Ang Layunin ng Paglikha (bahagi 2 ng 3): Ang Kasagutan ng Hudyo-Kristiyano
Paglalarawanˇ: Isang pagpapakilala sa pinaka-nakakapagtakang tanong ng kasaysayan ng tao, at isang talakayan tungkol sa mga mapagkukunan na maaaring magamit upang mahanap ang sagot. Bahagi 2: Isang pagtingin sa bibliya at paniniwala ng Kristiyano tungkol sa paksang ito.
- Ni Dr. Bilal Philips
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 20 Feb 2006
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,298 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Kasulatan ng Hudeo-Kristiyano
Ang pagsisiyasat sa bibliya ay nag-iwan sa mga totoong naghahanap ng katotohanan na ligaw. Ang Lumang Tipan ay tila mas nababahala sa mga batas at kasaysayan ng unang tao at ang mga Hudyo kaysa sa pagsagot sa mahahalagang tanong patungkol sa paglikha ng sangkatauhan. Sa Genesis, nilikha ng Diyos ang mundo at sina Adan at Eba sa anim na araw at 'nagpapahinga' mula sa Kanyang gawain sa ikapitong araw. Sinuway nina Adan at Eba ang Diyos at pinarusahan at pinatay ng kanilang anak na si Cain ang kanilang ibang anak na si Abel at napunta sa lupain ng Nod. At ang Diyos ay 'nagsisisi' na ginawa niya ang tao! Bakit wala doon ang malinaw na sagot at maliwanag na termino. Bakit napakasimboliko ng wika, na iniwan ang mambabasa upang hulaan ang mga kahulugan nito? Halimbawa, sa Genesis 6: 6 ay nakasaad:
“Nang magsimulang dumami ang mga tao sa kalupaan, at ipinanganak ang mga anak na babae, nakita ng mga anak ng Diyos na ang mga anak na babae ng mga tao ay mapuputi; at ginawa silang asawa ng ayon sa kanilang napili. "
Sino ang mga 'anak ng Diyos na ito?' Ang bawat sekta na Hudyo at bawat isa sa maraming sekta na Kristiyano na sumunod sa kanila ay may sariling paliwanag. Alin ang tamang interpretasyon? Ang katotohanan ay ang layunin ng paglikha ng tao ay itinuro ng mga sinaunang propeta, gayunpaman, ang ilan sa kanilang mga tagasunod - na nakipagsabwatan sa mga demonyo - kalaunan ay binago ang mga banal na kasulatan. Ang mga sagot ay naging hindi malinaw at karamihan sa paghahayag ay nakatago sa simbolikong wika. Nang ipinadala ng Diyos si Hesukristo sa mga Hudyo, binaliktad niya ang mga mesa ng mga mangangalakal na nagtatag ng mga negosyo sa loob ng templo, at ipinangaral niya laban sa ritwal na interpretasyon ng batas na isinasagawa ng mga rabbi (guro) ng mga Hudyo. Kinumpirma niya muli ang batas ni Propeta Moises at binuhay ito. Itinuro niya ang layunin ng buhay sa kanyang mga alagad at ipinakita kung paano ito matutupad hanggang sa kanyang mga huling sandali sa mundong ito.Gayunpaman, pagkatapos ng kanyang pag-lisan mula sa mundong ito, ang kanyang mensahe ay sinira din ng ilan na nagsasabing kabilang sa kanyang mga tagasunod.Ang malinaw na katotohanan na dinala niya ay naging hindi malinaw, tulad ng mga mensahe ng mga propeta na nauna sa kanya. Ang simbolismo ay ipinakilala, lalo na sa pamamagitan ng "Mga Pagpapahayag" ni Juan, at ang Ebanghelyo na inihayag kay Hesus ay nawala.Apat na iba pang mga ebanghelyo na binubuo ng mga kalalakihan ang napili ni Athanasius, obispo ng ika-apat na siglo,upang palitan ang nawalang Ebanghelyo ni Hesukristo. At ang 23 na mga libro ng mga sinulat ni Pablo at iba pa na kasama sa Bagong Tipan ay higit pa kaysa sa apat na bersyon ng ebanghelyo.Bilang resulta, ang mga mambabasa ng Bagong Tipan ay hindi makahanap ng tumpak na mga sagot sa tanong na "Bakit nilikha ng Diyos ang tao?" At ang isang tao ay bulag na sumusunod sa mga inimbentong doktrina ng anumang sekta na kanilang kinabibilangan. Ang mga ebanghelyo ay binibigyang kahulugan ayon sa mga paniniwala ng bawat sekta, at ang naghahanap ng katotohanan ay muling naiwan sa kung alin nga ba ang tama?
Ang Pagkakatawang-tao ng Diyos
Marahil ang pangkaraniwang konsepto sa karamihan ng mga sekta na Kristiyano tungkol sa layunin ng paglikha ng sangkatauhan ay ang Diyos ay naging tao upang mamatay Siya sa mga kamay ng mga tao upang linisin sila mula sa mga kasalanan na minana kay Adan at ng kanyang mga inapo. Ayon sa kanila, ang kasalanan na ito ay naging napakalaki kaya walang kabayaran o pagsisisi ang maaaring magbura dito. Napakabuti ng Diyos na ang makasalanang tao ay hindi makatayo sa harap Niya (para magbalik-loob).Dahil dito, tanging sakripisyo ng Diyos mismo ang makapagligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan.
Ang paniniwala o alamat na gawa ng tao ay naging tanging mapagkukunan para sa kaligtasan, ayon sa Simbahan. Dahil dito, ang Kristiyanong layunin ng paglikha ay naging pagkilala sa 'banal na sakripisyo' at pagtanggap kay Hesukristo bilang Panginoong Diyos.Maaari itong mahinula mula sa mga sumusunod na salitang maiuugnay kay Hesus sa Ebanghelyo ayon kay Juan:
“Sapagkat minamahal ng Diyos ang sanlibutan kaya't ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang naniniwala sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Gayunpaman, kung ito ang layunin ng paglikha at kinakailangan para sa buhay na walang hanggan, bakit hindi ito itinuro ng lahat ng mga propeta? Bakit hindi naging tao ang Diyos sa panahon ni Adan at ng kanyang mga anak upang magkaroon ng pantay na pagkakataon ang lahat ng sangkatauhan upang matupad ang kanilang layunin sa pagkaparito at magkaroon ng buhay na walang hanggan. O mayroon bang mga layunin bago naparoon si Hesus? Ang lahat ng mga tao ngayon na tinukoy ng Diyos na hindi nakarinig kay Hesus ay walang pagkakataon na matupad ang kanilang inaasahang layunin ng paglikha.Ang ganitong layunin, ay malinaw naman na limitado upang magkasya sa pangangailangan ng sangkatauhan.
Magdagdag ng komento