90 Talata na Nagsasaad: Na si Hesus ay Hindi Diyos
Paglalarawanˇ: Kahit pa ang bibliya ay nabago, mayroon pa ring malinaw at maliwanag na mga talata na nagpapakitang si Hesus ay hindi diyos. Unang bahagi: Isang panimula at listahan ng ilan sa mga talatang ito.
- Ni Adenino Otari
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 27 Aug 2020
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,856 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang apat na Ebanghelyo ay nagtala kay Hesus na nagsabing, “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.”
Ang salitang ‘anak’ ay hindi uunawain ng literal dahil sa Bibliya, tinawag ng Diyos ang marami sa kanyang mga piling tagapaglingkod bilang ‘anak‘ at ‘mga anak‘. Ang mga Hebreo ay naniniwala na ang Diyos ay Nag-iisa, at hindi nagkaroon ng asawa o mga anak sa anumang literal na kahulugan. Samakatuwid, malinaw na ang pahayag na ‘anak ng Diyos‘ ay nangangahulugan lamang na ‘Tagapaglingkod ng Diyos‘; isa na, dahil sa kanyang tapat na paglilingkod, ay malapit at kamahal-mahal sa Diyos katulad ng isang anak sa kanyang ama.
Ang mga Kristiyanong ang kinagisnang lipunan ay mula Griyego at Romano, ay kalaunang gumamit sa terminong ito sa maling pagkaunawa. Sa kanilang namanang kultura, ang salitang ‘anak ng Diyos‘ ay nagpapahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos o isang tao na isinilang sa pisikal na pag-iisa sa pagitan ng lalaki at babaeng diyos. Ito'y makikita sa Aklat ng Mga Gawa 14:11-13, kung saan mababasa na, nang si Pablo at Barnabas ay nangaral sa syudad ng Turkey, inihayag ng mga pagano na sila'y katawang-tao ng diyos. Tinawag nila si Barnabas bilang 'ang Romanong diyos' na si Zeus, at si Pablo bilang 'ang Romanong diyos' na si Hermes.
Higit pa dito, ang salitang Griyego sa Bagong tipan na isinalin na 'anak' ay ang 'pias' at 'paida' na nangangahulugang 'lingkod' , o 'anak sa diwang tagapaglingkod'. Ang mga ito ay isinalin na 'anak' kung patungkol kay Hesus at 'lingkod' kung tumutukoy sa iba sa ilang mga salin ng Bibliya. Kaya, alinsunod sa iba pang mga talata, sinabi ni Hesus na siya ay lingkod ng Diyos.
Karagdagang Problema sa Trinidad
Sa isang Kristiyano, kinailangan ng Diyos na magkatawang-tao upang maunawaan ang tentasyon at paghihirap ng isang tao, ngunit ang konseptong ito ay hindi base sa alinmang malinaw na salita ni Hesus. Sa kabaliktaran nito, hindi kailangan ng Diyos na matukso at magdusa para maunawaan at patawarin ang mga kasalanan ng mga tao, dahil Siya ang Tagapaglikha ng Tao na lubusang nakakaalam sa lahat. Ito ay ipinahayag sa talatang:
‘At ang Panginoon ay nagsabi: ‘Nakita ko ang paghihirap ng aking mga mamamayan sa Ehipto. Narinig ko ang paghingi nila ng tulong dahil sa sobrang pagmamalupit ng mga namamahala sa kanila, at naaawa ako sa kanila dahil sa kanilang mga paghihirap.’ (Exodus 3:7)
Nagpapatawad na ng kasalanan ang Diyos bago pa man ang pagdating ni Hesus, at Siya ay patuloy na magpapatawad nang hindi nangangailangan ng anumang tulong. Kapag ang isang naniniwala ay nagkasala, siya ay taos-pusong magbalik-loob upang magkamit ng kapatawaran. Katotohanan, ang alok na magpakumbaba sa Diyos at maililigtas ay para sa buong sangkatauhan.
‘Wala nang ibang Dyos, Ako lang, ang Diyos na matuwid at Tagapagligtas; walang iba maliban sa Akin. Lumapit kayo sa Akin para maligtas, kayong lahat sa buong mundo. Sapagkat Ako ang Diyos at maliban sa Akin ay wala nang iba pa.’ (Isaias 45:21-22, Jonas 3:5-10)
Ayon sa Biblia, makakamit ng mga tao ang kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng taos-pusong pagbabalik-loob na direktang makukuha mula sa Diyos. Ito ay totoo sa anumang oras at saan mang lugar. Kailanma'y hindi kinailangan ang sinasabing pagiging tagapamagitan ni Hesus sa pagkamit ng kabayaran ng kasalanan. Ang mga patunay ang nagsasalita para sa kanilang sarili. Walang katotohanan ang Kristiyanong paniniwala na si Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan at ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Hesus. Paano ang kaligtasan ng mga tao bago pa man dumating si Hesus? Ang kamatayan ni Hesus ay hindi kabayaran sa kasalanan, o hindi sa anumang paraa'y katuparan ng mga propesiya sa bibliya.
Sinasabi ng mga Kristiyano na sa kapanganakan ni Hesus, doon naganap ang milagro ng pagsasakatawan ng Diyos sa anyong-tao. Ang sabihin na ang Diyos ay naging tunay na isang tao'y nag-aanyaya sa ilang mga katanungan. Tanungin natin ang mga sumusunod patungkol sa taong-Diyos na si Hesus:
*Anong nangyari sa kanyang prepusyo matapos ang pagtutuli (Lucas 2:21)? Umakyat ba ito sa langit o nabulok tulad sa anumang balat ng tao?
*Noong siya ay nabubuhay, ano ang nangyari sa kanyang buhok, mga kuko, at dugo na dumaloy mula sa kanyang mga sugat? Ang mga selula ba ng kanyang katawan ay namatay katulad sa ordinaryong mga tao? Kung ang kanyang katawan ay hindi gumana sa wastong paggana ng katawang-tao, ay hindi siya maaring tunay na tao gayundin na hindi tunay na Diyos. Ngunit, kung ang kanyang katawan ay gumana sa eksaktong paggana ng katawang-tao, pinapawalang-bisa nito ang anumang pahayag patungkol sa kanyang pagkadiyos. Imposible sa anumang parte ng Diyos, kahit pa ito'y nagkatawang-tao na mabulok sa anumang paraan at ituring pa ring Diyos. Ang walang hanggan, na nag-iisang Diyos, sa kabuuan o bahagi, ay hindi namamatay, nasisira, o nabubulok: ‘Sapagkat Ako, ang Panginoon, ay hindi nababago.’ (Malachi 3:6)
Ang katawang-tao ba ni Hesus ay ligtas na nanahan matapos ang kanyang kamatayan?
Kung ang katawan ni Hesus ay dumaan sa 'pagkabulok' noong siya ay nabubuhay, hindi siya maaring maging Diyos, ngunit kung hindi ito dumaan sa 'pagkabulok' kung gayon hindi siya naging totoong tao.
Ang Bibliya ay nagsasabing ang Diyos ay hindi tao
‘Ang Diyos ay hindi tao’ (Mga Bilang 23:19)
‘sapagka't Ako'y Diyos, at hindi tao’ (Hosea 11:9)
Si Hesus ay maraming beses na pinatungkulan na tao sa Bibliya
‘na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan’ (Juan 8:40)
‘Si Hesus na taga Nazaret, lalaking nagpatotoo ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, para inyong mapag-alaman.’ (Mga Gawa 2:22)
‘Kaniyang huhukuman ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking Kaniyang itinalaga’ (Mga Gawa 2:22)
‘ang taong si Kristo Hesus’ (1 Timoteo 2:5)
Ang Bibliya ay nagsasaad na itinanggi ni Hesus na siya ay Diyos
‘Ang Diyos ay hindi tao, na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi’ (Mga Bilang 23:19)
Madalas tawagin sa Bibliya si Hesus na 'isang anak ng tao' o 'ang anak ng tao’
‘gayundin naman ang anak ng tao’ (Mateo 12:40)
‘'Sapagkat darating ang anak ng tao’ (Mateo 16:27)
‘hanggang makita nila ang anak ng tao na dumarating sa kanyang kaharian.’ (Mateo 16:28)
‘Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa’ (Marcos 2:10)
‘sapagka't siya'y anak ng tao’ (Juan 5:27)
Sa mga Hebreong kasulatan, ang ‘anak ng tao‘ ay maraming beses ding ginamit na pantukoy sa mga tao (Job 25:6, Mga Salmo 80:17, 144:3, Ezekiel 2:1, 2:3, 2:6-8, 3:1-3).
Yamang ang Diyos ay hindi sasalungatin ang Kanyang Sarili, una sa pagsasabing Siya ay hindi anak ng tao, pagkatapos ay magiging isang tao na tatawaging 'ang anak ng tao', hindi Niya ito gagawin. Alalahanin na ang Diyos ay hindi Siya'ng pagmumulan ng kalituhan. Gayundin, ang mga tao, kasama si Hesus, ay tinawag na ‘anak ng tao‘ partikular upang tukuyin sila na iba sa Diyos, na hindi ‘anak ng tao‘ ayon sa Bibliya.
Ang Bibliya ay nagsasaad na Ang Diyos ay mas mataas kaysa kay Hesus
Si Hesus ay nagsalita sa isang tao na tinawag siyang 'mabuti', na tinanong ni Hesus, 'Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.’ (Lucas 18:19)
At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Subalit kung nais mong pumasok sa buhay (na walang hanggan), sundin mo ang mga utos.’ (Mateo 19:17)
Hindi itinuro ni Hesus sa mga tao na siya ay Diyos
Kung sinasabi ni Hesus sa mga tao na siya ay Diyos, pupurihin niya ang lalaki. Sa halip, sinaway siya ni Hesus, itinatanggi na siya ay mabuti, iyon ay, pagtanggi ni Hesus na siya ay Diyos.
Ang Biblia ay nagsasaad na ang Diyos ay nakahihigit kay Hesus
‘Sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin’ (Juan 14:28)
‘Ang aking Ama ay higit na dakila kaysa lahat.’ (Juan 10:29)
Si Hesus ay hindi maaring maging Diyos kung ang Diyos ay nakahihigit sa kanya. Ang Kristiyanong paniniwala na 'ang ama at ang anak ay magkapantay' ay direktang pagsalungat sa malinaw na mga salita mula kay Hesus.
Kailanma'y hindi ipinag-utos ni Hesus sa kanyang mga tagasunod na siya ay sambahin
‘Kapag kayo'y mananalangin, inyong sabihin, Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.’ (Lukas 11:2)
‘Sa araw na iyon, hindi na kayo hihingi pa sa akin ng anuman. Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.' (Juan 16:23)
‘'Darating ang oras at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat hinahanap ng Ama ang gayong mga sumasamba sa kanya.’ (Juan 4:23)
Kung si Hesus ay Diyos, hahangarin niya ang pagsamba sa kanyang sarili
Yaman ay hindi niya ginawa, bagkus siya'y naghangad ng pagsamba para sa Diyos na nasa mga langit, samakatuwid, siya ay hindi Diyos.
Magdagdag ng komento