Sara Bokker, Dating Artista at Modelo, Estados Unidos
Paglalarawanˇ: Paano, si Sara Bokker, isang dating artista, modelo, guro ng kalusugan at aktibista ay binitawan ang nakakaakit na pamumuhay sa Miami para sa Islam at natagpuan ang tunay na kalayaan sa Islam at ang pamantayan ng pagdadamit sa Islam.
- Ni Sara Bokker (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Oct 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,172 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 131
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ako ay isang Amerikana na ipinanganak sa “Pinakasentro” ng Amerika. Lumaki ako, tulad ng kahit na sinong babae, na naka-tuon sa mga kaakit-akit ng buhay sa “malaking siyudad”. Kalaunan, Lumipat ako sa Florida sa South Beach ng Miami, isang sikat na lugar para sa mga taong naghahanap ng “kaakit-akit na buhay”. Syempre pa, ginawa ko kung ano ang ginagawa ng karamihan sa mga babae. Nakatuon ako sa hitsura at apela, inaayon ang aking sariling halaga sa kung gaano karami ang pansing aking natatanggap mula sa iba. Nag-ehersisyo ako ng mahigpit at naging isang tagasanay, nakakuha ng isang mamahaling tirahan sa may aplaya, naging regular na “makikita” sa tabing-dagat at nakamit ko ang “pamumuhay sa istilo” na buhay.
Lumipas ang mga taon, nang aking mapagtanto na ang aking sukatan ng pansariling katuparan at kaligayahan ay bumababa habang pinaghuhusay ko pa ang aking “pambabaeng apela”. Ako ay alipin ng moda. Ako ay bihag ng aking hitsura.
Habang nagpapatuloy ang paglaki ng agwat sa pagitan ng aking pansariling katuparan at pamumuhay, naghanap ako ng kanlungan upang makatakas mula sa alak at mga salu-salo sa pagmumuni-muni, aktibismo, at mga alternatibong relihiyon, ngunit lalo lamang lumaki ang maliit na agwat na naging parang isang lambak na. Kalaunan aking napagtanto ang lahat ng mga ito ay pamatay kirot lamang sa halip na epektibong lunas.
Bilang isang libertaryang peminista, at isang akibista na nagsusumikap matamo ang isang mas mahusay na mundo para sa lahat, nakasalubong ng aking landas ang isa pang aktibista na nangunguna sa walang pinipiling karagdagang mga sanhi ng pagbabago at katarungan para sa lahat. Ako ay sumapi sa nagpapatuloy na kampanya ng aking guro kung saan kalakip, sa panahong yaon, ang halalan para sa pagbabago at karapatang pambayan, at bukod sa iba pa. Ngayon ang aking pagiging aktibismo ay naiiba. Sa halip na “pinipili” ang isinusulong na katarungan para sa ilan lamang, aking natutunan na ang mga mithiin tulad ng katarungan, kalayaan, at paggalang ay itinakda at pangkalahatang kahalagahan, at ang pansariling kabutihan at pangkalahatang kabutihan ay hindi nagsasalungat. Sa unang pagkakataon, napagtanto ko ang ibig sabihin ng “lahat ng tao ay nilikha na magkakapantay”. Ngunit ang pinakamahalaga, ay aking natutunan na kinakilangan lang ng pananampalataya upang makita ang mundo na iisa at makita ang kaisahan sa paglikha.
Isang araw may natagpuan akong aklat na tinatanggihan sa Kanluran--Ang banal na Quran. Hanggang sa puntong iyon, ang tangi ko lang nalalaman sa Islam ay kababaihang nakatakip sa mga "tolda", mga nambubugbog ng asawa, mga harem, at mundong puno ng terorismo. Sa una ako ay naakit sa estilo at pamamaraan ng Quran, at pagkatapos ako ay naintriga sa pananaw nito sa pag-iral, pagkalikha, buhay, mga nilikha, at ang kaugnayan sa pagitan ng Tagapaglikha at nilikha. Natagpuan ko ang Quran na puno ng kaalaman na pinatutungkulan ang puso at kaluluwa na hindi kailangan ng tagapagsalin o pastor.
Kinalaunan napagtanto ko ang isang sandali ng katotohanan: ang aking bagong tagpong sariling kasiyahan, ang aktibismo ay wala nang iba kundi pagyakap sa isang pananampalatayang tinatawag na Islam kung saan ako ay maaaring mabuhay ng mapayapa bilang isang “kapaki-pakinabang” na Muslim.
