Mga Pangunahing Kahalagahan ng Islam
Paglalarawanˇ: Ang artikulo na eto ay ipapakita ang pinakamahalagang mga aspeto ng Islam: mga pangunahing paniniwala, relihiyosong mga kasanayan, Quran, mga turo ng Propeta Muhammad (pbuh), at ang Shariah. Isang simpleng artikulo na pinagsasama ang Islam sa isang maikling salita.
- Ni Imam Mufti (© 2013 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 20 Aug 2023
- Nag-print: 4
- Tumingin: 20,997 (araw-araw na pamantayan: 13)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mahirap limitahan ang lahat ng tungkol sa Islam sa ilang mga pangunahing kahalagahan. Gayunpaman, ang pinakamahalagang mga paniniwala at relihiyosong mga kasanayan ay kinilala ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) mismo. Kung kaya, may pangkalahatang kasunduan sa mga ito mula sa lahat ng mga Muslim. Ito ay nagbibigay kawili-wiling paghahambing dahil ang makabagong mga Hudyo at Kristiyano ay walang magkatulad na pagkakaisa sa kanilang mga sistema ng paniniwala. Ang mga Kristiyano, halimbawa, ay maraming mga kredo[1] at ang mga Hudyo ay walang napagkasunduan sa paniniwala. Karamihan sa makabagong mga Hudyo ay sumasang-ayon sa 613 na mga utos, ng isang Hudyong rabino na si Maimonides na mula sa Kamuslimang Espanya, na naitala at inuri noong ika-12 siglo.
Bilang karagdagan, ang mga pantas na Muslim, sa nakaraan at kasalukuyan, ay nakilala din at sa ilang mga pagkakataon ay sumang-ayon sa pangunahing mga turo ng Quran, ng Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, at sa 'mahahalagang' Islamikong Batas (Shariah).
Mga Pangunahing Islamikong Paniniwala: Anim na mga Artikulo ng Pananampalataya
Mahigit sa isang bilyong mga Muslim ang nakikibahagi sa iisang lupon ng mga pangunahing paniniwala na ipinakilala bilang "Mga Artikulo ng Pananampalataya." Ang mga artikulong ito ng pananampalataya ay ang bumubuo sa pundasyon ng sistema ng Islamikong paniniwala.
1. Paniniwala sa Nag-iisang Diyos: Ang pinakamahalagang turo ng Islam ay ang Diyos lamang ang dapat paglingkuran at sambahin. Gayundin, ang pinakamalaking kasalanan sa Islam ay ang pagsamba sa iba pang mga nilalang kasama ng Diyos. Sa katunayan, ang mga Muslim ay naniniwala na ito lamang ang kasalanang hindi pinatatawad ng Diyos kung ang isang tao ay namatay at di nakapagsisi mula dito.
2. Paniniwala sa mga Anghel: Ang Diyos ay lumikha ng mga hindi nakikitang nilalang na tinatawag na mga anghel na nangangasiwa ng walang kapaguran upang pamahalaan ang Kanyang kaharian nang buong pagsunod. Ang mga anghel ay pinalilibutan tayo sa lahat ng oras, na ang bawat isa ay may tungkulin; ang ilan ay nagtatala ng ating mga salita at gawa.
3. Paniniwala sa mga Propeta ng Diyos: Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Diyos ay ipinakilala ang Kanyang patnubay sa pamamagitan ng mga propetang tao na ipinadala sa bawat nasyon. Ang mga propetang ito ay nagsimula kay Adan at kabilang sina Noe, Abraham, Moises, Hesus at Muhammad, ang kapayapaan ay sumakanila. Ang pangunahing mensahe ng lahat ng mga propeta noon paman ay palaging mayroon lamang isang Tunay na Diyos at Siya lamang ang karapat-dapat na pagsumamuhan at sambahin.
4. Paniniwala sa Ipinahayag na mga Aklat ng Diyos: Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Diyos ay ipinahayag ang Kanyang karunungan at mga tagubilin sa pamamagitan ng 'mga aklat' sa ilang mga propeta tulad ng Mga Awit, Torah, at Ebanghelyo. Sa paglipas ng panahon, gayunpaman, ang orihinal na mga turo ng mga aklat na ito ay nabaluktot na o nangawala. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Quran ay ang huling kapahayagan ng Diyos na ipinahayag sa Propeta Muhammad (pbuh) at ganap na napangalagaan.
5. Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom: Ang buhay sa mundong ito at ang lahat ng napapaloob nito ay magwawakas sa isang itinalagang araw. Sa araw na yaon, ang bawat tao ay ibabangon mula sa kamatayan. Ang Diyos ay hahatulan ang bawat tao nang isa-isa, alinsunod sa kanyang pananampalataya at sa kanyang mabubuti at masasamang gawa. Ang Diyos ay magpapakita ng awa at katarungan sa paghatol. Ayon sa mga Islamikong katuruan, ang mga naniwala sa Diyos at gumawa ng mabubuting gawa ay gagantimpalaan ng walang hanggan sa Kalangitan. Ang mga tumanggi sa pananampalataya sa Diyos ay walang hanggan na parurusahan sa apoy ng Impiyerno.
6. Paniniwala sa Itinadhana at Banal na Kapasyahan: Ang mga Muslim ay naniniwala na yamang ang Diyos ang Tagapagtaguyod ng lahat ng buhay, walang nangyayari maliban sa Kanyang Kalooban at sa Kanyang buong kaalaman. Ang paniniwalang ito ay hindi sumasalungat sa ideya ng malayang kalooban. Ang Diyos ay hindi tayo pinipilit, ang ating mga pagpapasya ay nalalaman na ng Diyos dahil ang Kanyang kaalaman ay ganap. Ang pagkilalang ito ay tumutulong sa mananampalataya na malampasan ang mga paghihirap at pagdurusa.
Pangunahing Relihiyosong Kasanayan ng Islam: Ang Limang "Haligi" ng Islam
Sa Islam, ang pagsamba ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay at hindi limitado sa mga ritwal lamang. Ang pormal na gawaing pagsamba ay kilala bilang limang "mga haligi" ng Islam. Ang limang haligi ng Islam ay ang pagpapahayag ng pananampalataya, pagdarasal, pag-aayuno, kawanggawa, at paglalakbay.
1. Pagpapahayag ng Pananampalataya: Ang "Pagpapahayag ng Pananampalataya" ay ang pahayag na, "La ilaha illa Allah wa Muhammad Rasul-ullah", na nangangahulugang "Walang diyos na karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos (si Allah), at si Muhammad ang Sugo (Propeta) ng Diyos". Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya ay higit pa sa isang pahayag; dapat itong ipakita sa mga pagkilos ng isang tao. Para magbalik sa pananampalatayang Islam, ang isang tao ay kailangang bigkasin ang pahayag na ito.
2. Pang-araw-araw na Pagdarasal: Ang pagdarasal ay isang pamamaraan kung saan ang isang Muslim ay nakikipag-ugnahyan sa Diyos at nagtitipon ng espirituwal na lakas at kapayapaan ng isipan. Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng limang pormal na pagdarasal sa isang araw.
3.Zakah: Isang uri ng kawanggawa. Ang mga Muslim ay kinikilala na ang lahat ng kayamanan ay pagpapala mula sa Diyos, at ilang mga responsibilidad ang kinakailangan bilang kapalit. Sa Islam, tungkulin ng mayayaman na tulungan ang mahihirap at nangangailangan.
4. Pag-aayuno sa Ramadan: Maminsan sa bawat taon, ang mga Muslim ay inutusang mag-ayuno para sa isang buong buwan mula sa bukang liwayway hanggang sa takip-silim. Ang panahon ng matinding espirituwal na debosyon ay kilala bilang pag-aayuno sa Ramadan kung saan walang pagkain, walang inumin at pakikipagtalik ang pinapayagan sa panahon ng pag-aayuno. Matapos ang paglubog ng araw siya ay maaaring tamasahin ang mga bagay na ito. Sa buwan na ito ang mga Muslim ay sinasanay ang pagpipigil sa sarili at tumuon sa mga pagdarasal at debosyon. Sa panahon ng pag-aayuno, ang mga Muslim ay natututong makiramay sa mga nasa mundo na kakaunti ang kinakain.
5. Ang Hajj na paglalakbay patungong Makkah: Ang bawat Muslim ay nagsisikap na gumawa ng isang beses sa tanang buhay na paglalakbay sa mga sagradong lugar sa Makkah, sa kasalukuyang Saudi Arabia. Ito ang pinaka matinding espirituwal na karanasan para sa isang Muslim. Karaniwan, 2-3 milyon ang nagsasagawa ng hajj bawat taon.
Pangunahing Bahagi ng Quran: Surah (Kabanata)al-Fatihah
Ang mga pantas ay isinasaalang-alang ang Surah al-Fatihah, ang unang kabanata ng Quran, na siyang pangunahing bahagi ng Quran. Ito ay binabasa sa bawat pormal na pagdarasal sa wikang Arabe. Ang pagsasalin ay sumusunod:
" Nagsisimula ako sa ngalan ng Diyos, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain. Lahat ng papuri at pasasalamat ay ukol sa Diyos, ang Panginoon ng mga daigdig. Ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain. Hari ng Araw ng Paghuhukom. Ikaw lamang ang aming sinasamba at Ikaw lamang ang aming hinihingian ng tulong. Gabayan Mo kami patungo sa Tuwid na Landas (ng Islam), ang landas ng Iyong mga pinagpala, hindi ang landas ng mga taong natamo ang Iyong galit o yaong mga naligaw."
Para mapakinggan ang pagbasa ng Surah al-Fatiha pumindut dito
Pangunahing mga Turo ng Propeta Muhammad
Ang mga klasikal na mga pantas ng Islam ay pinaikli ang mga turo ng Propeta Muhammad (pbuh) sa ilang mga pahayag. Ang mga komprehensibong pahayag na ito ay nakaantig sa bawat aspeto ng ating buhay. Ilan sa kanila ay:
1)Ang mga gawain ay hahatulan sa layunin sa likod ng mga ito.
2)Ang Diyos ay Dalisay at hindi tumatanggap ng anuman maliban kung ito ay dalisay at ang Diyos ay inutusan ang mga matatapat ng anumang iniutos Niya sa mga propeta.
3)Ang bahagi ng magandang pagsunod sa Islam ng isang tao ay iwanan ang walang kinalaman sa kanya.
4)Ang isang tao ay hindi maaaring maging isang ganap na mananampalataya maliban kung ibigin niya para sa kanyang kapatid ang iniibig niya para sa kanyang sarili.
5)Hindi niya dapat pinsalain ang kanyang sarili o ang iba.
6)Huwag pagtuunan sa buhay na ito ang pagkamal ng mga makamundong bagay o kapakinabangan at ang Diyos ay mamahalin ka. Huwag kang mabahala sa kung anong mayroon ang mga tao, at mamahalin ka nila.
Pangunahin sa Islamikong Batas o Shariah
Ang pangunahing Islamikong Batas ay ang pangangalaga ng:
1)Relihiyon
2) Buhay
3)Pamilya
4)Isipan
5)Kayamanan
6)Ang ilang kasalukuyang mga pantas ay nagmumungkahing alinman sa katarungan o kalayaan ang maging ika-anim na kategorya.
Sa pananaw ng Islam, ang mga ito ay kilala bilang mga "mahahalaga" sapagkat ang mga ito ay itinuturing na mahalaga para sa kapakanan ng tao.
Sa konklusyon, kung ang isang tao ay magtatanong, ano ang diwa ng Islam sa pinakamaikling posibleng mga salita, ang sagot ay, "ito ay nasa loob ng salitang Islam mismo: upang maglingkod, sumamba, at mapagmahal na sumuko sa Diyos."
Magdagdag ng komento