Ang Kuwento ni Adan (bahagi 5 ng 5): Ang Unang Tao at Modernong Agham
Paglalarawanˇ: Ang ilang mga modernong natuklasan tungkol sa pagkakapareho ng mga tao sa paghahambing sa ilang mga katotohanan sa Quran.
- Ni Aisha Stacey (© 2008 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 20 Apr 2008
- Nag-print: 6
- Tumingin: 9,751 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa Islam, walang salungatan sa pagitan ng pananampalataya sa Diyos at modernong kaalaman sa agham. Sa katunayan, sa maraming siglo sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, pinamunuan ng mga Muslim ang mundo sa pananaliksik at paggalugad sa agham. Ang Quran mismo, na ipinahayag sa humigit-kumulang 14 na siglo na ang nakalilipas, ay puno ng mga katotohanan at larawan na sinusuportahan ng mga modernong natuklasan sa agham. Ang tatlo sa mga ito ay babanggitin dito. Sa tatlong yon, ang pagbuo ng wika at mitrochondrial Eve o Ina ng sangkatauhan (henetika) ay kaugnay na bagong hanay ng pagsasaliksik sa agham.
Inutusan ng Quran ang mga Muslim na “pagnilay-nilayan ang tungkol sa pagkakalikha ng kalangitan at kalupaan.” (Quran 3:191)
Ang isa sa mga bagay na dapat pagmuni-munihan ay ang pahayag:
“Katotohanan, gagawa ako ng tao mula sa luwad...” (Quran 38:71)
Sa katunayan, maraming mga elemento na meron sa lupa ay meron din sa katawan ng tao. Ang pinaka kritikal na sangkap para sa mga nabubuhay sa lupa ay ang unang bahagi ng lupa o pinaka tuktok nito; itong manipis na layer (patong) na maitim, organikong mayabong na lupa kung saan kumakalat ang mga ugat ng mga halaman. Dito sa manipis, at mahalagang parte ng lupa na ito kung saan ang mga mikroorganismo ay nababago at nagiging sariwa na mapagkukunan, ang mga mineral na bumubuo ng pangunahing luwad ng unang bahagi ng lupa, at magagamit ang mga ito sa napakaraming mga anyo ng buhay sa paligid at ibabaw nila.
Ang mga mineral ay elementong di-organiko na nagmula sa lupa na hindi maaaring gawin ng katawan. Ginagampanan nila ang mga mahahalagang papel sa iba't ibang mga pagpapatakbo sa katawan ng tao at kinakailangan upang mapanatili ang buhay at mapanatili ang pinakamainam na kalusugan, at sa gayon ay mga mahahalagang nutrisyon.[1] Ang mga mineral na ito ay hindi maaaring gawin ng tao; hindi sila maaaring gawin sa isang laboratoryo ni magagawa sa isang pabrika.
Sa mga selula na binubuo ng 65-90% na tubig sa pamamagitan ng timbang, ang tubig, o H2O, ang bumubuo sa karamihan sa katawan ng tao. Samakatuwid ang karamihan sa bumubuo sa katawan ng tao ay oxygen. Ang carbon, na pangunahing yunit para sa mga organikong molekula, ay pumapangalawa . Ang 99% ng karamihan sa katawan ng tao ay binubuo lamang ng anim na elemento: oxygen, carbon, hydrogen, nitrogen, calcium, at phosphorus.[2]
Ang katawan ng tao ay naglalaman ng mga iilan sa halos bawat mineral na matatagpuan sa lupa; kabilang ang sulphur, potassium, zinc, copper, iron, aluminium, molybdenum, chromium, platinum, boron, silicon selenium, molybdenum, fluorine, chlorine, iodine, manganese, cobalt, lithium, strontium, aluminium, lead, vanadium, arsenic, bromine at higit pa.[3] Kung wala ang mga mineral na ito, ang mga bitamina ay maaaring maging hindi mabisa o walang epekto. Ang mga mineral ay mga tagatulak o nagpapaibayo, nagpapaandar sa libu-libong mga mahahalagang reaksyon ng enzyme sa katawan. At kung wala ang mga mineral na ito, ang mga bitamina ay maaaring magkaroon ng kaunti o walang epekto. Ang mga mineral ay mga tagatulak o tagapag-ibayo, na nagsasanhi para sa libu-libong mga mahahalagang reaksyon ng enzyme sa katawan. Ang mga iilang kaunting elemento ay may mahalagang papel sa pagiging malusog ng isang tao. Kilala na ang walang sapat na iodine ay magdudulot sa isang sakit sa thyroid gland at ang kakulangan ng cobalt ay magiging kakulangan din sa bitamina B12, at sa gayon ay hindi makakagawa ng mga red blood cells (dugo).