Ako ay bumili ng isang napakagandang gown na mahaba at pantakip sa ulo kahawig ng pananamit ng babaeng muslim at ako ay naglakad sa mga kalsada at mga kapitbahayan kung saan ako ay naglalakad ilang araw lamang ang nakakalipas nang naka-shorts, bikini, o “elegante” na damit pangkanluran. Kahit na ang mga tao, mga mukha, at mga tindahan ay ganoon pa rin, isang bagay lamang ang naiiba: ang kapayapaan sa pagiging babae na aking naranasan sa unang pagkakataon. Aking naramdaman na para bang ang mga kadena ay naputol at ako ay malaya sa wakas. Ako ay sobrang natuwa sa mga bagong hitsura ng pagtataka sa mukha ng mga tao sa halip na hitsura ng isang mangangaso na pinapanood ang kanyang biktima na aking dating hinahanap-hanap. Biglang parang may bigat na nawala sa aking mga balikat. Hindi ko na ginugugol lahat ng aking oras na nauubos lamang sa pamimili, pagpapaganda, pagpapaayos ng buhok, at pag eehersisiyo. Sa wakas, ako ay malaya.
Sa lahat ng lugar, aking natagpuan ang aking Islam (ganap na pagsunod at pagpapasakop) na nasa gitna ng tinatawag ng iba na “ang pinaka-iskandalosong lugar sa mundo”, kaya lahat ng ito ay nagiging kamahal-mahal at natatangi.
Di nagtagal, nagsimula ang balita tungkol sa mga pulitiko, mga klerigo ng Vatican, mga libertaryan, at ang tinatawag na karapatang pantao at mga aktibista ng kalayaan na hatulan ang Hijab (bandana) bilang pang-aapi sa kababaihan, isang balakid sa pagsasama ng lipunan, at kamakailan lamang, tinawag ito ng isang opisyal sa Ehipto na - “isang senyales ng pagiging paurong.”
Nakikita ko ito bilang isang maliwanag na pagkukunwari kapag ang ibang tao at ang tinatawag na mga grupo ng karapatang pantao ay nagmamadali upang ipaglaban ang karapatang pambabae kapag ang mga gobyerno ay nagpataw ng isang pamantayan ng pananamit sa kababaihan, gayon pa man ang ibang “mandirigma sa kalayaan” ay hindi ibinabaling ang kanilang pansin kapag ang mga kababaihan ay inaagawan ng kanilang karapatan, trabaho, at edukasyon sa kadahilanang pinili nilang itayo ang kanilang karapatan na isuot ang kanilang mga Hijab.
Sa ngayaon ako parin ay peminista, ngunit isang peministang Muslim, na nananawagan sa mga Muslim na kababaihan upang gampanan ang kanilang responsibilidad sa pagbibigay ng kanilang suporta ng abot ng kanilang kakayanan para sa kanilang mga asawa na maging mabuting Muslim. Upang palakihin ang kanilang mga anak nang matuwid na mga Muslim upang sila ay muling magsilbing ilaw para sa buong sangkatauhan. Upang ipag-utos ang kabutihan - kahit na anong kabutihan - at ipagbawal ang kasamaan -kahit na anong kasamaan. Upang magsalita ng makatuwiran at magsalita laban sa mga kamalian. Upang ipaglaban ang aming karapatan sa pagsusuot ng Hijab at pasiyahin ang aming Tagapaglikha sa anumang paraan na aming mapili. Ngunit kasing-halaga na iparating ang aming karanasan sa Hijab sa kapwa kababaihan na walang pagkakataon na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pagsusuot ng Hijab at kung bakit namin sinusuot ito, na may sobrang pagmamahal, at tinatanggap ito.
Pumapayag o hindi pumapayag, ipinipilit sa mga babae ang mga estilo ng “pagbibihis ng kapiranggot na parang wala na” halos sa lahat ng paraan ng komunikasyon sa lahat ng dako ng mundo. Bilang isang dating Hindi Muslim, iginigiit ko sa karapatang pambabae na malaman ng patas ang Hijab, ang kabutihan nito, at ang kapayapaan at kaligayahan na ibinibigay nito sa buhay ng isang babae tulad ng ibinigay nito sa akin. Kahapon, ang bikini ay ang simbolo ng aking kalayaan, ngunit sa katunayan pinalaya lamang ako nito mula sa aking spiritwalidad at tunay na halaga bilang isang kagalang-galang na tao.
Ako ay sobrang natutuwa na talikdan ang aking bikini sa South Beach at ang “nakakaakit” na makakanlurang pamumuhay upang mabuhay ng mapayapa kasama ang aking Tagapaglikha at tamasahing mabuhay kasama ang aking kapwa bilang taong may halaga.
Sa panahon ngayon, Hijab ang bagong simbolo sa pagpapalaya ng mga kababaihan upang hanapin ang kanyang sarili, ano ang kanyang layunin, at ang uri ng ugnayan na kanyang pinili sa kanyang Tagapaglikha.
Para sa mga babaeng sumuko sa di magandang katawagan laban sa kahinhinan ng Hijab sa Islam, aking sasabihin sa inyo: Hindi ninyo alam kung ano ang inyong kinakaligtaan.
Magdagdag ng komento