Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 6 ng 7): Ang Pinakadakilang Pag-alay
Paglalarawanˇ: Ang pagsubok sa kanyang buhay, nakita ni Abraham sa isang panaginip na dapat niyang ialay ang kanyang "nag-iisang anak", ngunit ito ba si Isaac o si Ismael?
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 8
- Tumingin: 14,487 (araw-araw na pamantayan: 9)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Inialay ni Abraham ang Kanyang Anak
Malapit nang mag sampung taon mula nang iwan ni Abraham ang kanyang asawa at sanggol sa Mecca sa pangangalaga ng Diyos. Matapos ang isang dalawang buwang paglalakbay, nagulat siya nang makitang naiba ang Mecca sa kung paano niya ito iniwan. Ang kagalakan ng muling pagsasama ay agad na nagambala ng isang pangitain na siyang magiging panghuling pagsubok sa kanyang pananampalataya. Inutusan ng Diyos si Abraham sa pamamagitan ng isang panaginip na ialay ang kanyang anak, ang anak na lalaki na mayroon siya pagkatapos ng maraming taon ng mga panalangin at nakatagpo lamang pagkatapos ng isang dekada ng pagkakawalay.
Alam natin mula sa Quran na ang bata na dapat iaalay ay si Ismael, habang ang Diyos, ay nagbibigay ng maligayang balita sa pagsilang ni Isaac kina Abraham at Sara, ay nagbigay din ng maligayang balita ng isang apo, si Jacob (Israel):
"…Ngunit binigyan namin siya ng magandang balita tungkol kay Isaac, at pagkatapos niya, si Jacob." (Quran 11:71)
Katulad nito, sa talatang nasa bibliya sa Genesis 17:19, ipinangako kay Abraham:
"Ang iyong asawa na si Sarah ay magbibigay sa iyo ng isang anak na ang pangalan ay magiging Isaac. Itatatag ko ang aking pangako sa kanya bilang isang walang hanggang pangako [at] sa kanyang binhi na kasunod niya."
Sapagkat ipinangako ng Diyos na bigyan si Sarah ng isang anak mula kay Abraham at mga apo mula sa anak na iyon, hindi ito lohikal o praktikal na posible para sa Diyos na utusan si Abraham na ialay si Isaac, dahil ang Diyos ay hindi sinisira ang Kanyang pangako, o Siya ang "may-akda ng pagkakalito."
Bagaman ang pangalan ni Isaac ay malinaw na binanggit bilang isa na dapat iaalay sa Genesis 22: 2, nalaman natin mula sa iba pang mga konteksto ng Bibliya na ito ay malinaw na interpolasyon (dagdag sa orihinal), at ang tunay na dapat na kakatayin o isasakripisyo ay si Ismael.
"Aking Nag-iisang Anak"
Sa mga bersikulo ng Genesis 22, inutusan ng Diyos si Abraham na ialay ang kanyang nag-iisang anak na lalaki. Lahat ng mga iskolar ng Islam, Hudaismo at Kristiyanismo ay sumasang-ayon, na ipinanganak si Ismael bago si Isaac. Mula rito, hindi angkop na tawagin na si Isaac lang ang nag-iisang anak ni Abraham.
Totoo na ang Hudyo-Kristyano na mga iskolar ay madalas na nagtatalo na dahil si Ismael ay ipinanganak sa isang aliping babae, hindi siya isang lehitimong anak. Gayunpaman, nabanggit na natin kumakailan na ayon sa Hudaismo mismo, ang paghahandog ng mga aliping-babae mula sa mga baog na asawang babae para sa kanilang mga asawa upang makabuo ng mga supling ay isang pangkaraniwan, may bisa at katanggap-tanggap na pangyayari, at ang bata na mula sa aliping-babae ay aangkinin ng asawa ng ama[1], tinatangkilik ang lahat ng karapatan bilang kanya, ang sa asawa, sariling anak, kabilang ang mana. Bukod dito, makakatanggap sila ng dobleng bahagi kaysa sa iba pang mga bata, kahit na sila ay "kinamumuhian"[2].
Bilang karagdagan dito, ipinahiwatig sa Bibliya na kikilalanin mismo ni Sarah ang isang anak na mula kay Hagar bilang isang wastong tagapagmana. Dahil sa pagkakaalam na ipinangako kay Abraham na ang kanyang binhi ay pupunuin ang lupain sa pagitan ng Nile at Euphrates (Genesis 15:18) mula sa kanyang sariling katawan (Genesis 15: 4), inalok niya si Hagar kay Abraham upang siya ang maging daan upang matupad ang propesiya na ito. Sabi niya,
"Masdan ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na magka-anak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya." (Genesis 16:2)
Ito rin ay katulad nina Lea at Raquel, ang mga asawa ni Jacob na anak ni Isaac, na ibinibigay ang kanilang mga aliping babae kay Jacob upang makabuo ng mga anak (Genesis 30: 3, 6. 7, 9-13). Ang kanilang mga anak ay sina Dan, Nepthali, Gad at Asher, na mula sa labindalawang anak ni Jacob, ang mga magulang ng labindalawang tribo ng mga Israelita, at samakatuwid ay mga wastong tagapagmana[3].