Ang isa pang taludtod na dapat pagnilay-nilayan ay:
“Itinuro Niya kay Adan ang lahat ng mga pangalan ng lahat.” (Quran 2:31)
Itinuro kay Adan ang mga pangalan ng lahat; ang mga kapangyarihan ng pangangatuwiran at malayang kalooban ay ibinigay sa kanya. Natutunan niya kung paano maiuri ang mga bagay at maunawaan ang kanilang pakinabang. Sa gayon, itinuro ng Diyos ang mga kasanayan sa wika ni Adan. Tinuruan Niya si Adan kung paano mag-isip - magsagawa ng kaalaman upang malutas ang mga problema, gumawa ng mga plano at desisyon at makamit ang mga layunin. Tayo, ang mga anak ni Adan, ay minana ang mga kasanayang ito upang maaari tayong mamuhay sa mundo at sambahin ang Diyos sa pinakamagandang paraan.
Tinantya ng mga Linggwistiko na higit sa 3000 na magkakahiwalay na wika ang umiiral sa mundo ngayon, lahat ay natatangi, na ang mga nagwiwika ng isa ay hindi mauunawaan ang iba, gayunpaman ang mga wikang ito ay pareho lang ang pinagmulan na posible nating masabi na 'wika ng tao' sa pang-isahan.[4]
Ang wika ay isang natatanging anyo ng komunikasyon na may kinalaman sa pag-aaral ng mga kumplikadong patakaran sa paggawa at pagsasama ng mga simbolo (mga salita o kilos) sa isang walang katapusang bilang ng mga makabuluhang pangungusap. Ang wika ay umiiral dahil sa dalawang simpleng prinsipyo, - mga salita at gramatika.
Ang isang salita ay isang tuntunin na pagpapares sa pagitan ng isang tunog o simbolo at isang kahulugan. Halimbawa, sa wikang Tagalog ang salitang pusa ay hindi mukhang o tunog o pakiramdam tulad ng isang pusa, ngunit tumutukoy ito sa isang tiyak na hayop dahil lahat tayo ay kabisado ang pagpapares na ito noong tayo'y mga bata pa lamang. Ang gramatiko ay tumutukoy sa isang hanay ng mga patakaran para sa pagbubuo ng mga salita sa mga parirala at pangungusap. Tila nakakagulat ito, ngunit ang lahat ng mga nagwiwika ng 3000 na magkakahiwalay na mga wika ay natutunan ang parehong apat na mga patakaran ng wika.[5]
Ang unang panuntunan sa wika ay ponolohiya - kung paano natin ginagawa ang mga makabuluhang tunog. Ang mga ponemes ay pangunahing tunog. Pinagsasama natin ang mga poneme upang mabuo ang mga salita sa pamamagitan ng pag-aaral ng pangalawang panuntunan: morpolohiya. Ang morpolohiya ay ang sistema na ginagamit natin upang ipangkat ang mga poneme upang makabuo ng mga makabuluhang pagsasama-sama ng mga tunog at salita. Ang isang morpema (morpheme) ay ang pinakamaliit, makabuluhang pagsasama-sama ng mga tunog sa isang wika. Matapos matutunang pagsamahin ang mga morpema upang makabuo ng mga salita, natututunan nating pagsamahin ang mga salita sa mga makabuluhang pangungusap. Ang pangatlong patakaran ng wika ay namamahala sa syntax o grammar. Ang hanay ng mga patakaran na ito ay tumutukoy kung paano natin pinagsasama ang mga salita upang mabuo ang mga makabuluhang parirala at pangungusap. Ang pang-apat na patakaran ng wika ay namamahala sa mga semantika - ang tiyak na kahulugan ng mga salita o parirala sa paglitaw nito sa iba't ibang mga pangungusap o konteksto.
