Ang Mga Palatandaan ng Diyos (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang Quran ay ang pinakadakilang himala ng Diyos at ipinadala kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na siyang huling Propeta para sa lahat ng sangkatauhan. Bahagi 2: Kalikasan - isa pang mahusay na tanda ng Diyos na maraming beses na binanggit sa Quran.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Sep 2018
- Nag-print: 3
- Tumingin: 3,893 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
4) Kalikasan
Ang anumang naririto sa mundo sa anyo ng mga kagubatan, ilog, bundok, talon, karagatan, at magkakaibang uri ng mga halaman at hayop ay talagang isang kahanga-hangang bagay. Hindi ang lumba-lumba na nagbibigay sa sarili ng pinakabago at mahusay na sistema ng sonar sa mundo, at hindi rin ang agila na nagbibigay sa sarili ng paningin ng apat o limang beses na mas malakas kaysa sa mga tao - silang dalawa ay ang mga gawa ng Lumikha na ginawa Niyang perpekto ang lahat. Ang pagmamasid sa Kanyang nilikha ay isang paraan upang malaman kung gaano kapansin-pansin at may kakayahan ang Lumikha.
Nagpapakita ang Diyos ng mga palatandaan sa mga hayop na nilikha Niya ito upang maglingkod sa atin. Ang mga kabayo, mola, at mga asno ay para sa sangkatauhan upang gawing sasakyan para sa malalayong lugar na matatagalan kung ito ay lalakarin gamit ang mga paa. Ang mga baka, tupa, at mga kambing ay gumagawa ng gatas, at ginagamit natin ang kanilang mga katad at balahibo at para sa damit, at kinakatay natin sila para sa karne; habang ang mga manok ay nagbibigay ng milyon-milyong mga itlog araw-araw - lahat ng ito ay mga palatandaan upang makilala natin ang mga pagpapala ng Diyos sa atin at magpasalamat sa Kanya. "At katotohanan, sa mga pinapastulang hayop [mula sa kawan ng bakahan], ay isang aral. At kayo ay Aming binigyan ng inumin na nagmumula sa kanilang mga tiyan - sa pagitan ng [kanilang] labasan [ng dumi] at dugo - malinis na gatas; [na] mainam na inumin para sa mga nagsisi-inom. At mula sa mga bunga ng mga punong datiles at mga ubasan, inyong [nakakatas at] nakukuha [mula rito] ang matapang na inumin at mabubuting panustos. Katotohanan, naririto ang isang ayaah [aral] para sa taong nakauunawa." (Quran 16:66-67)
Tumingin sa langit sa itaas sa atin; ang kapaligiran ng mundo ay ginawa na may natatanging proteksiyong patong. Ang araw ay nagbibigay sa atin ng ilaw na ginagawang posible ang buhay, ang tagilid na axis nito ay nagbibigay sa atin ng apat na panahon upang masiyahan tayo sa iba't ibang mga klima. Ang mga bituin, kometa, at lahat ng bagay na nakikita natin sa kalawakan ay dapat nating tingnan, humanga sa kanilang kagandahan, kilalanin na nilikha ng Diyos ang uniberso, at kinikilala na tiyak na nilikha ito para sa isang layunin. Sa katunayan, lahat ng bagay sa ating uniberso ay ginawa para sa atin. "Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at ng araw, at sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa [laot ng] karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga tao, at sa anumang ibinaba ng Allah mula sa kalangitan - ang tubig [o ulan] na nagbigay-buhay sa dati’y tigang na lupa at sa lahat [ng uri] ng mga nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon at sa pagbabago [ng ihip] ng mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran [sa Kanyang kautusan] sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga mamamayang nakauunawa." (Quran 2:164)
