Mga Propesiya ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Bibliya (bahagi 3 ng 4): Mga Propesiya ni Muhammad sa Bagong Tipan
Paglalarawanˇ: Ang ebidensya sa Bibliya na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi isang huwad na propeta. Bahagi 3: Isang talakayan tungkol sa propesiya na binanggit sa Juan 14:16 sa ang Parakletos, o “Tagapayo”, at kung paano mas naaangkop kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang propesiyang ito kaysa sa iba.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 8
- Tumingin: 8,341 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Juan 14:16 "at Hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng ibang tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman." (American Standard Version)
Sa talatang ito, ipinangako ni Hesus na ang isa pang "Tagapayo" ay lilitaw, at sa gayon, dapat nating pag-usapan ang ilang mga isyu tungkol sa "Tagapayo."
ang salitang Griyego na paravklhtoß, ho parakletos, ay naisalin bilang ‘Tagapayo.’ ang Parakletos na mas tiyak na nangangahulugang ‘siyang humihingi ng dahilan ng iba, isang tagapamagitan.’[1] Ang ho parakletos ay isang tao sa wikang Griyego, hindi nilalang na walang anyo. Sa wikang Griyego, ang bawat pangngalan ay nagtagtaglay ng kasarian; iyon ay, ito ay panlalaki, pambabae o neutral. Sa Ebanghelyo ni Juan, ang Mga Kabanata 14, 15 at 16 ang ho parakletos ay talagang isang tao. Ang lahat ng mga panghalip sa Griyego ay dapat sumang-ayon sa kasarian ng salitang tinutukoy nila at ang panghalip na "siya" ay ginagamit kapag tinutukoy ang parakletos. Ginagamit ng Bagong Tipan ang salitang pneuma, na nangangahulugang "hininga" o "espiritu," ang katumbas ng Griyego na ruah, ay ang salitang Hebreo para sa "espiritu" na ginamit sa Lumang Tipan. Ang Pneuma ay isang gramatikong neutral na salita at palaging kinakatawan ng panghalip na"ito."
Ang lahat ng mga kasalukuyang Bibliya ay naipon mula sa "sinaunang mga manuskrito," ang pinakaluma ay noon pang ika-apat na siglo C.E. Walang dalawang sinaunang mga manuskrito ang magkapareho .[2] Ang lahat ng mga Bibliya ngayon ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga manuskrito na walang isang tiyak na batayan. Tinangka ng mga tagasalin ng Bibliya na "piliin" ang tamang bersyon. Sa madaling salita, dahil hindi nila alam kung aling "sinaunang manuskrito" ang tama, nagpasya sila para sa atin kung aling "bersyon" mula sa mga talata ang tatanggapin. Kunin ang Juan 14:26 bilang isang halimbawa. Ang Juan 14:26 ay ang tanging talata ng Bibliya na nag-uugnay sa Parakletos sa Banal na Espiritu. Ngunit ang "sinaunang mga manuskrito" ay hindi sang-ayon na ang "Parakletos" ay ang ‘Banal na Espiritu.’ Halimbawa, ang sikat na Codex Syriacus, na isinulat noong ikalimang siglo C.E., at natuklasan noong 1812 sa Bundok Sinai, ang teksto ng 14:26 ay binabasa; na "Paraclete, ang Espiritu"; at hindi "Paraclete, ang Banal na Espiritu."
Bakit ito mahalaga? Ito ay makabuluhan sapagkat sa wikang bibliya ang "espiritu," ay nangangahulugang "isang propeta."
"Mga minamahal, huwag maniwala sa bawat espiritu, ngunit subukin ang mga espiritu kung sila ay mula sa Diyos: sapagkat maraming mga huwad na propeta ang lumabas sa mundo."[3]
Nakakadag-dag kaalaman na malaman na maraming mga iskolar sa bibliya na itinuturing na ang parakletos ay isang ‘malayang kaligtasan (pagkakaroon ng kapangyarihan upang makapagligtas) na pigura,’ hindi ang Banal na Espiritu.[4]
Kung gayon, ang tanong ay: ang Hesus na parakletos ba, ay Tagapayo, ‘Banal na Espiritu’ o isang tao - isang propeta - na susunod sa kanya? Upang masagot ang tanong, dapat nating maunawaan ang paglalarawan ng ho parakletos at tingnan kung umaangkop ito sa isang Espiritu o isang tao.
Kung patuloy nating babasahin ang kabila ng kabanata 14:16 at kabanata 16:7, ating matutuklasan na nahulaan ni Hesus ang mga tiyak na detalye ng pagdating at pagkakakilanlan ng parakletos. Samakatuwid, ayon sa konteksto ng Juan 14 & 16 natuklasan natin ang mga sumusunod na katotohanan.
1. Sinabi ni Hesus na ang parakletos ay isang tao:
John 16:13 "Siya ay magsasalita."
John 16:7 "…sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Tagapayo ay hindi paririto sa inyo."
Imposibleng ang Tagapayo ay ang "Banal na Espiritu" sapagkat ang Banal na Espiritu ay matagal nang naroroon bago pa man dumating si Hesus at sa panahon ng kanyang ministeryo.[5]
Juan 16:13 Tinukoy ni Hesus ang parakletos bilang ‘siya’ at hindi ‘ito’ ng pitong beses, walang ibang talata sa Bibliya na naglalaman ng pitong panghalip na panglalaki. Samakatuwid, ang parakletos ay isang tao, hindi isang Espiritu.
2. Si Hesus ay tinawag na parakletos:
"At kung ang sinuman ay magkasala, ay mayroon tayong tagapamagitan (parakletos) sa Ama, si Hesu-Kristo ang matuwid." (1 Juan 2:1)
Dito makikita natin na ang parakletos ay isang pisikal at tagapamagitan ng tao.
3. Ang Pagkadiyos ni Hesus ay isang makabagong pagbabago
Si Hesus ay hindi tinanggap bilang banal hanggang sa Konseho ng Nicea, 325 CE, ngunit ang lahat, maliban sa mga hudyo, ay sumang-ayon na siya ay isang propeta ng Diyos, tulad ng ipinahiwatig ng Bibliya:
Mateo 21:11 "...ito ay si Hesus ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea."
Lucas 24:19 "...Si Hesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at ng buong bayan."
4. Nanalangin si Hesus sa Diyos para sa isa pang parakletos:
Juan 14:16 "Hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng ibang parakletos."
Mga talaba:
[1] Vine’s Expository Dictionary of New Testament Words.
[2]"Bukod sa mga mas malaking pagkakaiba-iba, tulad ng mga ito, bahagyang may talata na kung saan walang pagkakaiba-iba ng parirala sa ilang mga kopya [ng mga sinaunang manuskrito kung saan nakolekta ang Bibliya]. Walang sinuman ang makakapagsabi na ang mga pagdaragdag o pagtanggi o pagbabago na ito ay mga bagay lamang na di dapat ikabahala o ipagwalang bahala na lamang." ‘Ang Ating Bibliya at mga Sinaunang mga Manuskrito (Our Bible and the Ancient Manuscripts),’ ni Dr. Frederic Kenyon, Eyre and Spottiswoode, p. 3.
[3]1 Juan 4: 1-3
[4]‘...Ang tradisyon ng mga kristiyano ay nagpakilala sa pigura na ito (Parakletos) bilang Banal na Espiritu, ngunit ang mga iskolar na tulad ni Spitta, Delafosse, Windisch, Sasse, Bultmann, at Betz ay nag-alinlangan kung ang pagkakakilanlan na ito ay totoo sa orihinal na larawan at iminungkahi na ang Parakletos ay dating hiwalay na pigura, na kalaunan ay ikinalito at naging Banal na Espiritu." ‘the Anchor Bible, Doubleday & Company, Inc, Garden City, N.Y. 1970, Volume 29A, p. 1135.
[5]Genesis 1: 2, 1 Samuel 10: 10, 1 Samuel 11: 6, Isaias 63: 11, Lucas 1: 15, Lucas 1: 35, Lucas 1: 41, Lucas 1: 67, Lucas 2: 25, Lucas 2: 26, Lucas 3:22, Juan 20: 21-22.
Magdagdag ng komento