Ang lahat ng mga bata, saan man sila sa mundo, ay dumaan sa parehong apat na yugto ng wika dahil sa mga likas na kadahilanan ng wika. Ang mga kadahilanan na ito ay nagpapadali sa kung paano natin ginagawa ang tunog ng pagsasalita at kumukuha ng mga kasanayan sa wika. Sinabi ng kilalang linggwistikong si Noam Chomsky na ang lahat ng mga wika ay nagbabahagi ng isang pangkaraniwang unibersal na gramatika, at ang mga bata ay nagmana ng isang programang pangkaisipan upang matutunan ang pangkalahatang gramatiko na ito [6]
Ang ikatlong bersikulo na dapat pagnilayan ay tungkol sa pinanggalingan ng lahi:
“O sangkatauhan! Pangambahan ang inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae.” (Quran 4:1)
Sa pagkakatanto na ang lahat ng mga pinagmulan ng mtDNA (Africa, Asya, Europa at Amerika) ay maaaring matunton pabalik sa iisang pinagmulan ay tanyag sa katawagan na "mitochondrial Eve" na teorya. Ayon sa mga nangungunang siyentipiko[7] at modernong pananaliksik, ang bawat tao sa planeta ngayon ay maaaring suriin ang isang tiyak na bahagi ng kanyang pinanggalingan na henetika pabalik sa isang babae sa pamamagitan ng isang natatanging bahagi ng ating kabuuan na henetika, ang mitochondrial DNA (mtDNA). Ang mtDNA o "mitochondrial Eve" ay naipasa sa pamamagitan ng mga siglo mula sa ina hanggang sa anak na babae (ang mga lalaki ay nagdadala, ngunit hindi naipapasa) at umiiral sa loob ng lahat ng mga taong nabubuhay ngayon.[8] Ito ay tanyag na kilala bilang "teorya ng Eba" sapagkat, tulad ng paliwanag mula sa itaas, ipinapasa ito sa X chromosome. Pinag-aaralan din ng mga siyentipiko ang DNA mula sa Y chromosome (marahil ay tatawaging "teorya ng Adan"), na naipapasa lamang mula sa ama hanggang sa anak na lalaki at hindi na sumasama sa mga henetika ng ina.
Ang mga ito ay tatlo lamang sa maraming mga kababalaghan ng nilikha na iminumungkahi ng Diyos na pagnilayan natin sa pamamagitan ng Kanyang mga talata sa Quran. Ang buong sansinukob, na nilikha ng Diyos, ay tumatalima at sumusunod sa Kanyang mga batas. Samakatuwid ang mga Muslim ay hinihikayat na maghanap ng kaalaman, galugarin ang sansinukob, at hanapin ang "Mga Palatandaan ng Diyos" sa Kanyang nilikha.
Mga talababa:
[1] (http://www.faqs.org/nutrition/Met-Obe/Minerals.html)
[2] Anne Marie Helmenstine, Ph.D., Your Guide to Chemistry.
[3] Minerals and Human Health The Rationale for Optimal and Balanced Trace Element Levels by Alexander G. Schauss, Ph.D.
[4] Pinker, S., & Bloom, P. (1992) Natural Language and natural selection. In Gray. P. (2002). Psychology. 4th ed. Worth Publishers: New York
[5] Plotnick, R. (2005) Introduction to Psychology. 7th Ed .Wadsworth:USA
[6] Gray. P. (2002). Psychology. 4th ed. Worth Publishers: New York
[7] Douglas C Wallace Propesor ng Biological Sciences and Molecular Medicine. Sa Unibersidad ng California.
[8] Discovery channel documentary – The Real Eve.
Magdagdag ng komento