Mula rito, naiintindihan natin na si Sarah ay naniniwala na ang isang batang ipapanganak ni Hagar ay isang katuparan ng propesiya na ibinigay kay Abraham, at magiging parang siya mismo ang nanganak sa kanya. Kaya, ayon sa katotohanang ito lamang, si Ismael ay hindi anak sa labas, ngunit isang karapat-dapat na tagapagmana.
Ang Diyos mismo ang nagturing kay Ismael bilang isang wastong tagapagmana, sapagkat, sa maraming lugar, binabanggit ng Bibliya na si Ismael ay isang "binhi" ni Abraham. Halimbawa, sa Genesis 21:13:
"At gayon din sa anak ng alipin ay gagawin ko ang isang bansa, sapagkat siya ang iyong binhi."
Maraming iba pang mga kadahilanan na nagpapatunay na si Ismael at hindi si Isaac ang dapat iaalay, at nais ng Diyos, isang hiwalay na artikulo ang itatalaga sa paksa na ito.
Upang magpatuloy sa pag-uulat, kumunsulta si Abraham sa kanyang anak upang malaman kung naunawaan niya ang iniutos ng Diyos,
"Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail). At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang para tumulong sa mga pang araw-araw na gawain, siya (Abraham) ay nagsabi: “O aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang matiisin." (Quran 37:101-102)
Sa katunayan kung ang isang tao ay sinabihan ng kanilang ama na sila ay papatayin dahil sa isang panaginip, hindi ito tatanggapin ng madali. Maaaring mag-alinlangan ang isang tao sa panaginip pati na rin sa katinuan ng tao, ngunit alam ni Ismael ang katayuan ng kanyang ama. Ang maka-diyos na anak ng isang maka-diyos na ama ay desidido sa pagsumite sa Diyos. Dinala ni Abraham ang kanyang anak sa lugar kung saan siya dapat iaalay at inihiga siya nang nakadapa. Para sa kadahilanang ito, inilarawan sila ng Diyos sa pinakamagagandang mga salita, pagpapakita ng isang larawan sa diwa ng pagsusumite; isa na nagdadala ng luha sa mga mata:
"At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo)." (Quran 37:103)
Habang ang kutsilyo ni Abraham ay nakapwesto na, isang tinig ang nagpahinto sa kanya
"Amin (Allah) siyang tinawag: o Abraham! Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mabubuti, Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok." (Quran 37:104-106)
Sa katunayan, ito ang pinakadakilang pagsubok sa lahat, ang pagsasakripisyo ng kanyang nag-iisang anak, isang ipinanganak sa kanya pagkatapos na umabot na siya sa katandaan at mga taong pananabik para sa mga supling. Dito, ipinakita ni Abraham ang kanyang pagpayag na isakripisyo ang lahat ng kanyang mga pag-aari para sa Diyos, at sa kadahilanang ito, siya ay hinirang na pinuno ng lahat ng sangkatauhan, na pinagpala ng Diyos ng supling na mga Propeta.
"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad. Siya (Allah) ay nagwika sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawin na isang pinuno (Propeta) ng sangkatauhan.” (Si Abraham) ay nanikluhod: “Gayundin ang aking mga anak (lahi)." (Quran 2:124)
Si Ismael ay tinubos gamit ang isang tupa,
‘… At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa).’ (Quran 37:107)
Ito ang huwaran ng pagsumite at tiwala sa Diyos na daan-daang milyong mga Muslim ang gumagaya o nagsasagawa bawat taon sa panahon ng Hajj, isang araw na tinatawag na Yawm-un-Nahr - Ang Araw ng Pag-alay, o Eid-ul-Adhaa - o ang Pagdiriwang ng Pag-alay.
Si Abraham ay bumalik sa Palestine, at sa paggawa nito, dinalaw siya ng mga anghel na nagbigay sa kanya at kay Sarah ng mabuting balita ng isang anak na si Isaac,
"Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan" (Quran 15:53)
Sa oras na ito ay sinabihan din siya tungkol sa pagkawasak ng mga tao ni Lot.
Mga talababa:
[1] Pilegesh. Emil G. Hirsch and Schulim Ochser. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=313&letter=P).
[2] Deuteronomy 21:15-17. Tingnan din: Primogeniture. Emil G. Hirsch and I. M. Casanowicz. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=527&letter=P).
[3] Jacob. Emil G. Hirsch, M. Seligsohn, Solomon Schechter and Julius H. Greenstone. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=19&letter=J).
Magdagdag ng komento