Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 2 ng 7): Isang Panawagan sa Kanyang mga Tao

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Inanyayahan ni Abraham ang kanyang amang si Azar (Terah o Terakh sa Bibliya) at ang kanyang nasyon sa Katotohanan na ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 28 Jan 2022
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,384 (araw-araw na pamantayan: 7)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Abraham at ang Kanyang Ama

Tulad ng mga nasa paligid niya, ang ama ni Abraham na si Azar (Terah o Terakh sa Bibliya), ay isang sumasamba sa idolo. Ang tradisyon ng Bibliya[1] ay nagsasabi na siya ay talagang isang iskultor sa kanila,[2] kaya't ang unang panawagan ni Abraham ay nakadirekta sa kanya. Siya ay binigyan niya ng malinaw na lohika at pang-unawa, na naintindihan ng isang binatang tulad niya pati na rin ng marurunong.

"At nabanggit sa Aklat (ang Quran) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta. Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “O aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman? O aking ama! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas." (Quran 19:41-43)

Ang sagot ng kanyang ama ay pagtanggi, isang malinaw na sagot ng sinumang tao na hinamon ng isa pang mas bata kaysa sa kanila, isang hamon na ginawa laban sa mga taon ng tradisyon at pamantayan.

"Siya (ang ama ni Abraham) ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham? Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin. Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay maparusahan.’" (Quran 19:46)

Si Abraham at ang Kanyang mga Tao

Matapos ang walang tigil na pagtatangka sa pag-aanyaya sa kanyang ama na iwanan ang pagsamba sa mga maling idolo, bumaling si Abraham sa kanyang mga tao na naghahangad na mabigyan ng babala ang iba, na kinausap sila sa parehong simpleng lohika.

"At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham. Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)? O sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?” Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Namamasdan ba ninyo ang mga bagay na inyong sinasamba, kayo, at ng inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?” Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang); Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin; At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin. At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin; At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay." (Quran 26:69-81)

Sa pagpapalawak ng kanyang panawagan na ang tanging diyos na nararapat sambahin ay ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ay nagbigay siya ng isa pang halimbawa upang pag-isipan ng kanyang mga tao. Ang tradisyon ng Hudyo-Kristyano ay nagsasabi ng isang katulad na kuwento, ngunit inilalarawan ito sa konteksto na si Abraham mismo sa pagkakatanto sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa mga nilalang na ito[3], hindi yaong ginagamit niya ito bilang halimbawa para sa kanyang bayan. Sa Quran, wala sa mga Propeta ang sinasabing nagkaroon ng kaugnayan sa iba maliban sa Diyos, kahit na hindi pa sila napagsabihan ng wastong paraan bago pa sila maging propeta. Sinasabi ng Quran tungkol kay Abraham:

"Nang ang kadiliman ng gabi ay lumambong sa kanya, siya ay nakamalas ng isang bituin. Siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Hindi ko naiibigan yaong lumulubog.’" (Quran 6:76)

Ipinakita sa kanila ni Abraham ang halimbawa ng mga bituin, isang nilikha na tunay na hindi maintindihan ng mga tao dati, na nakikita bilang isang bagay na higit pa kaysa sa sangkatauhan, at maraming beses na mayroong iba't ibang mga kapangyarihan na naiugnay sa kanila. Ngunit sa pagkawala ng mga bituin (sa araw) nakita ni Abraham ang kanilang kawalan ng kakayahang lumitaw ayon sa nais nila, ngunit sa halip sa gabi lamang.

Pagkatapos ay nagbigay siya ng halimbawa ng isang bagay na mas malaki, isang nasa langit na nilikha na mas maganda, mas malaki, at maaari ring lumitaw sa araw din!

"Nang mapagmasdan niya ang buwan na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Malibang ako ay patnubayan ng aking Panginoon, katiyakang ako ay mapapabilang sa lipon ng mga tao na naliligaw sa kamalian.’" (Quran 6:77)

Pagkatapos bilang kanyang pinakahuling halimbawa, ibinigay niya ang isa pang halimbawa ng isang bagay na mas malaki, isa sa pinakamalakas na nilikha, na kung wala ito ay imposibleng mabuhay.

"Nang mapagmalas niya ang araw na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon. Ito ay higit na dakila.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'O aking pamayanan! Katotohanang ako ay malaya sa lahat ng mga iniaakibat ninyo na katambal sa pagsamba kay Allah.’" (Quran 6:78-79)

Pinatunayan sa kanila ni Abraham na ang Panginoon ng mga sanlibutan ay hindi matatagpuan sa mga nilikha na kinakatawan ng kanilang mga idolo, ngunit, sa halip, ang entidad na lumikha sa kanila at ang lahat ng kanilang nakikita at nadarama; na ang Panginoon ay hindi kinakailangang makita upang sambahin. Isa Siyang Diyos na kayang gawin ang lahat, hindi nakagapos sa mga limitasyon tulad ng mga nilikha na matatagpuan sa mundong ito. Ang kanyang mensahe ay simple:

"Pagsilbihan (sambahin) ninyo (lamang) si Allah at Siya ay inyong pangambahan; ito ay higit na mainam sa inyo, kung kayo ay nakakaunawa! Sapagkat kayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan maliban pa kay Allah, at kayo ay nagsisigawa ng mga kasinungalingan. Katotohanan, ang mga bagay na sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay walang kapangyarihan upang bigyan kayo ng ikabubuhay, kaya’t magsihanap kayo ng ikabubuhay mula kay Allah (lamang), at Siya (lamang) ang paglingkuran ninyo at magkaroon kayo ng utang na loob ng pasasalamat sa Kanya. (Tanging) Sa Kanya, kayong lahat ay magbabalik." (Quran 29:16-17)

Malinaw niyang tinanong ang kanilang pagsunod sa mga tradisyon lamang ng kanilang mga ninuno,

"Sinabi niya: 'Katotohanang ikaw at ang iyong mga ninuno ay nasa mali.’"

Ang landas ni Abraham ay mapupuno ng sakit, kahirapan, pagsubok, pagtutol, at pighati sa puso. Tinanggihan ng kanyang ama at mga tao ang kanyang mensahe. Ang kanyang panawagan ay napakinggan ng mga bingi; hindi na sila mapapakiusapan. Sa halip, hinamon siya at pinaglaruan,

"Sinabi nila: 'Dalhin mo sa amin ang katotohanan, o ikaw ba ay nag-papatawa?’"

Sa yugtong ito sa kanyang buhay, si Abraham, isang binata na may isang pag-asa na hinaharap, ay sumasalungat sa kanyang sariling pamilya at bansa upang maipahayag ang isang mensahe ng totoong monoteismo, paniniwala sa Isang Tunay na Diyos, at pagtanggi sa lahat ng iba pang maling diyos, sila man ay maging mga bituin at iba pang mga makalangit o makalupang nilikha, o paglalarawan ng mga diyos sa anyo ng mga idolo. Siya ay tinanggihan, pinalayas at pinarusahan para sa paniniwalang ito, ngunit nanindigan siya laban sa lahat ng kasamaan, handang harapin ang higit pa sa hinaharap.

"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad..." (Quran 2:124)



Mga talababa:

[1] Gen r. xxxviii, Tanna debe Eliyahu. Ii. 25.

[2] Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881)

[3] The Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm).

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat