Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 5 ng 7): Nagsisimula nang Maging Mas Matapat
Paglalarawanˇ: Ang ilang mas makabagong salin sa Bibliya ay nagsisimula na ngayong banggitin ang mga pagkakasalungat at ang pagdududa sa mga talata.
- Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 13 Sep 2009
- Nag-print: 8
- Tumingin: 9,627 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kumbaga, saan ba nagmula ang lahat ng mga Bibliya na ito at bakit ganoon nalang kahirap ang pagtukoy sa kung ano ang tunay na ”inspirado” na salita ng Diyos? Ang mga ito ay nagmula sa ”mga sinaunang manuskrito” (kilala rin bilang MSS). Ang mundo ng Kristiyano ngayon ay ipinagmamalaki ang higit sa 24,000 ”mga sinaunang manuskrito” ng Bibliya na nagsimula pa noong ika-apat na siglo matapos ang panahon ni Kristo (Ngunit hindi sa panahon ni Kristo o ng mga apostol mismo). Sa madaling salita, mayroon tayong mga ebanghelyo kung saan nag-umpisa noong siglo nang pananakop ng mga Trinitaryo sa Simbahang Kristiyano. Ang lahat ng mga manuskrito bago ang panahong ito ay kataka-takang nawala. Ang lahat ng mga Bibliya na meron ngayon ay pinagsama mula sa mga ”mga sinaunang manuskrito” na ito. Sinumang iskolar ng Bibliya ay magsasabi sa atin na walang dalawang sinaunang manuskrito ang eksaktong magkapareho.
Ang mga tao ngayon ay karaniwang naniniwala na mayroon lamang ISANG Bibliya, at ISANG bersyon ng anumang ibinigay na talata ng Bibliya. Ito ay malayo sa katotohanan. Ang lahat ng mga Bibliya na mayroon tayo ngayon (Tulad ng KJV, NRSV, NAB, NIV,... atbp.) ay bunga ng malawak na pagtanggal at pagdikit mula sa iba't ibang mga manuskrito na walang tiyak na sanggunian. Maraming mga kaso kung saan ang isang talata ay nasa isang ”sinaunang manuskrito” ngunit ganap na nawawala mula sa maraming pang iba. Halimbawa, ang Marcos 16: 8-20 (buong labin-dalawang talata) ay ganap na nawawala mula sa mga pinaka sinaunang mga manuskrito na mayroon ngayon (tulad ng Sinaitic Manuscript, Vatican # 1209 at ang bersyon ng taga-Armenia) ngunit nagpapakita sa mas makabagong ”sinaunang manuskrito”. Marami ring mga naitalang kaso kung saan maging ang mga heograpikal na lugar ay ganap na naiiba mula sa isang sinaunang manuskrito hanggang sa sumunod. Halimbawa, sa "manuskrito ng Samaritanong Pentateuch," ang Deuteronomio 27: 4 ay nagsasalita patungkol sa "bundok ng Gerizim," habang sa "Hebreong manuskrito" ang mismong parehong talata ay nagsasalita patungkol sa "bundok ng Ebal." Mula sa Deuteronomio 27: 12-13 makikita natin na ang mga ito ay dalawang magkakaibang lugar. Katulad nito, ang Lucas 4:44 sa ilang "sinaunang mga manuskrito" ay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Judea," ang iba ay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Galilea." Ito ay isang halimbawa lamang, ang isang komprehensibong listahan ng mga ito ay mangangailangan ng sarili nitong libro.
Maraming mga halimbawa sa Bibliya kung saan ang mga talata mula sa isang kwestyonableng pinagmulan ay kasama sa teksto nang walang anumang pagtatatuwa na nagsasabi sa mambabasa na maraming mga iskolar at tagapagsalin ang may matinding paglalaan sa awtentisidad ng mga ito. Ang King James Version ng Bibliya (kilala rin bilang ang "Awtorisadong Bersyon"), kung saan nasa mga kamay ng karamihan sa kakristiyanuhan ngayon, at isa sa pinaka kilala sa bagay na ito. Hindi nito binibigyan ang mambabasa ng anumang bakas patungkol sa kwestyonableng pinagmulan ng mga naturang talata. Gayunman, ang mas kamakailan lang na mga salin ng Bibliya ay nagsisimula na ngayon na maging mas tapat at paparating sa bagay na ito. Halimbawa, ang New Revised Standard Version ng Bibliya, ng Oxford Press, ay nagpatibay ng isang napaka-banayad na sistema na paglalagay ng bracket sa mga kaduda-dudang mga talata na may dobleng parisukat na bracket ([[ ]]) . Malabong mapag-alaman ng isang kaswal na mambabasa ang totoong gamit ng mga bracket na ito. Nariyan sila upang sabihin sa may-alam na mambabasa na ang mga nakapaloob na mga talata ay lubos na kaduda-dudang katangian. Ang mga halimbawa nito ay ang kwento ng "babaeng mula sa pangangalunya" sa Juan 8: 1-11, gayun na rin sa Marcos 16: 9-20 (muling pagkabuhay at pagbabalik ni Hesus), at sa Lucas 23:34 (kung saan, kapansin-pansin na, naroon upang kumpirmahin ang propesiya ni Isaias 53:12).....at iba pa.
