diyos ay nagpadala sa bawa’t nasyon ng propeta, karamihan sa kanila, ay upang manawagan sa pagsamba sa Diyos nang nag-iisa at iwan ang mga huwad na diyos.

"At itanong mo [O Mohammad] sa mga sugo na Aming ipinadalang una sa iyo: ‘Kami ba ay gumawa ng mga diyos bukod sa Pinaka Mahabagin (Diyos) upang sambahin?’" (Quran 43:45)

Ang mga Muslim ay naniniwala sa mga propetang pinangalanan sa mga Islamikong mapagkukunan, tulad nina Adam, Noah, Abraham, Isaac, Ismael, David, Solomon, Moises, Hesus, at Muhammad, sumakanila nawa ang pagpapala at mga biyaya ng Panginoon, Ilan sa mga napangalanan. Ang pangkalahatang paniniwala ay pinanghahawakan din para doon sa mga di nabanggit na mga pangalan sa banal na Quran, tulad ng sinabi ng Diyos:

"At katiyakan, Aming ipinadala ang mga sugo nang una sa iyo (O, Muhammad): ang iba sa kanila ay Aming isinalaysay sa iyo (ang kanilang kasaysayan). At ang iba sa kanila ay hindi Namin isinalaysay sa iyo..." (Quran 40:78)

Matibay na pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang huling propeta ay siyang propeta ng Islam, na si Muhammad, at wala ng propeta o sugo pa pagkatapos niya.

Upang mapahalagahan ang katotohanang ito, kailangang maunawaan na ang mga aral ng huling propeta ay napangalagaan sa orihinal nitong wika sa kanilang pangunahing pinagkukunan. Hindi na kailangan ng ibang pang propeta. Sa kaso ng mga naunang mga propeta, ang kanilang mga banal na kasulatan ay nawala na o ang kanilang mensahe ay naglaho na hanggang dumating sa punto na ang katotohanan ay mahirap ng ibukod mula sa kasinungalingan. Ang mensahe ng Propeta Muhammad ay malinaw, at napangalagaan at mananatili hanggang sa dulo ng panahon.

Ang Layunin sa Pagpapadala ng mga Propeta

Maaari nating malaman ang mga sumusunod na pangunahing rason sa pagpapadala ng mga propeta:

(1) Upang gabayan ang sangkatauhan mula sa pagsamba sa mga nilikha patungo sa pagsamba sa kanilang Taga-Paglikha, mula sa katayuan ng pagiging alipin ng isang nilikha tungo sa pagkakaroon ng kalayaan sa pagsamba sa kanilang Diyos.

(2) Ang pagbibigay linaw sa sangkatauhan nang layunin ng pagkakalikha: ang pagsamba sa Diyos at pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos, gaya na rin ng pagbibigay linaw na itong buhay ay isang pagsubok para sa bawat indibidwal, isang pagsubok kung saan ang resulta nito ay ang magpapasya kung anong uri ng buhay ang kahahantungan pagkatapos ng kamatayan; ang buhay na walang hanggang paghihirap o ang buhay na walang hanggang kaligayahan. Wala nang iba pang paraan upang mahanap ang tunay na layunin ng pagkalikha.

(3) Ang pagpapakita sa sangkatauhan ng tamang landas na magdadala sa kanila patungong Paraiso at para sa kaligtasan mula sa Impiyerno.

(4) Ang pagpapatibay ng ebidensya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga propeta, upang ang mga tao ay hindi magkaroon ng dahilan kapag sila ay tatanungin sa Araw ng Paghuhukom. Hindi nila maaaring angkinin ang kanilang kamangmangan sa layunin ng pagkalikha at sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

(5) Ang pagbubunyag sa mga nakalingid na ‘mundo’ na kung saan ay umiiral lampas sa normal na pandama at sa pisikal na mundo, ito ang kaalaman ng Diyos, pag-iral ng mga Anghel, at ang katotohanan ng Araw ng Paghuhukom.

(6) Ang pagbibigay sa mga tao ng tunay na mga halimbawa na nagdadala ng mabuting asal, matuwid, may layuning nag-uudyok na buhay na walang pag-aalinlangan at pagkalito. Likas, sa mga tao na humanga sa kapwa nila tao, kaya ang pinakamagandang halimbawa ng kabutihan sa mga tao na nararapat gayahin ay ang mga propeta ng Diyos.

(7) Ang paglilinis ng kaluluwa mula sa pagiging materyalismo, sa kasalanan, at kapabayaan.

