Ang Layunin ng Paglikha (bahagi 3 ng 3): Ang Tradisyon ng Hindu
Paglalarawanˇ: Isang pagpapakilala sa pinaka-nakakalitong tanong sa kasaysayan ng tao, at isang talakayan tungkol sa mga mapagkukunan na maaaring magamit upang mahanap ang sagot. Bahagi 3: Isang pagsusuri sa mga Banal na Kasulatan ng Hindu, at isang konklusyon ukol sa paksa.
- Ni Dr. Bilal Philips
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 20 Feb 2006
- Nag-print: 4
- Tumingin: 6,091 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Lahat ay Diyos
Itinuturo ng mga banal na kasulatan sa Hindu na maraming mga diyos, pagkakatawang-tao ng mga diyos, mga persona ng Diyos at ang lahat ay Diyos, Brahman. Sa kabila ng paniniwala na ang kaluluwa (atman) ng lahat ng nabubuhay na nilalang ay totoong Brahman, isang mapang-aping sistema ng lahi ang umusbong kung saan ang mga Brahmans, ang lahi ng mga pari, ay nagtataglay ng espiritwal na kahigitan sa pagkasilang. Sila ang mga guro ng mga Vedas at kumakatawan sa huwaran na ritwal ng kadalisayan at prestihiyo sa lipunan. Sa kabilang banda, ang lahi ng Sudra ay hindi kasama sa katayuang pang relihiyon at ang kanilang nag-iisang tungkulin sa buhay ay "maglingkod nang mapitagan" sa iba pang tatlong mga lahi at sa libu-libong nasa ilalim ng mga ito.
Ayon sa mga pilosopo ng monismong Hindu, ang layunin ng sangkatauhan ay ang pagsasakatuparan ng kanilang pagka-diyos at -pagsunod sa landas (marga) hanggang sa pagpapalaya (moksha) mula sa siklo ng muling pagsilang - ang pagsamang muli ng kaluluwa ng tao (atman) tungo sa sukdulang katotohanan, Brahman. Para sa mga sumusunod sa landas ng bhakti, ang layunin ay mahalin ang Diyos dahil ginawa ng Diyos ang mga tao upang "masiyahan sa isang relasyon - gaya ng ama na nasisiyahan sa kanyang mga anak” (Srimad Bhagwatam). Para sa ordinaryong Hindu, ang pangunahing layunin ng makamundong buhay ay nakasalalay sa pagsunod sa mga ritwal at panlipunang mga tungkulin sa tradisyonal na mga patakaran ng pag-uugali para sa kanyang lahi - ang landas ng karma.
Bagama't karamihan sa relihiyon sa mga teksto ng Vedic, na umiikot sa mga ritwal ng pagsasakripisyo sa apoy, ay nahigitan ng mga doktrina ng Hindu at mga kasanayan na matatagpuan sa iba pang mga teksto, ang ganap na awtoridad at pagiging sagrado ng Veda ay nananatiling isang pinakamahalagang doktrina ng halos lahat ng mga sekta at tradisyon ng Hindu. Ang Veda ay binubuo ng apat na koleksyon, ang pinakaluma na Rigveda (“Karunungan ng mga taludtod”). Sa tekstong ito, inilarawan ang Diyos sa mga pinaka-nakakalito na mga terminolohiya. Ang relihiyon na ipinakita sa Rigveda ay isa na pagsamba sa maraming Diyos na ang pangunahing interes ay pagbibigay kasiyahan sa mga diyos na nauugnay sa kalangitan at atmospera, ang pinakamahalaga sa kanila ay sina Indra (diyos ng kalangitan at ulan), Baruna (tagapangalaga ng kaayusan ng kosmiko), Agni (ang pang sakripisyong apoy), at Surya (ang Araw). Sa mga huling teksto ng Vedic, ang interes sa mga sinaunang mga diyos ng Rigvedic ay bumaba, at ang politiesmo ay nagsimulang mapalitan ng isang sakripisyong pantiesmo kay Prajapati (“Panginoon ng mga Nilalang”), na siya ang Lahat. Sa Upanishads (sekretong mga turo tungkol sa kosmikong mga ekwasyon), pinagsanib ang Prajapati sa konsepto ng Brahman, ang kataas-taasang katotohanan at mahalaga sa daigdig, pinalitan ang anumang personipikasyon, sa gayon nabago ang mitolohiya na naging malabong pilosopiya. Kung ang nilalaman ng mga banal na kasulatang ito ang pipiliin ng mga tao para sa patnubay, masasabi ng sinuman na itinago ng Diyos ang Kanyang Sarili at ang layunin ng paglikha mula sa sangkatauhan.
Ang Diyos ay hindi ang may-akda ng pagkalito, ni hindi Niya nais na pahirapan ang sangkatauhan. Kaya naman, nang ipinahayag Niya ang Kanyang huling pakikipag-ugnayan sa sangkatauhan isang libo apat na raang taon na ang nakalilipas, tiniyak Niya na perpekto itong mapangalagaan para sa lahat ng mga henerasyon ng mga taong darating. Sa huling banal na kasulatan, ang Quran (Koran), ipinahayag ng Diyos ang layunin sa paglikha ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng Kanyang huling propeta, Kanyang lininaw ang lahat ng detalye na kayang intindihin ng tao. Ito ang batayan sa paghahayag na ito at ang propetikong mga pagpapaliwanag na dapat nating pag-aralan ang tumpak na mga sagot sa tanong na "Bakit nilikha ng Diyos ang tao?" ...
Magdagdag ng komento