Si Maria sa Islam (bahagi 3 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang panghuli sa tatlong bahagi ng artikulo na tumatalakay sa konsepto ng Islam kay Maria: Bahagi 3: Ang kapanganakan ni Hesus, at ang kahalagahan at respeto na ibinibigay ng Islam kay Maria, ang ina ni Hesus.

  • Ni M. Abdulsalam (© 2006 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 07 May 2014
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 5,577 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Kapanganakan ni Hesus

Sa simula ng kanyang panganganak, siya ay nakaramdam ng matinding sakit, sa parehong mental at pisikal. Paanong ang isang babaeng banal at marangal ay manganganak ng hindi naman naikasal? Dapat nating banggitin dito na si Maria ay may isang normal na pagbubuntis na hindi naiiba sa iba pang kababaihan, at nailuwal nya ang kanyang anak katulad ng pagluwal ng iba. Sa paniniwala ng mga Kristyano, si Maria ay hindi nakaranas ng sakit sa panganganak, para sa Kristyanismo at Judaismo ay itinuturing na ang regla at hirap ng panganganak ay isang sumpa sa kababaihan para sa kasalanan ni Eba[1]. Hindi pinanghahawakan ng Islam ang paniniwalang ito, o ang teorya ng orihinal na kasalanan, ngunit sa halip ay mahigpit na binibigyang diin na walang maaring magpasan sa mga kasalanan ng iba:

“…At walang ibang magkakaroon ng anuman (kasalanan) maliban lamang sa kanya, at walang magdadala ng mga kasalanan na ipapapasan ito sa iba...” (Quran 6:164)

Hindi lang iyan, alinmang sa Quran o si propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay hindi nabanggit na si Eba ang kumain ng bunga ng kahoy at inakit si Adan para kumain nito. Sa halip, ang Quran ay nilagay ang paninisi kina Adan at Eba, o sa kanilang dalawa:

“Nguni't silang dalawa ay binulungan (inudyukan) ng Satanas...Kaya nailigaw niya sila sa panlilinlang. Pagkatapos nilang matikman (makain) ang bunga ng puno, kung saan ang mga ikinukubli sa kanila na kanilang kahihiyan (maselang bahagi) ay nahayag sa kanila.” (Quran 7:20-22)

Si Maria, dahil sa kanyang pagdadalamhati at sakit ay humiling na sana ay hindi nalang siya nilikha, at sumigaw:

“Sana ako ay namatay na bago pa man dumating ang pangyayaring ito at ako ay nabaon na sa limot.” (Quran 19:23)

Pagkatapos maisilang ang bata, at nang ang kanyang pagkabalisa ay hindi na masyado, ang bagong panganak na sanggol, na si Hesus, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, ay mahimalang nagsalita mula sa kanyang paanan, na nagpalubag sa kanya at nagpasigla at sinigurado sa kanya na ang Diyos ay magtatanggol sa kanya:

Kaya, siya (si Maria) ay tinawag niya mula sa ibaba ng kanyang (paanan), at nagsabing: "Huwag kang malungkot! sa katunayan, ang iyong Panginoon ay gumawa ng isang umaagos na bukal ng tubig sa bahaging ibaba ng iyong paanan. At yugyugin mo ang puno ng datelis na nasa iyong harapan; ihuhulog nito sa iyo ang hinog na sariwang bunga ng datelis. Kaya, ikaw ay kumain, uminom at masiyahan, at kung ikaw ay makakita ng sinumang tao, ito ang iyong sabihin: "katotohanan, ako ay nagpanata ng isang pag-aayuno (bilang pasunod) sa Pinaka Mahabagin (Allah) kaya ako ay hindi makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito.’” (Quran 19:24-26)

Naramdaman ni Maria ang kapanatagan at tiwala. Ito ang unang himala na ginawa ni Hesus. Siya ay nagsalita ng may katiyakan sa kanyang nanay noong kanyang kapanganakan, at muling nakita ng mga tao ang kanyang dala na bagong panganak na sanggol. Noong nakita nila si Maria, ay inakusahan nila ito na nagsasabing:

“O Maria! tunay nga na ikaw ay nagdala ng isang bagay na kataka-taka!...” (Quran 19:27)

Itinuro lang niya si Hesus, at himalang nagsalita ito, tulad ng ipinangako ng Diyos sa kanya ng inanunsiyo ito sa kanya.

“At siya ay magsasalita sa mga tao sa (kanyang) duyan (kamusmusan) at kabinataan. At siya ay mabibilang sa (hanay ng) mga matuwid.” (Quran 3:46)

Sinabi ni Hesus sa mga tao:

“Siya (ang sanggol na si Hesus) ay nagsabi: "Katotohanang ako ay alipin ng Allah, Kanyang ipinagkaloob sa akin ang (banal na) kasulatan at ako ay Kanyang ginawang isang propeta, at ako ay Kanyang pinagpala saan man ako naroroon, at itinagubilin sa akin ang pagdarasal, at kawanggawa, habang ako ay nabubuhay. At (ako ay ginawang) masunurin sa aking ina at ako ay hindi Niya ginawang malupit, hindi lapastangan. At ang kapayapaan ay mapasaakin sa araw na ako ay ipinanganak, at sa araw na ako ay mamatay at sa araw na ako ay muling bubuhayin.” (Quran 19:30-33)

Dito nag-umpisa ang bahagi ng buhay ni Hesus, ang kanyang habambuhay na pagsusumikap para anyayahan ang mga tao na sambahin ang Diyos, ang kanyang pag-iwas sa mga plano ng mga hudyo na nagsisikap na siya ay patayin.