(8) Ang paghahayag sa sangkatauhan ng mga katuruan ng Diyos, na kung saan ay kanilang mapakikinabangan sa kanilang mga sarili dito sa buhay na ito at sa kabilang buhay.

Ang Kanilang Mga Mensahe

Ang isa sa pinaka mahalagang mensahe ng lahat ng propeta sa mga tao ay upang sambahin ang Nag-Iisang Diyos at wala nang iba pa at upang sundin ang Kanyang mga kautusan. Silang lahat, Noah, Abraham, Isaac, Ismael, Moises, Aaron, David, Solomon, Hesus, Muhammad at iba pa, bilang karagdagan sa mga hindi natin kilala – ay nag-anyaya sa mga tao upang sambahin ang Diyos at umiwas sa huwad na mga diyos.

Si Moises ay nagsabi: “Dinggin mo, O Israel Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Diyos.” (Deuteronomio 6:4)

Ito ay naulit noong 1500 taong nakalipas sa panahon ni Hesus, nang kaniyang sinabi: “Ang una sa lahat ng mga utos, ‘Dinggin mo, O Israel; Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Diyos.” (Marcos 12:29)

Sa huli, ang panawagan ni Muhammad mga 600 taong ang lumipas (mula ng mawala si Hesus) na umalingawngaw sa mga burol ng Mecca:

"At ang inyong Diyos ay Nag-iisang Diyos: walang ibang diyos maliban sa Kanya..." (Quran 2:163)

Ang Banal na Quran ay nagsasabi ng malinaw tungkol dito:

"At Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na una sa iyo (O Muhammad) malibang Kami ay nagpahayag sa kaniya (na nagsasabi): ‘walang karapat-dapat na sambahin maliban sa Akin, kaya sambahin ninyo Ako.’" (Quran 21:25)

Ang mga Dalang Mensahe

Ang Diyos ay pumili ng pinaka mainam mula sa sangkatauhan upang ihatid ang Kanyang mensahe. Ang pagiging Propeta ay hindi nakakamit o natatamo tulad ng may mataas na antas sa edukasyon. Ang Diyos ay pumipili ng sinumang Kanyang kaludgan para sa layuning ito.

Sila ay ang may pinakamahusay na pag-uugali at sila ay nasa wastong kaisipan at kalusugan, na prinotektahan ng Diyos mula sa pagkahulog sa pangunahin, at malalaking mga kasalanan. Hindi sila nagkamali o nakagawa ng pagkakamali sa paghahatid ng mensahe. Sila ay mahigit sa isang daang libong mga propeta na ipinadala sa sangkatauhan, sa lahat ng nasyon at lahi, sa lahat ng sulok ng mundo. Ang ilan sa mga propeta ay mas mataas kaysa sa iba. Ang pinakamainam mula sa kanila ay sina Noah, Abraham, Moises, Hesus, at si Muhammad, nawa ang awa at pagpapala ng Diyos ay mapasakanila.

Ang mga tao ay nag malabis sa mga propeta. Kanilang tinanggihan at inakusahang mga salamangkero, mga baliw, at mga sinungaling. Ang ilan sa mga tao ay ginawa silang mga diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga banal na kapangyarihan at inihayag na sila ay Kaniyang (Diyos) mga anak, tulad ng nangyari kay Hesus.

Katotohanan, sila ay mga ganap na tao lamang na walang banal na katangian o kapangyarihan. Sila ay mga alipin na sumasamba sa Diyos. Sila ay kumain, uminom, natulog at namuhay ng normal na buhay ng tao. Wala silang kakayahan sa sinuman na tanggapin ang kanilang mga mensahe o magpatawad sa mga kasalanan. Ang kanilang kaalaman tungkol sa hinaharap ay limitado lamang kung ano ang inihayag ng Diyos sa kanila. Wala silang bahagi sa pagpapatakbo ng mga gawain ng sandaigdigan.

Dahil sa Walang Hanggang Awa at Pagmamahal ng Diyos, Siya ay nagpadala sa sangkatauhan ng mga propeta, upang gabayan ang mga ito sa kung saan ang pinakamainam. Ipinadala Niya ang mga ito bilang ehemplo ng sangkatauhan upang tularan, at kapag ang isang tao ay sumunod sa kanila, siya ay mamumuhay nang buhay na alinsunod sa Kalooban ng Diyos, makakamit ang Kanyang Pagmamahal at Kaluguran.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat