Ang Layunin ng Buhay (bahagi 3 ng 3): Ang mga Diyos-diyosan ng Modernismo
Paglalarawanˇ: Ang modernong lipunan ay lumikha ng mga diyos-diyosan na siyang magsisilbi, magdudulot sa mundo ng kaguluhan.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 6
- Tumingin: 7,640 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sino ang Nangangailangan ng Pagsamba?
Hindi kinakailangan ng Panginoon ang pagsamba natin, kundi ang sangkatauhan ang siyang nangangailangang sumamba sa Panginoon. Kung walang sinuman ang sasamba sa Panginoon, hindi nito maaalis ang Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan, at kung ang buong sangkatauhan ay sasamba sa Kanya, hindi nito madadagdagan ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tayo mismo, ang siyang nangangailangan sa Panginoon:
"Hindi Ko kailangan ng probisyon mula sa kanila, ni hindi Ko kailangang Ako'y kanilang pakainin, katotohanang ang Diyos mismo ang siyang Tagapagbigay ng lahat ng pangangailangan , ang Makapangyarihan sa lahat." (Quran 51:57-58)
"…Ngunit mayaman ang Diyos, at ikaw ang siyang mahirap..." (Quran 47:38)
Paano Sumamba: At Bakit.
Sinasamba ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na Kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng mga propeta. Halimbawa, sa Bibliya, sinunod ni Propeta Hesus and banal na batas na siyang susi sa Paraiso:
"Datapuwa't kung ibig mong magtamo ng buhay na walang hanggan, panatilihin mo ang mga utos." (Matthew 19:17).
Gayundin ang Propeta Hesus ay iniulat sa bibliya na iginiit ang mahigpit na pagsunod sa mga kautusan, na sinasabi:
"Kaya't ang sinumang sumuway sa isa sa kaliit-liitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay kahuli-hulihang tatawagin sa kaharian ng langit: datapuwa't and sinumang gumanap at ituro ito, siya ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit." (Matthew 5:19)
Bakit kailangan ng mga taong sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga banal na ipinahayag na mga batas? Ang kasagutan ay simple lamang. Ang pasunod sa banal na batas ay nagbibigay kapayapaan sa ating buhay sa mundo at kaligtasan sa kabilang buhay.
Ang mga banal na batas ay nagbibigay sa mga tao ng malinaw na alituntunin na magiging gabay sa tao sa bawat angulo ng kanyang buhay at kanyang pakikipag-ugnayan. Dahil ang Tagapaglikha lamang ang Siyang nakakaalam sa kung ano ang pinakamabuti sa Kanyang mga nilikha, ang Kanyang mga batas ay nangangalaga sa kaluluwa, katawan at lipunan ng tao mula sa anumang kapahamakan. Upang matupad ng mga tao ang kanilang layunin kung bakit sila ay nilikha, nararapat na kanilang sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
Ang mga Diyos-diyosan ng Modernismo
Ang Diyos ang siyang nagbibigay kahulugan at kung ano ang angkop sa buhay. Sa kabilang banda, ang modernong pamumuhay ay may kakulangan sa kung ano ang nag iisang sentro, oryentasyon, layunin at hangarin. Wala itong pagkakaparehong prinsipyo o gabay.
Dahil ipinag papalagay ng Islam na ang Diyos ay pinaglilingkuran nang may pagmamahal, lubos na pagrespeto at pag-asa ng gantimpala, ating masasabi na ang modernong mundo ay nagsisilbi sa madaming diyos. Ang mga diyos sa pagiging moderno ay nagbibigay kahulugan at konteksto sa buhay ng modernong tao.
Tayo ay naninirahan sa kapanahunan ng lengguwahe, at ang ating mga salita at pahayag ang mga bintana kung saan ating makikita ang mundo. Ang ebolusyon, nasyonalismo, peminismo, sosyalismo, Marxismo, at sa kung paano sila nagtatrabaho, demokrasya, kalayaan at pagkakapantay-pantay ay maaaring ilista sa isa sa mga hindi maipaliwanag na mga ideolohiya sa modernong panahon. Ang "plastik na mga salita" na mula sa salita ni Uwe Poerksen, isang Aleman na linggwistiko, ang ginamit upang pangunahan ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos upang mahubog at bigyang kahulugan ang mga layunin ng lipunan o maging ang sangkatauhan mismo. Ang mga salitang ito ay may konotasyon ng 'masarap sa pakiramdam' na awra. Ang mga hindi matukoy na mga salita ay nagiging walang hanggang adhikain. Sa di pagbibigay ng limitasyon sa mga adhikain, ang walang katapusang mga pangangailangan ay napukaw, at kapag ang mga ito ay napukaw, ang mga ito ay nagiging 'mas maliwanag.'
