Ang Nagkakaisang Kulay ng Islam (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang pagkakapantay-pantay ng lahi na pinagtibay ng Islam at mga aktuwal na halimbawa mula sa kasaysayan. Ika-3 bahagi: Ang Hajj at ang pagkakaiba-iba ng mga Muslim na makikita sa panahon ngayon.
- Ni AbdurRahman Mahdi, www.Quran.nu, (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Apr 2020
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,214 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Itong pangkalahatang kapatiran na itinuturo sa Islam ay napagtagumpayang gawin ng mga kasamahan ng Sugo na sumunod sa kanya. Nang ang isa sa mga kasamahan ng Sugo, si Ubada ibn as-Samit, ay nanguna sa delegasyon patungo kay Muqawqis (pinuno ng sinaunang Ehipto), ang patriyarkang-Kristiyano ng Alexandria, ang huli ay napabulalas ng: ‘Ilayo niyo ang maitim na lalaking ito mula sa akin at dalhin niyo sa akin ang kanyang kapalit para makipag-usap sa akin! ... Paano kayo nakontento na isang itim ang manguna mula sa inyo? Hindi ba mas angkop na siya ay mas mababa sa inyo?’ ‘Sa katunayan ay hindi!’, sagot ng mga kasamahan ni Ubada, ‘Kahit na siya ay maitim katulad ng iyong nakikita, siya ang nangunguna sa amin sa posisyon, sa karunungan at kaalaman; ang pagiging itim ay hindi hinahamak sa amin.’
“Katotohanan, ang mga mananampalataya ang mga magkakapatid...” (Salin ng kahulugan ng Quran 49:10)
Ang Hajj, o paglalakbay patungong Makkah, na nananatiling tunay na sagisag ng pagkakaisa at kapatiran ng tao. Dito, ang mayaman at mahirap mula sa lahat ng nasyon ay tumitindig at nagpapatirapa ng sabay sa harap ng Dakilang Tagapaglikha sa pinakamalaking pagtitipon ng sangkatauhan; nagpapatotoo sa mga salita ng Propeta ng kanyang sinabi (ang salin ng kahulugan):
“Hindi mas nakakataas ang arabo kaysa sa hindi-arabo; at hindi ang di-arabo kaysa sa arabo; at hindi mas nakatataas ang puti kaysa sa itim; at hindi ang itim kaysa sa puti; liban nalang sa taglay nilang pagkamatakutin sa Allah.” (Ahmad)
At patotoo ito sa Quran, na nagsasaad:
“O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa isang lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga nasyon at mga tribu, upang kayo ay magkakakilanlan. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Dakilang Tagapaglikhang Allah ay ang may taglay na takot sa Kanya…” (Salin ng kahulugan ng Quran 49:13)
Gaya ng sa nasyonalismo, sa paghihiwalay nito sa mga Muslim kasama ang mga linya ng etniko at tribu, ito ay itinuturing na masamang inobasyon.
”Sabihin mo (O Muhammad) kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga kapatid na lalaki, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anak, ang kayamanan na inyong kinita, mga kalakal na pinangangambahang mangawala, ang inyong mga ikinasisiyang mga tahanan ay higit ninyong minamahal kaysa sa Dakilang Tagapaglikha at sa Kanyang Sugo, at sa pagpupunyagi sa Kanyang landas, magkagayon, kayo ay magsipaghintay hanggang ipagkaloob ng Dakilang Tagapaglikha ang Kanyang kapasiyahan. At hindi pinapatnubayan ng Dakilang Tagapaglikha ang mga taong suwail.” (Salin ng kahulugan ng Quran 9:24)
Ang Propeta ay nagsabi (ang salin ng kahulugan):
“... Sinuman na makibaka sa ilalim ng bandila ng bulag (hindi nagpapansin at hindi mulat sa katotohanan), nagagalit dahil sa nasyonalismo, nananawagan tungo sa nasyonalismo, o tumutulong sa nasyonalismo, at siya'y namatay: siya ay namatay sa kamatayan ng isang ignorante (kawalan ng kaalaman sa Islam at kawalan ng paniniwala).” (Saheeh Muslim)
Bagkus nakasaad sa Quran (ang salin ng kahulugan):
“Nang ang mga di sumasampalataya ay naglagay sa kanilang mga puso ng masidhing kapalaluan at masidhing kayabangan - ang kapalaluan at kayabangan nang panahon ng kamangmangan, nagpapanaog ang Allah ng Kanyang Sakinah (katahimikan at kapanatagan) sa Kanyang Sugo at sa mga Sumasampalataya…” (Quran 48:26)
Sa katunayan, ang mga Muslim mismo ay bumubuo ng isang kabuuan at mataas na lipunan, tulad ng ipinaliwanag ng Propeta (ang salin ng kapaliwanagan):
“Ang kahalintulad ng mga mananampalataya sa pagmamahal at awa sa isa't-isa ay tulad sa isang buhay na buong katawan: kapag may bahagi na nasaktan: ang kabuuan ay magdurusa sa pagkabalisa at lagnat.” (Saheeh Muslim)
Kinumpirma ng Quran ang pagkakaisa na ito:
“Kaya't ginawa nga Namin kayo (na tunay na may paniniwala) na isang matuwid at makatarungan na lipunan...” (Salin ng kahulugan ng Quran 2:143)
Marahil ang isa sa pinakamalaking hadlang/balakid na pumipigil sa maraming taga-Kanluran upang tanggapin ang Islam ay ang maling pag-unawa na ito daw ay relihiyong para lamang sa mga taong Orientals (Asiyano) o mga maiitim ang kulay ng balat. Walang duda, na ang kawalang-katarungan sa lahi laban sa mga itim, maging sila man ay mga sinaunang alipin mula sa Abyssinia (Etyopya) na napuntang Arabya noong wala pa ang Islam sa kanila, o mga Apro-Amerikano ng ika-20 siglo, ay ang siyang nag-udyok sa marami upang yakapin ang Islam. Ngunit malayo ito sa punto. Ang Propeta Muhammad mismo ay may maputing kulay ng balat, siya ay inilarawan ng kanyang mga Kasamahan bilang ‘maputi at mamula-mula’ - isang paglalarawan (patungkol sa kanya) na marami sa milyong mga nananampalatayang Arabo, Berbers at Persyano ang nagbahagi. Maging ang mga olandes na may asul na mga mata ay hindi ganoong kaiba sa mga taga dapit-Silangang Asya. Bukod dito, ang Europa ay maraming katutubong Muslim na puti kumpara sa mga 'ibang kulay' na nangibang-bayan doon. Ang mga taga-Bosnia, bilang halimbawa, na ang bilang ay bumaba sa huling ika-20 siglo ngunit sila, na dahil sa kanilang kabayanihan at kaugaliang matiisin, ay nakapag-ambag ng malaki sa kapayapaan at pagiging matatag ng Peninsula ng Balkan. Gayundin ang mga taga-Albania, na nagmula sa sinaunang mga Illyrian ng Europa ay karamihang mga Muslim. Sa katunayan, isa sa mga nangungunang iskolar na Muslim noong ika-20 siglo, si Imam Muhammad Nasir-ud-Deed-al-Abani, katulad ng nakasaad sa kanyang katawagan, ay taga-Albania.
“Katiyakan, Aming nilikha ang tao sa pinakamagandang hubog (katayuan).” (Salin ng kahulugan ng Quran 95:4)
Ang mga puti ay tinawag na ‘caucasian’ simula nang ipinahayag ng mga antropologo na ang bundok ng Caucasus, tahanan ng mga matataas na bundok sa Europa, bilang ‘Duyan ng Puting Lahi.’ Sa panahon ngayon, ang mga katutubo sa mga bundok na ito ay mga Muslim. Kabilang sa marami ay isang hindi gaanong kilalang tribo ng matatapang na taong-bundok at mapuputing kadalagahan ay ang mga Circassians na kilala sa kanilang katapangan at kagandahan at sila, bilang mga pinunong Mamuluke ng Syria at Egypt, ay tumulong na ipagtanggol ang sibilisadong mundo at protektahan ang mga sagrado nitong lupain mula sa pinsala na dulot ng paglusob ng mga hukbong Mongol. At nariyan ang napagmalupitang Chechen, marahil ang pinaka hindi natitinag sa lahat ng nilalang ng Diyos, na ang pagiging masigasig at matatag ay nakatulong sa kanila na maiwasan ang naitadhana sa mga Circassians. Samantala, higit sa 1,000,000 na mga Amerikano at mga puting taga-Hilagang Europa na Caucasian - mga Anglo-Saxon, mga Pranses, mga Germano, mga Scandinavian at kabilang ang Celts - ang ngayon ay naghahayag ng paniniwala sa Islam. Sa katunayan, mapayapang pinasok ng Islam ang mga bahagi ng Europa bago ang Kristiyanismo, noong: ‘Sa matagal nang lumipas na panahon, nang hindi pa nagsimulang magtayo ang Eslabong-Ruso ng mga Kristiyanong simbahan sa Oka o nasakop ang mga lugar na ito sa pangalan ng sibilisasyong Europa, ang mga Bulgars ay nakikinig na sa Quran sa mga pampang ng Volga at Kama.’ (Solov’ev, 1965) [Noong ika-16 ng Mayo taong 922, ang Islam ay naging opisyal na relihiyon sa estado ng Volga, sila na parehong lipi ang pinagmulan sa kasalukuyang kinikilalang mga Bulgarian.]
Bawat paniniwala maliban sa Islam ay nananawagan ng pagsamba sa mga nilikha sa anot' ano mang paraan, hugis at anyo. Bukod dito, ang lahi at kulay ay parte ng sentro at pagkakahati sa halos lahat ng sistema ng paniniwala na labas sa Islam. Ang pagdakila ng isang Kristiyano kay Jesus at mga santo o ang pagdakila ng isang Budista kay Buddha at ang mga Dalai Lamas ay may mga taong mula sa partikular na lahi at kulay na sinasamba sa paghamak sa Diyos. Sa Judaismo, ang kaligtasan ay ipinagkait mula sa isang hentil na hindi-hudyo. Gayundin ang caste system (pagkakategorya base sa kanilang antas sa lipunan) sa Hinduismo na sinusuri ang mga hangaring espiritwal, socio-politikal at pang-ekonomiya ng mga nasa 'marurumi' at mababang hanay. Ang Islam, sa kabilang banda, ay naghahangad na pagsamahin at mapagkaisa ang lahat ng mga nilalang sa mundo sa Kaisahan at Pagtatangi sa Tagapaglikha. Kaya, tanging Islam ang nagbigay laya sa lahat ng mga tao, lahi at kulay sa pagsamba sa Natatanging Diyos na Tagapaglikha.
“At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay ang pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang pagkakaiba ng inyong mga lengguwahe at ng inyong mga kulay. Katotohanan, naririto ang mga palatandaan para sa mga nagtataglay ng kaalaman.” (Salin ng kahulugan ng Quran 30:22)
Magdagdag ng komento