Halimbawa, patungkol sa Juan 8:1-11, ang mga komentarista ng Bibliya na ito ay nagsasabi sa isang napakaliit na printa sa ibaba ng pahina:
“Ang pinaka sinaunang mga awtoridad ay nagkulang ng 7.53-8.11; ang iba pang mga awtoridad ay idinagdag ang talata dito o pagkatapos ng 7.36 o pagkatapos ng 21.25 o pagkatapos ng Lucas 21.38 na may mga pagkakaiba-iba ng teksto; ang ilan ay tanda ng teksto bilang kaduda-duda.”
Patungkol sa Marcos 16: 9-20, tayo ay, kapansin-pansin, na binigyan ng pagpipilian kung paano natin nais na matapos ang Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ang mga komentarista ay nagbigay ng parehong "maikling pagtatapos" at isang "mahabang pagtatapos." Kaya, binigyan tayo ng pagpipilian ng kung ano ang gusto nating maging "inspiradong salita ng Diyos". Muli, sa hulihan ng Ebanghelyo na ito, sa napakaliit na pagkakasulat, sinabi ng mga komentarista:
“Ang ilan sa mga pinaka-sinaunang awtoridad ay tinapos ang libro sa dulo ng ika-8 na talata. Isang awtoridad ang nagtapos sa libro na may mas maikling pagwawakas; ang iba ay isinama ang mas maikling pagtatapos at pagkatapos ay nagpatuloy sa mga talata 9-20. Karamihan sa mga awtoridad, ang mga talata 9-20 ay sumunod kaagad pagkatapos ng ika-8 na talata, bagaman sa ilan sa mga awtoridad na ito ay minarkahan ang talata bilang kaduda-duda.”
Ang komento ni Peake sa mga talaan ng Bibliya;
“Napagkasunduan na nang nakararami na ang 9-20 ay hindi orihinal na bahagi ng Mk. Ang mga ito ay hindi natagpuan sa pinakalumang MSS, at katunayan ay tila wala rin sa mga kopya na ginamit ng Mt. at Lk. Isang ika-10 siglo ng Armenian MS ay inuugnay ang talata kay Ariston, ang pinuno ng lokal na kongregasyon ng mga Kristiyano na binanggit ni Papias (ap.Eus.HE III, xxxix, 15).”
“Katunayan ang pagsasalin sa Armenian ni San Marcos ay kamakailan lamang natuklasan, kung saan ang huling labindalawang mga talata ng San Marcos ay iniuugnay kay Ariston, na siyang kilala bilang isa sa pinakaunang mga Kristiyanong Pari; at posible na tama ang salaysay na ito ”
Our Bible and the Ancient Manuscripts, F. Kenyon, Eyre and Spottiswoode, pp. 7-8
Kahit doon, ang mga talatang ito ay nabanggit bilang naisalaysay na kakaiba sa iba't-bang mga "awtoridad." Halimbawa, ang ika-14 talata ay binanggit ng mga komentarista na dinagdagan ng mga sumusunod na salita sa ilang"sinaunang mga awtoridad":
"at pinangatwiranan nila ang kanilang mga sarili sa pagsasabing 'Ang panahong ito ng kawalan ng batas at kawalan ng paniniwala ay nasa ilalim ni Satanas, na hindi pinapayagan ang katotohanan at kapangyarihan ng Diyos na mangibabaw sa mga maruruming bagay ng mga espiritu. Samakatuwid, ibunyag ang iyong pagiging matuwid ngayon - kung kaya't nagsalita sila kay Kristo at sumagot si Kristo sa kanila 'Ang panahon ng mga taon ng kapangyarihan ni Satanas ay nagtapos na, ngunit ang iba pang mga kakila-kilabot na bagay ay papalapit. At para sa mga nagkasala, ako ay namatay, upang sila ay bumalik sa katotohanan at hindi na magkasala, upang sila ay magmana ng espirituwal at walang katapusang kaluwalhatian ng pagkamatuwid na nasa langit’.”
komentaryo
Magdagdag ng komento