Si Maria sa Islam

Natalakay natin ang dakilang katayuan na ibinigay ng Islam kay Maria. Ibinigay ng Islam sa kanya ang katayuan ng pagiging pinaka perpektong babae na nilikha. Sa Quran, ay walang babae na halos binigyan pansin maliban kay Maria kahit na ang lahat ng mga propeta, maliban kay Adan, ay may mga ina. Ang Quran ay may 114 na kabanata, siya ay kasama sa walong mga tao na may kabanata na nakapangalan sa kanila, ang pang labing siyam na kabanata "Maryam" na kung saan ay Maria sa Tagalog. Ang pangatlong kabanata sa Quran ay ipinangalan sa kanyang ama na si Imran (Heli). Ang kabanata na Maryam at Imran ay kasama sa pinakamagagandang kabanata sa Quran. Bilang karagdagan, Si Maria ay ang nag-iisang babae lamang na tinukoy ang pangalan sa Quran. Si propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:

“Ang pinakamabubuting kababaihan sa daigdig ay apat: si Maria na anak ni Imran, si Aasiyah na asawa ni Paraon, si Khadeejah bint Khuwaylid (Ang asawa ni propeta Muhammad), at si Fatimah, ang anak ni Muhammad, ang propeta ng Diyos.” (Al-Tirmidhi)

Sa kabila ng lahat ng mga merito na ating nabanngit, Si Maria at kanyang anak na si Hesus ay tao lamang, at wala silang katangian maliban na lamang na tulad sa sangkatauhan. Silang dalawa ay mga nilikhang nilalang, at silang dalawa ay ipinangak sa mundong ito. Kahit na sila ay pinangalagaan ng Diyos mula sa paggawa ng malalaking kasalanan (kabuoang proteksyon - tulad sa ibang propeta - sa kaso ni Hesus, at bahagyang proteksyon tulad ng ibang taong matuwid sa kaso ni Maria, kung kukunin natin ang posisyon na siya ay hindi propeta) sila ay makakagawa pa rin ng pagkakamali. Hindi tulad ng sa Kristyanismo, na kung saan ang pinanghahawakan ay si Maria ay walang kasalanan[2], walang binigyan nang ganitong katangian ng pagiging perpekto maliban sa Nag-iisang Diyos.

Iniuutos ng Islam ang paniniwala at pagsasakatuparan ng mahigpit na pananalig sa nag-iisang Diyos; na walang sinuman ang magta-taglay ng higit na karaniwang kapangyarihan maliban sa Diyos, at Siya lamang ang nararapat sambahin ng nag-iisa, debusyon at pagsamba. Kahit na ang himala ay nangyari sa kamay ng mga propeta at sa matutuwid na mga tao habang sila nabubuhay, wala silang kapangyarihan na tulungan ang kanilang mga sarili, lalo na ang iba, pagtapos ng kanilang kamatayan. Ang lahat ng tao ay alipin ng Diyos at nangangailangan ng kanyang tulong at awa.

Ganoon din ang tungkol kay Maria. Kahit na maraming mga himala ang nangyari sa kanyang harapan, lahat ng ito ay tumigil pagkatapos ng kanyang kamatayan. Anuman ang inaangkin na ginawa ng mga tao na nakita nila ang mga pagpapakita ng birhen na si Maria, o kaya naman ang mga tao ay nailigtas sa kapahamakan pagkatapos manawagan sa kanya, katulad ng mga nabanggit sa panitikan ng aprocryphal tulad ng "Transitus Mariae", ay mga pagpapakita lamang na ginawa ni Satanas upang akayin ang mga tao palayo sa pagsamba at debosyon sa Nag-iisang Totoong Diyos. ang mga Debusyon tulad ng 'Ang pagtawag kay Maria' pinuri sa rosaryo at iba pang gawaing pagdadakila, tulad ng pagdebusyon sa mga simbahan at pagtutukoy sa mga pista kay Maria, lahat ng ito ay humahantong sa pagpupuri at paluluwalhati sa iba bukod sa Diyos. Dahil sa mga kadahilanang ito, ang Islam ay mahigpit na nagbabawal ng pagbabago ng kahit anong uri, tulad ng pagpapatayo ng mga sambahan sa mga lugar ng libingan, lahat ay para mapangalagaan ang kahalagahan ng lahat ng relihiyon na ipinadala ng Diyos, ang malinaw na mensahe na sambahin lamang Siyang Mag-isa at upang iwanan ang mga maling mga sinasamba bukod sa kanya.

Si Maria ay katulong na babae ng Diyos, at siya ay dalisay sa lahat ng kababaihan, na natatanging pinili upang dalhin ang mahimalang pagsilang kay Hesus, isa sa mga pinakadakila sa lahat ng mga propeta. Siya ay kilala sa pagiging banal at dalisay, at siya ay mananatili sa napakalaking pagpapahalagang ito sa paglipas man ng panahon. Ang kanyang istorya ay naisalaysay sa Banal na Quran mula pa ng magsimula si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), at magpapatuloy na ganito, di magbabago sa kanyang malinis na anyo, hanggang sa Araw ng Paghuhukom.


Mga talababa:

[1]Tingnan ang Genesis (3:16)

[2]St. Augustine: “De nat. et gratis”, 36.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat