Isang Sistemang Planado ang Bawat Detalye nito.
Paglalarawanˇ: Paano pinatunayan ng mga kumplikadong sistema ang pag-iral ng Diyos at pinabulaanan ang teorya ni Darwin.
- Ni A.O.
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 08 Oct 2011
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,776 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang paghinga, pagkain, paglakad, atbp, ay likas na gawain ng tao. Subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nag-iisip tungkol sa kung paano nagaganap ang mga pangunahing pagkilos na ito. Halimbawa, kapag kumakain ka ng prutas, hindi mo iniisip kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa iyong katawan. Ang tanging bagay na nasa iyong isipan ay ang kumain ng isang nakabubusog na pagkain; kasabay nito, ang iyong katawan ay dumadaan sa napaka detalyadong mga kaparaanan na hindi mo mailarawan upang gawing nagbibigay-kalusugang bagay ang pagkain na ito.
Ang sistema ng pagtunaw kung saan nagaganap ang mga detalyadong kaparaanan na ito ay nagsisimulang gumana sa sandaling mailagay ang isang piraso ng pagkain sa bibig. Bilang kasama sa sistema sa umpisa, binabasa ng laway ang pagkain at tinutulungan nitong magiling sa pamamagitan ng ngipin at pinapadulas pababa sa lalamunan.
Hinahatid ng lalamunan ang pagkain patungo sa tiyan kung saan ang isang perpektong balanse ay nagyayari. Dito, ang hydrochloric acid na nasa tiyan ay tinutunaw ang pagkain. Napakatapang ng acid na ito dahil ito ay may kakayahang tunawin hindi lamang ang pagkain pati na rin ang mga dingding ng tiyan. Siyempre, ang gayong kapintasan ay hindi pinahihintulutan sa perpektong sistema na ito. Ang isang katas na tinatawag na uhog, na lumalabas habang nagtutunaw, ay nagtatakip sa lahat ng mga dingding ng tiyan at nagbibigay ng isang perpektong proteksyon laban sa mapanirang epekto nghydrochloric acid. Sa gayon maiiwasan ng tiyan ang pagka-ubos o tunaw nito.
Ang puntong marapat na mapansin dito ay ang ebolusyon ay hindi maaaring maging kapaliwanagan sa sistemang dagliang naibuod sa itaas. Pinaninindigan ng ebolusyon na ang mga kumplikadong organismo ngayon ay unti-unting nabuo mula sa mga sinaunang selula na anyo sa pamamagitan ng unti-unting pagka-ipon ng mga maliliit na pagbabago sa istruktura. Gayunpaman, tulad ng malinaw na nakasaad, ang sistemang nasa tiyan ay hindi maaaring nabuo ng paunti-unti. Ang kawalan ng kahit isang salik ay maaaring magresulta sa pagkamatay ng organismo.
Kapag ang pagkain ay napunta na sa tiyan, ang kakayahan ng katas ng tiyan upang tunawin ang pagkain ay nangyayari dahil sa resulta ng isang serye ng mga pagbabago sa kemikal. Ngayon, isipin na may isang buhay sa tinatawag na ebolusyonaryong proseso kung saan ang katawan ay hindi kumpleto sa gayong planadong pagbabagong-anyo ng kemikal. Ang taong ito, ay walang sariling kakayahang buuin ang abilidad na ito, hindi makakayang tunawin ang pagkaing kinain nito at magugutom hanggang sa mamatay na may hindi natutunaw na bunton ng pagkain sa tiyan nito.
Bilang karagdagan, sa mga oras ng paglabas ng nakatutunaw na acid na ito, ang mga dingding ng tiyan ay dapat sabay ding maglabas ng tinatawag na uhog. Dahil kung hindi, ang acid na ito ay sisira sa tiyan. Dahil dito, upang magpatuloy ang buhay, ang tiyan ay dapat na maglabas ng parehong mga likido (acid at uhog) nang sabay. Ipinapakita nito na ito ay hindi isang paunti-unting nagkataong ebolusyon na dapat, sa katunayan, ay nagtatrabaho, ngunit sa halip ay isang nakaka pagbigay-kamalayang nilikha na kasama at buo ang lahat ng sistema.
Ipinapakita ng lahat ng ito na ang katawan ng tao ay katulad ng isang malaking pabrika na binubuo ng maraming maliliit na mga makina na nagtutulungan sa ganap na pagkakaisa. Tulad ng lahat ng mga pabrika na may isang taga-disenyo, isang inhinyero at isang tagaplano, ang katawan ng tao ay may isang “Makapangyarihang Tagapaglikha.”
Magdagdag ng komento