Ang mga Himala ni Muhammad (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang kalikasan ng mga himala na isinagawa sa mga kamay ng mga propeta.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 18 Mar 2014
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,525 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Bukod sa pinakadakilang himala na ibinigay sa kanya, ang Quran, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsagawa ng maraming pisikal na himala na nasaksihan ng kanyang mga nakasabayan na may bilang ng daan-daan, at sa ilang mga pagkakataon ay libu-libo.[1] Ang mga ulat ng himala ay umabot sa atin sa pamamagitan ng isang maaasahan at matibay na pamamaraan ng paghahatid na hindi matutumbasan sa kasaysayan ng mundo. Para bagang ang mga himala ay isinagawa sa harapan ng ating mga mata. Ang maselang pamamaraan ng paghahatid ay ang nakahikayat sa amin na si Muhammad (pbuh) ay ang tunay na nagsagawa ng mga dakilang himala na may banal na tulong at, sa gayon, maaari nating paniwalaan nang siya ay nagsabing, 'Ako ang Sugo ng Diyos.'
Ang mga dakilang himala ni Muhammad (pbuh) ay nasaksihan ng libu-libong mga mananampalataya at mga nag-aalinlangan, na sinusundan ng mga talata sa Qur'an na inihayag at binanggit ang mga kagila-gilalas na mga kaganapan. Ang Qur'an ay gumawa ng ilang mga himala na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-ukit ng mga ito sa diwa ng mga mananampalataya. Ang mga sinaunang nambabatikos ay nananatiling tahimik na lamang kapag ang mga talatang ito ay binibigkas. Kung hindi naganap ang mga himalang ito, maaari nilang magamit ang pagkakataon upang usigin ito at pasinungalingan si Muhammad (pbuh). Ngunit sa halip, ang kabaligtaran ang naganap. Ang mga mananampalataya ay lalo pang natiyak ang katotohanan ni Muhammad (pbuh) at ng Qur'an. Ang katotohanang ang matatapat ay mas lumakas sa kanilang pananampalataya at ang katahimikan ng mga di-mananampalataya at hindi pagtanggi sa pangyayari nito ay pagkilala mula sa kapwang mga himala na naganap nang eksakto tulad ng pagkakalarawan ng Qur'an.
Sa bahaging ito ating tatalakayin ang ilan sa mga pisikal na himala na isinagawa ni Muhammad (pbuh), nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.
Ang mga Himala ay Mula sa Banal na Kapangyarihan
Ang himala ay isa sa mga salik na higit na nagpapatibay sa pag-angkin bilang isang propeta ng Diyos. Ang mga himala ay hindi dapat maging tanging diwa ng paniniwala, dahil ang mga kagila-gilalas na kaganapan ay maaari ring maganap sa pamamagitan ng paggamit ng mahika at mga diyablo. Ang katotohanan ng pagkapropeta ay malinaw at maliwanag sa katunayan ng mensaheng dinala, dahil ang Diyos ay naglagay ng isang kakayahan, bagama't limitado, sa mga tao upang kilalanin ang katotohanan tulad nito, partikular sa usapin ng monoteismo. Ngunit upang higit pang palakasin ang argumento ng Pagkapropeta, ang Diyos ay gumawa ng mga himala sa mga kamay ng Kanyang mga Propeta mula kay Moises, Hesus hanggang kay Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala). Sa kadahilanang ito, ang Diyos ay hindi gumawa ng mga himala para sa kahilingan ng mga taga-Makkah, ngunit ang Matalinong Diyos ay binigyan si Muhammad (pbuh) ng mga himalang nais Niya sa oras na pinili Niya:
"At sila ay nagsasabi, 'Kami ay hindi maniniwala sa iyo hangga't hindi mo magawang magpabulwak para sa amin ng isang bukal mula sa lupa, o [hanggang] ikaw ay magkaroon ng hardin ng mga datiles at ubasan, at magawa mong paagusin ang ilog nang sapilitan sa kanila [at masagana] o kaya’y magawa mong ihulog ang langit sa amin nang pira-piraso tulad ng iyong sinabi, o dalhin mo ang Diyos at ang mga anghel sa [aming] harapan o kaya’y ikaw ay magkaroon ng bahay na pinalamutian [ng ginto] o di kaya, ikaw ay umakyat patungong kalangitan. At [gayunpaman], hindi pa rin kami maniniwala sa iyong pag-akyat hanggang maibaba mo para sa amin ang isang Aklat na maaari naming basahin.” Sabihin: “Luwalhati sa aking Panginoon. Hindi ba ako ay isang taong isinugo lamang?” (Quran 17:90-93)
Ang kasagutan ay:
"At walang pumigil sa Amin mula sa pagpapadala ng [mga kapahayagang ito tulad ng mga nauna], na may mahimalang mga palatandaan [bunga nito], panatilihin [ang Aming kaalaman] na ang mga naunang mamamayan [na madalas lamang] ay nagtakwil sa mga ito: kaya, Aming ibinigay sa [Tribu ng] Thamud ang babaeng kamelyo bilang malinaw na babala, ngunit ito ay kanilang ginawan ng kamalian. At hindi Kami nagpadala ng mga palatandaang yaon sa ibang kadahilanan maliban bilang isang babala." (Quran 17:59)
Nong humingi ng mapanlinlang, ang Diyos sa Kanyang karunungan ay nalalamang hindi sila maniniwala, kaya tumanggi Siyang ipakita sa kanila ang mga himala:
"Ngayon sila ay sumusumpa ng pinakamatinding panunumpa na kung may himalang ipapakita sa kanila, katiyakan sila ay maniniwala rito [sa banal na utos]. Sabihin: 'Ang mga himala ay nasa kapangyarihan ng Diyos lamang.' 'At sa lahat ng inyong kamalayan, na kahit ang isa ay ipakita sa kanila, sila ay hindi pa rin maniniwala hanggat Aming ililihis ang kanilang mga puso at ang kanilang mga paningin [palayo mula sa patnubay], tulad ng kanilang pagtutol na maniwala rito sa unang pagkakataon: at [kaya] Aming hahayaan sila sa kanilang patuloy na pagsuway, bulag na magpalabuy-laboy sa kawalan." (Quran 6:109-110)
Nagtipon kami dito ang ilan sa mga pangunahing pisikal na himala na isinagawa ng Propeta Muhammad (pbuh).
Mga talababa:
[1] Ang mga himala ay umabot ng mahigit sa isang libo. Tingnan ang ‘Muqaddima Sharh’ Saheeh Muslim’ ni al-Nawawi at ‘al-Madkhal’ ni al-Baihaqi.
Magdagdag ng komento