Dahil sa napakadaling mahumaling sa kaugaliang pagsamba sa mga diyos-diyosan, wala nang proteksyon ang mga tao laban sa paniniwala sa maraming diyos-diyosan na hiningi ng modernong kaisipan na kanilang paglingkuran. Ang mga "plastik na salita " ay nagbibigay ng dakilang kapangyarihan sa mga 'propeta' na kanilang tagapagsalita dahil sila ay nag-aangkin o nagsasabi mula sa mga 'maliwanag daw na katotohanan', nang sa gayon ay matahimik ang mga tao. Kailangan natin sundin ang kanilang awtoridad; ang mga hindi mapagdududahang edukadong tao na siyang nagpatupad ng mga batas ukol sa kalusugan, kapakanan, kagalingan, at edukasyon.
Ang bintana ng pagiging moderno na kung saan ating makikita ang katotohanan ay may mga bakas ng bitak, mantsa, bulag na kaisipan at kabulukan. At ito ay sumasaklaw sa katotohanan. At ang katotohanan ay ang mga tao ay walang tunay na pangangailangan maliban sa Panginoon. Ngunit ngayon, ang mga 'idolong' ito ang mga bagay na ginagamit ng mga tao sa debosyon at pagsamba, tulad ng sinabi sa Quran:
"Hindi mo ba nakita ang isa na ginawang diyos ang kanyang mga hangarin?..."(Quran 45:23)
Bawat isa sa mga "plastik na salita" ay pinalalabas ang ibang salita na sinauna at makaluma. 'Ang mga naniniwala' sa mga idolo sa pagiging moderno ay ipinagmamalaki nila ang pagsamba sa mga diyos na ito; itinuturing ng kanilang kaibigan at mga kasamahan na sila ay naliwanagan sa paggawa nito. Yaong mga nagpupumilit na panghawakan ang mga sinaunang diyos ay maaaring pagtakpan ang kahihiyan sa paggawa nito sa pamamagitan ng pagsamba sa mga modernong diyos kasama nito. Malinaw na maraming mga tao na nagsasabing sinasamba nila ang mga "makalumang" diyos ay babaluktutin nila ang mga turo ng Panginoon sa kaganapang ito nang sa gayon ay tila ba na Siya rin ang nagsasabi na paglingkuran ang mga "plastik na salita."
Ang pagsamba sa mga maling diyos ay sakop nito ang korapsyon hindi lamang sa indibidwal kundi maging sa lipunan, gayundin ang likas na mundo. Kapag ang mga tao ay tumanggi na paglingkuran at sumamba sa tunay na Diyos na tulad ng Kanyang hiling na kung paano Siya paglingkuran, hindi nila matutupad ang kanilang layunin bilang mga nilikha. Ang bunga ay nagiging mas magulo ang ating mundo, tulad ng binanggit sa atin sa Quran:
"Ang korapsyon ay lumitaw sa lupa at dagat dahil sa kagagawan ng mga kamay ng tao." (Quran 30:41)
Ang kasagutan ng Islam sa kahulugan at layunin ng buhay ay tumutupad sa mga pangunahing pangangailangan ng tao: ang pagbabalik sa Diyos. Gayunman, ang lahat ay magbabalik sa Diyos sa gusto man nila o hindi, kaya ang katanungan ay hindi lamang ukol sa pagbabalik, ngunit sa paanong paraan babalik. Ito nga ba ay sa pamamagitan ng nakakahiya, mahirap na tanikala na naghihintay ng kaparusahan, o sa nakasisiya at mapagpasalamat na pagpapakumbaba gaya ng ipinangako ng Diyos? Kung iyong inaasahan ang paghuli, kung gayon sa pamamagitan ng Quran at mga turo ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos) gagabayan ng Diyos ang mga tao pabalik sa paraang makatitiyak sa kanilang walang hanggang kaligayahan.
Magdagdag ng komento