Ang pagkakaiba-iba ng mga tao, pagkakaiba ng mga kasarian, at ang lahat ng mabuti sa buhay ay lahat ng ito ay mga palatandaan ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng anuman at ng Kanyang kabaitan. "At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan], na Kanyang nilikha para sa inyo ang mga asawang nagmula [rin] sa inyong mga sarili, upang inyong matagpuan sa kanila ang kapanatagan [ng loob] at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at habag. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nag-iisip. At kabilang sa Kanyang mga ayaat [palatandaan] ay ang pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang pagkakaiba ng inyong mga dila [wika] at ng inyong mga kulay. Naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga nagtataglay ng kaalaman." (Quran 30:21-22)
Hindi lamang ang na ang ulan ay pagpapala at tubig na mapagkukunan ng lahat ng buhay, ngunit ang madalas na pagbanggit ng pag-ulan sa Quran ay para sa isang mas dakilang layunin. "At Siya ang nagpadala ng mga hangin bilang tanda ng magandang balita bago [dumating] ang Kanyang habag [ang ulan], hanggang ang mga ito ay magpasan ng mabigat na ulap, Aming itinaboy ito patungo sa tigang na lupa at Aming ibinaba ang tubig [ulan] doon. At Aming pinatubo sa pamamagitan nito [ng ulan] ang bawa’t uri ng prutas. Ganyan Namin palalabasin [bubuhaying muli] ang mga patay upang sakali kayo ay mapaalalahanan." (Quran 7:57) "At kabilang sa Kanyang mga ayaat [tanda ay ito]; na iyong nakikita ang lupa na [dati ay] tigang, nguni’t kapag Aming ibinaba ang tubig [o ulan] dito, ito ay gumagalaw at [ang mga pananim nito] ay tumutubo. Katotohanan, Siya na nagbigay ng buhay nito [ng lupa], ay Siya ring magbibigay ng buhay sa [dati ay] patay. Katotohanan Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay." (Quran 41:39)Matapos ang pag-ulan ay dapat tandaan ng isa sa atin na ang Diyos (sa pamamagitan ng kilalang mga proseso ng biological at kemikal) ay mula sa isang patay na binhi patungo sa isang nabubuhay na halaman. Dapat itong kilalanin ng isang tao na katulad sa kung paano binuhay ng Diyos ang isang patay na binhi. Sa Araw ng Paghuhukom ang lahat ng sangkatauhan ay bubuhayin Niyang Muli para sa paghatol.Ang pagkaalam nito ay dapat humantong sa isa atin upang maghanda para sa araw na hindi pa naganap sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang nakalulugod sa Diyos at maiwasan ang mga ikinagagalit Niya.
Sa gayon ang Diyos ay nagpapakita ng mga palatandaan sa mga tao na kung ang sinusunod ay humahantong sa tunay na patnubay sa Kanya; isang patnubay na mas maliwanag kaysa sa araw. Ang patnubay na ito ay Islam. "Isinuko na ba ninyo ang inyong mga sarili (sa Islam)?” At kung sila’y nagsisuko, tunay nga na sila’y napatnubayan nang matuwid. Nguni’t, kung sila ay magsisitalikod, magkagayon ang nakaatang sa iyo ay ang [tungkuling] ipalaganap lamang nang malinaw [ang mensahe]; at ang Allah ay Ganap na nakakikita sa [Kanyang] mga alipin." (Quran 3:20) "Sa Araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking pagpapala sa inyo at ikinalugod [na pinili] para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon." (Quran 5:3) At para sa mga taong tumanggi sa mga palatandaan ng Diyos, ang mga tanda ay magiging ebidensya na gagamitin laban sa kanila sa Araw ng Paghuhukom. Ang sinumang tumugon sa mga palatandaan ng Diyos at sumusunod sa Kanyang landas ay gagantimpalaan ng tunay na walang hanggang kaligayahan, ang Paraiso, at ang sinumang tumanggi sa mga palatandaan ng Diyos ay parurusahan ng pinakamatinding walang hanggang pagdurusa, sa Impiyerno.
Magdagdag ng komento